Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Tiningnan ko ang aking wall clock at nakita ko doon na alas siyete na pala ng umaga.
Kagabi bago ako tuluyag matuloy ay sinabihan ko si Architect Guzman pati na ang head ng office namin na hindi muna ako makakapasok at naiintindihan nila iyon lalo pa't nakita nila ang nangyari sa akin kahapon.
Sinabihan ko rin sila Michelle at Gerald na sila muna ang bahala sa projects at i-email na lang sa akin ang ibang details if ever man na may madagdag o mabago.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama at nag-unat ng katawan. Binuksan ko na rin ang kurtina sa kwarto ko para magkaroon ng liwanang.
Pumasok na rin ako sa banyo para makapaghilamos at makapagsipilyo na rin ng ngipin. Hindi ko alam kung pupunta ako ng gym o dito na lang ako magdamag sa unit ko.
Walang masyadong mapaglilibangan sa unit ko maliban sa TV. Tinatamad rin akong lumabas at maglakad kaya siguro dito na lang ako sa condo ko at magpapahinga na lang tutal yun naman talaga ang dapat kong gawin.
Matapos kong magsipilyo at maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto para makapaghanda ng almusal pero hindi pa man ako nakakapasok sa kusina ng biglang may nag-door bell.
Sino naman ito at ang aga-aga ay nasa unit ko?
Bumuntong hindinga muna ako at tamad kong tinungo ang pintuan at binuksan ito at nagulat ako ng tumambad si Hades sa aking harapan. Napapikit na lamang ako ng maalala ang sinabi nya sa akin kagabi.
Oo nga pala sinabi nga niya palang pupunta sya dito sa condo. Pero bakit sobrang aga?
"Good morning," bati nya sa akin at nakita ko ang paglandas ng kanyang mata sa aking katawan. Kumunot ang aking noo at pasimpleng tinignan ang aking sarili at napakagat na lamang ako sa aking labi ng makita ang suot ko.
I'm wearing a drop shoulder notched neck top at halos kita na rin ang cleavage ko at isang short. Narinig ko ang pagtikhim nya kaya naman napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Uhm good morning rin. Pasok ka," saad ko at nilakihan ang bukas ng pinto. Ngayon ko lang rin napansin ang mga paper bags at plastics sa kamay nya.
"Kagigising ko lang kaya kape lang ang meron," sabi ko at this time hindi na ako makatingin sa mga mata nya at dahil na rin sa hiya.
Narinig ko ng bahagyang pagtawa nya kaya naman napatingin ako sa kanya at napalunok na lang ako ng nakatangin rin pala sya sa akin.
"Don't worry, I brought you food and even clothes " saad nya at napatango na lamang ako.
"Dapat hindi ka na bumili ng damit marami naman akong damit sa closet at tsaka may pagkain naman sa ref sadyang nakakatamad lang talaga magluto ngayong umaga," sabi ko at tipid syang nginitian.
Tinulungan ko syang mag-ayos ng kanyang pinamili at halos matakam ako sa mga binili nyang pagkain. Grabe puro beef! Mahilig ba sya sa beef? Grabe ang sarap.
"Pwede ba nating lutuin itong beef?" Tanong ko sa kanya habang pinapakita sa kanya ang tupperware na may lamang karne.
"Sure," saad nya at napangiti naman ako. Grabe gusto na kitang kaining beef ka! Hindi na ako makapaghintay na maluto ka.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...