Chapter 24

34 3 1
                                    



Everyone is in their own world. Lahat ng tao sa hall may kanya-kanyang ginagawa. May sari-sariling grupo at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang prinsesa.



At hindi na rin nahagip ng mga mata ko si Jane na mukhang nakipag-socialize na nga sa mga tao dito. Buti pa si Jane nagagawa niya lahat ng gusto niya dahil malaya siyang nakakakilos kumpara naman sa akin na lahat ng kilos ko ay may mga taong nakatingin, na may mga matang huhusga sa mga gagawin ko.



"How was your first day as your queen?" Amethyst asked.



I remained silent, but of course I gave her my sweet smile, isang sweet smile na FAKE. Hindi ko ka-vibes ang babaeng 'to at panigurado warlahan talaga kaming dalawa. Isa siyang sopistikadang babae at kung makipag usap eh parang may nagawa ako sa kanyang kasalanan.



"My first day was good. The king helped me to accomplish the task and helped me in making a plan for Edinburgh." I said and sipped my red wine.



Wala ngayon si Hades dahil nasa taas siya nang palasyo para kausapin si King Lance hindi naman niya sinabi ang dahilan pero wala na akong pake doon ang iniisip ko ngayon eh ang makaalis sa harapan nang Amethyst na 'to.



"That's nice to hear, queen. Well, for me If I am the Queen, I will also make a plan to make my sod like a paradise." She said and gave me a smile. No, a playful smile.



Ganyan din ang sinabi ni Hades sa akin. That we will turn our land into a paradise.



I just smiled at her and nodded. Wala akong mapapala sa babaeng 'to. Kitang-kita ko na ang ugali ng Amethyst na 'to. She's too dangerous for me, for us. Grabe ang attitude ng babaeng 'to hindi ko masabayan.



"By the way, I want to introduce myself to you, Queen Kyleigh. I'm Princess Dawn Amethyst Trevesino, the Princess of the Royal Family Trevesino," saad niya at yumukod.



Yuyuko ka din naman pala akala ko hindi eh. Binigyan ko siya ng matamis na pekeng ngiti at tinanguan lamang siya. Hindi nga ako nagkamali. Isa siyang prinsesa. Damit at ayos pa lang ng istura niya ay hindi pang-ordinaryo lang lalo pa at kung titingnan mo ang damit niya na makintab na pula at mga alahas talaga namang napapabilang siya sa mga royal blood people.



Bongga talaga sa bansang 'to. Dito ka lang makakakita na ang yayaman ng mga taong nakaupo sa bansang 'to pero wala pa rin' naaambag o pagbabago. Hindi ko sinasabing lahat sila may ilan lang sa kanila na wala pa rin' ambag.



"Now you know me, what about you? Are you a princess or an heiress?" She asked with a smile on her face.

Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon