"Proud ako sa sarili ko straight uno sa pre cal at gen math," saad ko kay Jane habang naglalakad kami sa hallway.
O diba sinong hindi mapapaproud kung lahat ng pinagpuyatan mo ay worth it. Math lang talaga ang nagpapabuhay sa utak ko.
Dati kasi noong mga elementary ako or grade 7 at 8 hate ko talaga ang math lalo na ang algebra dahil kahit anong aral ko hindi ko pa rin ma-gets kung paano naging ganon si 'x' at paano naging ganon si 'y' but now I realized that kahit anong hate natin sa math still part parin siya ng buhay natin.
Kaya sa mga hate diyan ang math hindi niyo naman kaylangan seryosohin yun. Just enjoy it at kapag nag-eenjoy ka sa subject na yun mas gugustuhin mo pa siyang matutunan at magiging madali na lang iyon sayo.
"Congrats engineer ka na. Ako kasi 1.75 ako sa gen math puta lang kasi malay ko ba na pre cal formula yung nagamit ko sa gen math. Bakit kasi kayiangan dalawa pa math sa STEM," saad ni Jane at ngumis na lamang ako sa kaniya.
Nangyari na rin yan sa akin one time kaso buti na lang nahatak ko sa mga long quizzes kahit papaano ay nakabawi ako.
"Hayaan mo na bawi ka na lang sa next quiz niyo marami pa namang chance and second sem pa lang uy! Wag mo i-istress sarili mo magiging engineer ka rin," saad ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Papunta kami ngayon sa cafeteria dahil nakalimutan na namin ni Jane na magbaon dahil muntik na kaming mga late sa first subject namin which is philo. Sa gen math lang kami nagkaiba ng room and instructor.
Napatingin ako sa kabilang building kung na saan ang mga first year college at napataas na lang ako ng kanang kilay ko at napangiwi ng makita ko si Hades doon na nakatingin sa akin. Ano na naman ang problema ng lalaking ito?
Oo nga pala niyayaya nga pala niya ako maging reyna ng bansa niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang sagot ko. Papayag ba ako? Pero hindi yun ang gusto ko maging propesyon. At hindi yun ang bansang kinalakihan ko.
Umiwas na lamang ako ng tingin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Hindi ko pa rin pala nasasabi kay Jane ang tungkol dito.
Lalong lalo na sa pamilya ko. Baka magulat na lang sila pag-uwi ko may asawa na ako, kasal na and worst isa pang reyna. Baka mabaliw na ang pamilya ko dahil sa mga naging ganap ko sa Maynila.
Nakarating kami sa cafeteria at nag-order lamang ako ng carbonara at orange juice. Libre ang black card dito dahil si Queen Ayisha ang nagtatag niyon. May scholar na rin dito at sa awa ng Diyos isa ako sa mga scholar na iyon.
Maganda ang uniform dito pero mas maganda ako sabi ng mama at papa ko pati na rin ng mga kapatid ko. Nadala lang ng kagandahan ko ang uniform ko.
"Ano next subject mo Ky?" Tanong sa akin ni Jane.
"Literature boring nga nun eh nakakadugo mag-english lalo na sa MIL at Oral Com dudugo na ata utak ko sa English eh," saad ko at sumubo ng carbonara. Ito lang masarap dito.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
Storie d'amoreTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...