Chapter 14

24 4 0
                                    

Third Person's POV


Kung titignan ay parang may dumating na isang napaka-importanteng tao sa paaralang ito dahil sa mga taong pumupunta sa gilid para lamang magbigay daan sa taong dumating. Lahat ng mga taong naka-salubong niya ay binabati siya ng 'magandang umaga' o 'Good morning'. Kilala siya bilang Claire ngayon, at hindi bilang Dem. Kaya kahit napipilitan, ay ngumingiti siya bilang sagot sa mga ito.

"Grabe, wala na bang mas ipepeke yan?" puno ng sarkasmong tanong ni Tricia

Palihim na umismid si Dem dahil sa binulong ng katabi niya.

Naglalakad silang tatlo ngayon nina Zhaira at Tricia patungo sa unang klase nila ngayong araw nang biglang may humarang sa kanilang daanan.

"Well well well, bakit nawala ka ata ng tatlong araw MISS PRESIDENT?"


Dem's POV


"Well well well, bakit nawala ka ata ng tatlong araw MISS PRESIDENT?" sabi ng isang babaeng naka-cross arms sa harapan ko.

Tsk kung hindi ko lang ito kilala, baka nagkakamali pa akong batiin ito.

"Wag na wag mong kalimutan ang pagmumukhang ito." sabi ni Zhaira saka tinuro ang picture ng isang babae na naka flash sa projector

Psh sa mukha niya pa lang, alam ko ng kontrabida ito sa buhay ng kakambal ko.

"She's Anastacia Han, o mas kilalang Ana. Isa siya sa mga tinalo ni Claire nung election last year. Hindi pa man nakakalahati ng election, natanggal na siya dahil nahuli siyang nag-vovote buying sa mga students at isa din siya sa mga insecure sa kakambal mo." sabi ni Tricia habang kumakain ng popcorn

Nandito kami ngayon tatlo sa entertainment room, at pinapakilala nila ako sa mga taong dapat kong kilalanin, para hindi kami mabuking sa ginagawa namin.

"Pano ko ba siya haharapin?" tanong ko sa kanilang dalawa

Tumawa naman si Tricia sabay sabi ng "You can act as yourself if you want. if I were you, sasabunutan ko na ang bruhildang yan."

Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang isang balikat niya "Let's just mind with our own business, hmm?" sabi ko sa kanya at nilagpasan ko siya

"HAHAHAHA sana nakuha ko agad ang phone ko, napicturan ko na siguro yung mukha niya. Grabe ang epic HAHAHA. Tapos grabe, hindi niya siguro inexpect yun. Ineexpect niya sigurong sagutin siya ng maayos katulad ng ginagawa ni Claire." Tumatawa pa ring sabi ni Zhaira

Kung si Claire maapi niya, ibahin niya ako. She can't lay a finger on me, NEVER.

Nandito kami sa unang klase namin ngayong araw. Damn, ang boring naman! All of their lessons have been discussed during my classes at Korea. Mabuti pa at matulog muna ako.


Zhaira's POV


Nandito kami sa unang klase namin, which is chemistry. Sana naman makinig si Dem, sure ako anytime tatawag si sir para sa oral.

"MISS MONDRAGON!!" napapitlag ako dahil sa lakas ng sigaw ni sir

Nilingon ko naman ang upuan ni Dem. At ayun, tulog lang naman siya at pinipilit siyang gisingin ng katabi niya.

"PAG YAN HINDI-"

"ssibal, keun soli ga issneun eumseong." Sabi ni Dem at nag str-stretch pa siya ng katawan niya (Translation: F*ck what a loud voice)

Wala kaming naintindihan, siguro Korean yun. Mukhang lalo namang nagalit sir. Naku pano na pag di niya masagot ang tanong ni sir?

"Well it looks like you studied for our class today, give me 5 anions, and 5 cations" sabi ni Sir habang ngumisi kay Dem

Patay na, kahit ako di ko pa nga na memorize ang mga elements sa periodic table, anions pa ba at cations pa ba?

Umismid si Dem at tumayo

"Anions, first is Acetate, second is Hydroxide, third Phosphide, fourth Thiocyanate. And lastly Chloride. Cations, first Ammonium, second sodium, third Mercury, fourth Copper, and lastly Platinum. If you want sir I can enumerate you all the elements in the periodic table. I can also give you its atomic number, symbol, atomic weight, oxidation states, melting point, boiling point, density, electronegativity and atomic radius." Sabi ni Dem ng dire-deretso

Lahat yata kami humanga sa sinabi ni Dem, parang tumahimik saglit ang mga tao sa room at nakatunganga lang sa kanya. Pero lahat kami naka-recover na at tumawa nalang sa last na sinabi ni Dem.

"I am trying to check if you could still recall things, Miss Mondragon, since you were not present during these past few days. You can sit now." sabi ni sir atsaka ngumiti kay Dem

Nilingon naman ni Dem ang direksiyon namin ni Tricia. Nginitian ko siya at binigyan siya ng thumbs up. Hindi niya ako pinansin at umupo na siya at nagsimula na siyang kumuha ng kanyang notebook.

"As I was saying students, it is better to review all your lessons from the past years of studying here. Look at Miss Mondragon, her knowledge about the periodic table can really help you for our future discussion." Sabi ni sir at nagsimula na siya ulit mag discuss


Dem's POV


"Pano na 'to pres? Naku malapit na yung grand event tapos hindi pa tayo nangangalahati sa mga preparations." Tanong sa akin ni Jacob

Yeah I know him, siya yung secretary ng student council.

Nandito ako sa office ng student council at kasalukuyan akong nag-iisip para sa gaganaping foundation day ng paaralang ito

"Pres naman magsalita ka, wag mo akong titigan. Alam ko namang gwapo ako, kaya no need na titigan mo ako. Pres naman, alam mong single ako. Pero masama pa din yun dahil baka magselos si—" naputol ang kanyang sasabihin ng biglang may bumatok sa kanya

"OA nito, baka may iniisip lang yan si Pres. Atsaka huwag ka ngang magsalita ng ganyan, kahit walang jowa yan si Claire hindi yan magkakamaling patulan ka." Sabi naman ng bagong dating na si Jade

Jade, vice president of the student council. Napahinga ako ng malalim nang pilit kong tinatatak sa isipan ko ang mga pangalan nila.

"Aray, ang sakit mo namang magsalita babe. Pero seryoso nga pres, ano na gagawin natin?" tanong sa akin ng Jacob

Umayos naman ako ng upo at tinignan silang dalawa. Damn I never dreamed to be in someone's position, kahit kalian hindi ako naging responsible sa kahit na anong bagay.

"First gather me some information's tungkol sa mga nangyari for the past foundation days. Second schedule a meeting bukas, 1:00 pm, ayaw ko ng late bukas, kaya bigyan niyo ng note ang mga teachers na magkaroon tayo ng meeting with the other students na kabilang sa student council para ma-excuse tayo sa ating mga klase."

"Copy pres" sabay nilang sabi at umalis na silang dalawa sa harapan ko.

Pagkaalis nilang dalawa ay sumandal na ako sa upuan ko at nilalaro ang lapis na hawak ko. Sana matapos na ang lahat.


______________________________
TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon