Chapter 3

78 10 0
                                    

Claire's POV


Katatapos lang ng klase namin at napagpasiyahan namin nina Zhaira na pumunta muna sa mall na pag-aari ng pamilya ni Tricia para mag aliw aliw muna.

Ano kayang magandang ibibigay kay Dem? Haays kahit pala na kakambal ko siya, wala pala akong alam kung ano ang mga hilig niya.

Bagsak ang balikat kong sumakay sasasakyan nila Zhaira. Napalingon naman silang dalawa sa akin ng dahil dun.

"Oh anong problema?" tanong ni Tricia

Umiling na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. Tatlong taon na din pala ang lumipas simula nung umalis si Dem dito sa Pilipinas.

"Come on Claire, alam naming may bumabagabag diyan sa isip mo. Spill it already." Sabi ni Zhaira

Hindi talaga ako makakatakas sa kanila pagdating ng mga ganitong bagay, kilalang-kilala na talaga nila ako. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita "Well, I'm just thinking kung ano ang magandang ibibigay kay Dem."

Parehas naman silang napa-isip sa sinabi ko.

"Ano ba ang mga hilig ng kakambal mo? Or mga bagay na gusto niya?" Tanong sa akin ni Tricia

Ano nga ba? Haays problema nga naman.

"Alam niyo, mas mabuti pang pumunta na tayo sa mall. Baka may mga bagay dun na hilig ni Dem." sabi samin ni Zhaira

Tumango naman kami at nagsimula na siyang mag drive patungong mall.


Naglalakad kami dito sa mall at tumitingin rin kami sa paligid namin. Sana nga at makakakita kami ng ireregalo ko kay Dem.

"Tara punta tayong department store, baka dun may magandang ireregalo." representa ni Tricia

Tumango naman ako at pumasok na kami sa loob nito. Isip Claire, isip lang. May makikita ka ding welcome gift mo kay Dem.

Habang naglalakad kami, napunta ang atensyon ko sa isang life size na teddy bear. Biglang sumagi sa isipan ko si Dem..Tama nga! Naalala ko pa nung mga bata kami, andami niyang mga stickers na teddy bear na nakadikit sa pader niya noon. Pero sa dinami daming stickers niya, maski isa wala akong nakitang totoong teddy bear sa kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit nga ganun. Marami naman kaming pera, pero hindi siya binibigyan ng teddy bear.

"Dito dito! May napili na akong regalo kay Dem." Pag-tawag ko sa kanila

Lumingon naman sila sa akin at lumapit sila.

"Nice! Oh anong napili mo?" Tanong sa akin ni Zhaira

Kumuha naman ako ng isang life-sized teddy bear na around 3 feet ang laki at winagawayway ito sa harapan nila

"Tada!" Sabi ko ng ipinakita ko na ito sa kanila

Kumunot naman ang noo nila sa akin at kinuha ni Tricia yung teddy bear saka tinignan ito ng mabuti.

"Are you sure na ibibigay mo 'to kay Dem?" Tanong sa akin ni Tricia habang nakatingin pa rin sa bear

"Oo nga. Sigurado ka ba? Parang impossible naman yata na magugustuhan niya 'to. Alam mo naman yun, medyo may pagka-boyish." Dagdag pa ni Zhaira

Tumango naman ako at naglakad na ako papuntang counter para bayadan ito. Sumunod naman silang dalawa sa akin.

"Sigurado ka ba diyan? Hindi na ba mauulit yang utak mo?" Tanong sa akin ni Tricia

Bumuntong hininga naman ako atsaka ngumiti sa kanya. Haays bakit ba paulit ulit ito ng tanong sa akin?

"Oo nga, siguradong sigurado ako diyan. At saka magugustuhan talaga yan ni Dem. Kahit naman ganun ang ugali nun, may soft side din yun." sabi ko sa kanila

Bumuntong hininga sila, at mukhang susuko na sila sa pagtatanong.

Binigay ko na sa cashier ang card ko para makakabayad na ako at pagkatapos nun ay umalis na kami sa department store.


"Kumain muna tayo, nagugutom na ako eh." reklamo sa amin ni Zhaira

Kahit kailan talaga, pagkain lang talaga ang nasa isip niyan. Napahagikhik naman kami ni Tricia at pumunta na kami sa isang restaurant.

Nang nakapasok na kami sa isang restaurant ay umorder na kami nang may dumating na waiter. Nang makaalis na ito ay nag-usap usap muna kami.

"So kumusta ang relasyon ni Nathan?" Tanong ni Tricia

"Ayos lang naman kami, steady naman ang takbo ng relasyon namin." Sagot ko sa kanya

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. Ano kaya ginagawa niya? Di pa kasi siya tumatawag. Last niya sigurong tawag sa akin ay kahapon lang.

"Mabuti naman kung ganun, kesa naman mabaling ka dun sa gago mong ex." sabi ni Zhaira habang tumitingin sa cellphone niya

Bigla naman siyang binatukan ni Tricia ng dahil sa sinabi niya. Well kahit ako nagulat dun sa sinabi niya. Matagal na naman yun, naka move on na ako.. I think..

"Oh? Bakit nambabatok ka? I'm stating the fact." inis na sabi ni Zhaira habang nakahawak sa batok niya

"Past na nga yun diba?! Bakit binabalik mo pa?!" Pang-aaral ni Tricia sa kanya

Tahimik nalang ako habang tinitignan sila. Oa naman yata ng reaksiyon ni Tricia, it's still not enough para batukan niya si Zhaira. Parang siya pa yata ang binereakan.

"Oa mo naman! Duh naka-move on na kaya yan si Claire. Diba Claire?" Tanong sa akin ni Zhaira

Tumango ako sa sinabi niya at tumahimik naman si Tricia. Kinakalikot ko na lang muna ang phone ko habang wala pa ang order namin..

Inopen ko ang Instagram app ko at tinignan ko ang mga post na nandoon. Habang nagscro-scroll down ako, nakita ko ang isang post ni Dem.

It's a pic of a luxurious sports car. kanino kaya 'to?

Napunta naman ang atensiyon ko sa caption niya. It's written in korean, pero nababasa ko rin naman.

"Let's get this done"

Let's get this done? Anong ibig sabihin nun? Anong kinalaman sa sasakyan na yun? Tinignan ko naman ang nasa comment box.

Puro lang naman yun mga 'good luck' at 'I hope you win'. Well, she's quite famous kaya andami talaga ng nagco-comment.

Nilagay ko na ang phone ko sa bag ko dahil nandito na ang order namin. Binalewala ko na lang ang nakita ko at kumain na kami.


Pagkatapos naming kumain at umuwi na din kami at una nila akong hinatid sa mansion. Una akong lumabas saka ko kinuha ang binili kong teddy bear.

"Bye guys! Salamat sa ride." sabi ko sa kanila

Tumango naman sila at umalis na. Ang bigat pala nito! Hila hila ko ang teddy bear papasok ng mansion.

Pagpasok ko, nakita ko naman si kuya na naka-upo sa sofa habang nanunuod ng tv. Naagaw ko naman ata ang atensiyon niya dahil napalingon siya sa akin, pero napunta rin yun sa teddy bear na hawak ko

"Ano yan?" Tanong niya

Nginitian ko lang ito at pumunta na ako sa kwarto ko. Nilagay ko muna ang teddy bear sa sofa ko dito sa kwarto ko at tinitigan ko itong mabuti

"Sana nga magugustuhan ka ni Dem." sabi ko habang hinahaplos ang ulo nito.


______________________

TBC

A/N: Yung nasa taas na pic, yan yung teddy bear na ibibigay ni Claire Kay Dem :>>

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon