Jane: Kyleigh daan ka muna sa convenience store bilhan mo ako napkin. Labyu.
Text sa akin ni Jane. Tang ina naman bes pauwi na ako oh! Kakagaling ko lang sa school tapos babalik na naman ako para bumili ng napkin niya?!
Maglampin siya o di kaya yung panyo niya gamitin niya pantakip sa sugat niya napanood ko lang yun sa 5 minutes craft na ewan ko ba kung makakatulong talaga.
Kaysa mag-rant ako ng mag-rant dito eh wala naman akong magagawa dahil nasa labas na ako at wala ng choice kundi ang bumili ng napkin niya.
Pumasok ako sa loob ng 7/11 at kinuha ang charmee na paborito niyang napkin at dinala sa counter para bayaran.
At kung minamalas ka nga naman oh lalaki pa ang nasa counter pero wala tayong magagawa 'yan trabaho niya eh konsumer lamang tayo. Wow ang lalim konsumer.
Nang nasa counter na ako inilapag ko ang napkin at napatingin naman sa akin si kuya. Hindi ako nireregla ngayon kuya tapos na ako gusto mo sex tayo ngayon.
Ilang segundo akong tinitigan ni kuya bago niya kinuha ang napkin at inilagay sa supot at agad naman akong nagbayad at lumabas na ng convenience store.
Gusto ko ng umuwi sa bahay! Gusto ko ng magpahinga at ang dami ko pang gagawin! May quiz bukas sa gen math at pre cal at kailangan kong mag-review dahil baka magamit ko ang formula ng pre cal sa gen math namin.
Ilang kanto pa ang dadaanan ko bago ako makarating sa bahay dahil bwisit talaga itong si Jane dapat nasa bahay na ako ngayon at nakahilata na habang nag-aaral.
Grade 11 na ako, yeah Grade 11 pa lang ako pero grabe kung manstress ang mga teacher namin sa amin akala mo wala ng bukas kung magtambak ng gawain lalo na sa gen math at pre cal.
Hindi naman sa hate ko mga teachers pero kasi naman! Hindi ko mapigilan mainis eh. Sila pa nagsasabi sa amin na wag namin i-istress ang sarili namin pero grabe magtambak ng gawain. Kapag may natapos na isa dadagdagan ulit.
Grade 11 pa lang ito paano pa kaya kung college na ako jusko baka malosyang na ako nito. Wala pang asawa pero mukhang laspag na.
Pero hangga't kaya kakayanin. I'm doing this for my future and for my family kaya kahit anong reklamo ko gagawin ko pa rin kasi may dahilan ako kung bakit pinagpapatuloy ko ito kahit gusto ko ng sumuko.
Habang nag-lalakad ako hindi ko maiwasang mapatingin sa gilid ko at makiramdam feeling ko kasi may sumusunod sa akin at tinitingnan ako sa malayo.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...