Chapter 31

22 2 0
                                    




After the intense conversation between me and Amethyst ay pinili ko nang lumabas nang library dala ang libro at nagtungo sa opisina ni Hades.



Wala naman talaga akong balak na patulan ang babaeng 'yon kanina pero dahil sinagad na niya ang pasensya ko ay wala na akong nagawa at sinagot-sagot siya.



Dahil sa mga sinabi niya nakaramdam tuloy ako nang takot. Paano kaya kung magawa niya lahat ang mga sinasabi niya? May mailalaban ba ako? Kaya ko bang lumaban?



Pero katulad nga nang sabi ko hindi ko hahayaan na ang takot at pangamba ang tatalo sa akin. Hindi ko hahayaan na matalo nang takot lalo pa at kailangan ako ngayon ni Hades.



Nakarating ako sa opisina ni Hades at nakita ko si Jensen sa labas nang pinto at marahang yumukod sa akin at maya-maya pa ay marahan niyang binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Hades na nakasandal sa kanyang swivel chair habang direstong nakatingin sa akin.



"Hi," bati ko at binigyan siya nang tipid na ngiti.



Agad s'yang tumayo sa kanyang kinauupuan at binigyan ako ng mahigpit na yakap na agad ko namang ginantihan.



In his arms, I know I am safe.



Tumingala ako para salubungin ang kanyang mga mata at bigyan siya nang aking matamis na ngiti at naramdaman ko na lamang ang mga sarili namin na dahan-dahan na sumasayaw habang nanatili pa rin na magkayakap.



"Yes and you are so beautiful when you smile, Kyleigh. I love to hear your natural laugh," he said. That made my heart flutter.



"Araw-araw na ba akong ngingiti nito?" Tanong ko sa kanya na nakapagpangiti sa kanya at kitang-kita ko ang paglabas ng kanyang dawalang dimples.



"Yes and you are so beautiful when you smile Kyleigh. I love to hear your natural laugh," he said that makes my heart fluttered.



Grabe naman pala magpakilig ang hari. Akala ko wala nang natitirang sweetness sa katawan ng lalaking 'to.



"Tumatawa ka ba?" Tanong ko sa kanya na nagpakunot sa kanyang noo.



"Of course I laugh, Kyleigh," he said.



"Hindi ko pa kaya naririnig ang tawa mo," saad ko.


Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon