Dem's POV
"Akala ko ready na ang susuotin natin Zhaira?! Ba't namroroblema tayo ngayon?!"
Nagpa-panic na sila dahil hindi pa pala ready ang susuotin namin para sa party mamaya sa school. Nandito kaming tatlo sa isang mall at nirentahan na naman nila ang shop.
"Malay ko ba kung ma-dedelay pala yung inorder kong damit. Tulungan mo nalang kaya ako!"
Nakaupo lang ako sa isang sofa at tinitignan ko lang silang mamili ng damit. Wala naman akong alam sa mga ganyan.
"Nothing lasts forever, Claire. But I want to be your nothing in this world full of temporary feelings."
I shaked my head to erase that thought. Hindi ko na dapat iniisip yun. Sinabi niya lang yun dahil akala niya ako si Claire. Tama yun ang nasa isip niya, dapat wala lang sa akin yun.
"Oh Dem ito sa'yo." nilagay ni Zhaira ang damit sa gilid ko
Tinignan ko ang binigay niyang damit. Isang terno na may kakaibang design at brown boots. Ng dahil sa ginagawa namin ngayon, parang nag-eexplore na din ako sa iba't ibang uri ng mga damit. When will this end? Ayaw kong masanay sa mga ganito.
"You look very pretty Blaire-ssi." sabi ni mommy habang pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa
Tuluyan na akong bumaba sa hagdan namin at tinignan ko silang tatlo. Naka-boho attire din sila kagaya sa'kin.
"Awiieeee let's take a picture muna hon, okay? Butler Kim, pleasa take a photo of us." sabi ni mommy saka niya ako hinila patungo sa kanila
Nasa gitna kaming dalawa ni kuya habang nasa magkabilang gilid naman namin sila mom at dad. Ba't kailangan pang nasa gitna kaming dalawa?
"Okay, look at the camera, 1 2 3 smile!"
"Welcome Mondragon family." bungad agad sa amin ng guard sa'min papasok dito sa venue
Nilibot ko ang paningin ko sa venue. It was well decorated, obvious na obvious na pinaghahandaan.
"Claire will be very proud to see this, Dem." Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni mommy
It will be nice if she would be proud, pero pano kung hindi? What if she will not like what I've done for her? Nagpaalam na ako sa kanilang pupuntahan ko muna sina Tricia.
"Tama nga ang pinili kong damit para sa'yo! Huhu nakaka-proud." Napa-irap na lang ako sa sinabi ni Zhaira
Pumwesto na kami sa isang banda kung saan malapit sa stage. Medyo dumadami na din ang mga tao minabuti naming pumwesto na agad.
"Nga pala, alam mo bang wala si Nathan ngayon?"
Napalingon ako agad sa sinabi ni Tricia. Well mas mabuti nga yun diba? Less awkward nga pag wala si Nathan. Binalik ko sa harapan ang aking paningin at hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Kasalukuyang binibigyan na ng award ang mga kataas taasan ng school. Everyone is having a great time. Simula kanina hanggang ngayon, nahy-hype na ang mga tao lalo na't party na ang kasunod nito.
"Is everyone ready for some party?!" sigaw ng emcee namin. Everyone shouted at the top of their lungs that night. It was as if this is their last night on earth
Naiiling akong naglalakad sa gilid ng venue. I'm not in the mood for dancing. I would rather drink and look at them. Kanina pa akong mag-isa naglilibot. Tricia and Zhaira are maybe busy somewhere. Baka nga nagsasayaw na yun sa gitna.
Umupo ako sa isang upuan habang hawak hawak ang baso ng wine. I've accomplished one of the most important events in Claire's life. What's next?
"Why is the prettiest woman tonight alone?"
Napalingon ako bigla sa gilid ko ng may magsalita. What is he doing here? Akala ko ba hindi siya pupunta?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan siya. He looks ravishing enough to capture every girl's eyes tonight.
"Akala ko hindi ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin at kinuha ang wine glass sa kamay ko. He instantly gives it to the waiter near him.
"I would never be absent at my girlfriend's most important event."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Claire really deserves Nathan. She deserves him more than anyone.
"May I?"
Muli akong napalingon sa kanya saka tinignan ang kamay niyang nakalahad para sa akin. A dance won't hurt right?
Tinanggap ko ito at pumunta na kami sa dancefloor. He puts his arms on my waist and he guided mine to his shoulders.
The sweet music starts to play and I just followed to his rhythm. Tinignan ko naman siya at nagulat na lamang ako ng nakatingin pala siya sa akin. Bakit ba ganyan siya makatingin? Nilibot ko na lang ang paningin ko para makaiwas ako sa pagka-ilang ko.
"Are you wearing contacts?"
Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Bakit napansin niya? Kahit sina Tricia at Zhaira ay hindi napansin yung pagkaiba ng mata namin ni Claire.
"Uhh oo, I just tried wearing them. Pangit ba?"
Bigla kong narealize ang sinabi ko. Wtf Demonica Blaire. 'pangit ba'? Where did that came from?
"It looks good on you, mukhang natural."
Umiwas na lang ulit ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Why do I feel guilty whenever I am lying to him?
__________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?