Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng maaksidente ako at mawalan ng alaala. Simula ng magising ako mula sa comatose si Mierre na ang nasa tabi ko. Siya ang umagapay sa akin hanggang sa maka-recover ako.
Noong una ay may malaki akong pagdududa kay Mierre at hindi nya naman ako masisisi dahil wala talaga akong maalala. Si Mierre rin ang unang prinsipe na nagpakilala sa akin kaya naman gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.
Ilang buwan ang nakalipas at doon nagsimula ang pananakit ng ulo ko at doon nagpakita sa aking isip ang unang imahe. Isang imahe na nagpakita ng kabataan ko at probinsyang kinalakihan ko.
Pilit kong tinanong si Mierre kung ano ang ibig sabihin ng bagay na iyon pero wala siyang naisagot sa akin dahil hindi naman niya ako nakasama noong bata pa ako at hindi pa siya nakakapunta sa lugar na iyon.
Matapos magpakita ang imaheng iyon sa isip ko ay hindi na muling nasundan pa. Ilang buwan ang lumipas at nag-hintay ako na sana may magpakita sa aking isip pero wala kaya sumuko na lamang ako dahil tanggap ko ng hindi na maibabalik pa ang lahat ng alaala ko.
Pero si Mierre ay laging nasa tabi ko at hindi sya sumukong tulungan ako kaya kahit papaano ay gumagaan ang loob ko.
Matapos ang isang taon ay muling may nagpakita sa aking imahe at dahil iyon sa babaeng nakabanggaan namin sa mall na ang pangalan ay Amethyst at dahil sa kanya ay nabuksan lahat ng pintuan ng alaala ko.
Akala ko mag-hihintay akong muli ng ilang taon bago magpakita ang ilang imahe sa aking isip pero hindi. Dahil dumating si Hayden.
Si Hayden ang naging dahilan para mabuhayan muli ako ng loob na may pag-asa pa akong makaalala. At dahil kay Hayden muli ko naramdaman ang presensya ng lalaking nag-papainit sa aking puso. Ang lalaking minsan kong minahal na hanggang ngayon siya pa rin ang itinitibok ng aking puso.
Si Hades, ang lalaking nasa panaginip ko, ang lalaking nagbibigay init sa aking puso at nagpapagulo sa aking sistema. Si Hades na isang hari.
"Hades, naaalala ko na ang lahat. Lahat lahat," saad ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang aking luha.
"Hades ikaw yung lalaking nasa panaginip ko. Ikaw yung lalaking nasa portrait kasama ko. At ikaw yung lalaking pinakasalan ko. Ikaw ang lahat ng iyon," sabi ko at mahigpit syang niyakap at patuloy na umiyak sa kanyang braso. Sobrang saya ko dahil naalala ko na ang lahat ng nakaraan ko.
"Sorry kung nakalimutan kita. Sorry dahil dalawang taon akong nawala. At sorry dahil ang tagal ko bago nakaalala," saad ko pero mahigpit niya lamang akong niyakap.
Dahan dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya at agad naman niyang pinunasan ang aking mga luha ng makita nya iyon at hinawakan ang aking pisngi.
"Shh it's okay. I should be the one who apologizes for failing to protect you. I failed to safeguard my queen," sabi nya sa akin at napakagat na lamang ako sa aking labi.
Umiling na lamang ako at muli siyang niyakap ng mahigpit. Tumagal kami ng ilang minuto hanggang sa ako na ang kumalas sa pagkakayakap namin.
Pinalis ko ang mga luhang natitira sa aking pisngi. Umalis ako mula sa pagkakaupo at tumayo sa kanyang harapan at taas noo syang tiningnan.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...