Chapter 41

19 2 0
                                    



"Is there something wrong, lady?" Tanong ni Sir Gavion sa kanya. 




"There's nothing wrong, sir. Uhm yeah, let's start the meeting," saad nya pero ang kanyang mga mata ay nanatili pa rin na nakapokus sa akin. 




"Grabe ano kayang nangyari sa kanya?" Tanong ni Gerald. Pero kibit balikat lamang ang sinagot sa kanya ni Michelle habang ako ay nanatiling tahimik. 




Matapos ang eksenang iyon ay naupo na muli kami sa aming mga upuan at inumpisahan na ang meeting. Nakatingin lamang ako sa aking laptop at kahit hindi ko iangat ang aking paningin alam kong nakatingin sya sa akin. 




Hinimas ko na lamang ang aking batok dahil pakiramdam ko ay may sumasakal sa akin. Ramdam ko rin ang pamamasa ng aking mga kamay at unting panginginig nito dahil sa lamig. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa lalaking ito?




Huminga ako ng malalim at lakas loob na sinalubong ang kanyang tingin. Ang mga mata nya pamilyar sa akin lalo na ang matangos nyang ilong at pati na rin ang mapula niyang labi. Napaiwas na lamang ako ng tingin at bumaling ang atensyon ko sa katabi nyang babae na ngayon rin ay nakatingin sa akin.




Binigyan nya ako ng isang ngiti at sinuklian ko naman ito. Sa hindi malamang dahilan ay naging magaan ang loob ko sa babaeng ito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parte sya ng nakaraan ko dahil iyon ang sinasabi ng isip at puso ko. 




"Ms. Manresa ano sa tingin mo ang magandang lugar na pagtayuan ng condominium?" Tanong sa akin ni Sir Gavion na ikinagulat ko. 




Lahat ng mata ng mga tao sa loob ng conference room ay nakatutok na ngayon sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba dati naman tuwing may conference meeting about sa mga projects lagi akong confident ngayon lang ako nahiya ng ganito.




"Well Sir, in my perception. Maganda naman pagtayuan ng mga establishment ang Pasay at Makati dahil mas maraming tao doon kaso nga lang masyado ng maraming establishment ang lugar na iyon mahihirapan kaming magpasok ng materials para sa condominium lalo na at safety ng mga tauhan ko ang inuuna ko," saad ko at napatango naman si Sir Gavion sa sinabi ko. 




Nakita ko naman ang pasimpleng pagpalakpak ng babae na may kasamang ngiti sa kanyang labi na ikinatuwa ko. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya. Muli akong nagseryoso ng marinig ko ang pagtikhim ng lalaki na wala ng ibang ginawa kundi manatili ang kanyang tingin sa akin. 




"Then we have to change the location. Is that okay?" Saad nya at sumang-ayon naman ang mga tao sa loob. 




Matapos mabago ang lokasyon ng pagtatayuan ng condominium ay nagsimula na naming pag-usapan ang mga detalye ng projects. Ang condominium na itatayo ay may floor na hanggang labin-dalawang palapag at may 1,000 units. Ganon kalaki at kalawak ang makakain na lupa. Isipin mo yun kung itatayo nila yun sa Pasay at Makati saan namin ibaba ang mga semento at iba pang materyales? 




"The grand total price of this project is 4.5 million pesos," saad ni Sir Gavion at narinig ko naman ang impit na tili ni Michelle. Malamang ay gulat sa presyong narinig nya habang ako ay napangiti na lamang sa kanila.




Marami pa ang napag-usapan sa loob ng conference room hanggang sa napagpasyahan ng tapusin ng may-ari ng Acre Corporation ang meeting. Akala ko si Hayden ang may-ari yung lalaking naka-blue coat pala. 



Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon