Chapter 6

38 6 0
                                    



"Wow Ky saan ba kayo pumunta ng fiance mo at ang dami mong dalang pagkain."



After ng meeting nila Hades ay hinatid na niya ako dito sa dorm. Mag uusap pa sana kami kaso tinalikuran ko na siya. Wala akong gana makipag-usap dahil gutom na naman ako.



"Sa bahay nila Hades actually mansyon nga eh. Kumain na tayo nagugutom na naman ako eh," saad ko.



Inilabas na namin sa mga paper bag ang mga pagkain at napapikit na naman ako at napakagat sa ibabang labi ko ng maamoy ko ang mga nakakaakit na amoy ng pagkain.



Inayos na namin ang mga pagkain. Nakapagbihis na rin ako ng damit at ngayo'y sarap na sarap sa pagkain. Nakataas ang kanang paa sa upuan habang nakakamay.



Buhay mahirap pero masarap.



"Shit heaven!" Saad ni Jane. Heaven lahat ng mga pagkain lalo na at may kanin na. Sarap!



"Araw-araw ka na kaya pumunta sa bahay ng mapapangasawa mo para araw-araw masarap ulam natin at makarami ng kain," saad ni Jane sabay subo.



Kung pwede nga lang na araw-araw pumunta doon para makapag take out ng pagkain kaso nakakahiya diba? May hiya pa naman ako kahit ganito ako.



"Wag kang mag-alala magiging masarap ulam natin kapag nakasal na kami," mahina kong sambit at napatingin naman sa akin si Jane.



"Ky sigurado ka na ba diyan? Mahaba pa naman ang araw para magbago ang isip mo. Kahit pumayag na ako na sumama sayo eh nagdadalawang isip pa rin ako," saad ni Jane.




Anong mahaba pa ang araw para pag-isipan ko? Eh yung magaling na mapapangasawa ko eh next week na pala ang kasal.



Epal itong si Hades eh kating kati magpakasal. Ganon ba ako ka irresistible?



"Ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Malaking tulong din ito para sa akin, hindi na ako mamomroblema sa kanila lalo na sa gastusin," saad ko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.



"Eh paano naman yung pangarap mo? Di ba gusto mo maging engineer. Paano na yun? Itatapon mo na lang ba dahil sa kasal na 'yan? Para saan yung pagiging honor student mo sa math, yung mga pagsali mo ng competition. Wala na yun sayo? Magkasama tayong nangarap. We both dream of becoming a successful engineer someday. We both dream of constructing our own houses for our families." saad ni Jane.




Sabay kaming nangarap ni Jane. Pareho kaming nangarap na magiging successful kami na makakapagtapos kami ng sabay kaso ako pala ang sisisira. Hindi ko naman ginustong mangyari ito eh dahil ito talaga ang buhay ko ang tadhana ko.



"Sorry Jane. Hindi ko naman ito ginusto eh kusa itong nangyayari, kung hindi ito nangyayari sa akin ngayon siguro masaya lang tayo habang tinutupad natin ang mga sabay nating pinangarap," saad ko. Totoo naman diba?



Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon