Chapter 11

38 4 0
                                    

Dem's POV


"Her state is not like her sister, she just lost her consciousness, Mrs. Mondragon. Maybe a minute or a hour later, she will regain her strength."

"That's good to hear doc. I hope she won't have any side effects from the accident."

Are they referring to me? Ano bang nangyari? Gusto kong igalaw ang mga daliri ko pero hirap akong igalaw nito.

"Her body is still in shock kaya we still need to do some check-ups para masigurado nating walang mali sa utak at katawan niya."

What's happening to me? Why do I feel numb? Unti unti kong binuka ang mga mata ko at una kong nakita ay ang maliwanag na sumisilaw sa mukha ko.

"Dem are you okay?! How do you feel ? May masakit pa ba sayo?" nag alalang sabi sakin ni mommy

Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko kaya nilibot ko ang mga mata ko at halos lahat ng mga tao dito ay nasa akin ang mga mata nila. Nandito sina mommy at daddy, at meron din silang kasamang mga doctor at nurse.

Bakit ako nandito? Bakit wala si claire. Teka, nasaan na si claire?! She was with me sa sasakyan! Bakit wala siya dito?!

Pinilit kong bumangon para hanapin si claire. Bumibilis na ang pagtibok ng puso ko nang hindi ko nakita si claire.

"Dem, don't move too much. Hindi ka pa magaling." sabi ni mommy sa akin

"Si c-claire?" hirap kong tanong kay mommy

Imbes na sagutin ako ni mommy, tumingin siya kina kuya at daddy. Why is she not answering? Bakit hindi sila sumasagot?!

"Mom? Dad? Ano na? Di ba kayo magsasalita jan?" tanong ko sa kanila

Hinawakan lang ni mommy ang kamay ko at hinalikan niya ito. "Magpahinga ka muna Blaire ha. Your sister is okay." sabi niya sa akin

Is she really okay? Bakit parang hindi. Nakikita kong nasasaktan si mommy. And I need to know why.

"Mom what happ-"

"Just stop talking! Shit! This is all your fault! Kasalanan mo kung bakit naghihirap ngayon si claire! If you weren't careless, hindi sana ito nangyari sa kanya!" sigaw ni kuya sa akin

Naghihirap si claire? At dahil yun sa akin? Napatingin ako kay kuya nang sabihin niya yun. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na nararamdaman niya.

Umalis si mommy sa tabi ko at kinausap niya si kuya. Hindi ko na narinig ang pinag usapan nila dahil hinila na ni mommy si kuya palabas ng kwarto.

Napatingin naman ako kay daddy na umupo sa tabi ng kama ko.

"Don't worry sweety, everything's gonna be alright." Sabi ni daddy at hinaplos ang buhok ko.

I knew it. Something is really off. Kasalanan ko nga talaga. It's my fault, again.

Tinanong ako ng mga nurse pero ni isa sa kanilang mga sinabi ay hindi ko na naiintindihan.

Ako na naman ang dahilan ng pagkagulo sa pamilyang ito. At sarili kong kakambal ang ipinahamak ko.


Past dinner na at wala pa rin akong naririnig na balita sa kanila tungkol kay claire.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko at nakatingin lang sa kawalan.

"Dem, please kumain ka na. Hindi ka pa kumakain simula kanina." sabi sakin ni mommy

"Busog pa ho ako." hindi ko alam kung pang ilang beses ko na yun sinabi sa kanila ngayong araw

"Dem please, kumain ka na. Alam kong may mga problema ka pero please, kumain ka lang kahit konti." pagpumilit sa akin ni mommy

Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang pagkain na dala niya.

Tahimik akong kumakain at nakamasid lang naman sa akin si mommy. I know she's hurt by now. Alam ko kung gaano sila ka close ni Claire. Sa aming tatlong magkapatid, si claire talaga ang masasabi kong pinaka gusto nila mommy at daddy.

"Dem, Claire's stable now. But her consciousness is not yet back. Don't worry sweetie, Claire is tough, she's going to fight." sabi niya at hinaplos ang ulo ko

I hope she'll wake up soon. Kung sana lang may magagawa ako para sa kanya.


Days passed, and yet she didn't wake up. Sabi ng mga doctor na coma na daw siya. Damn, sana nga ako na lang ang naaksidente ng araw na yun.

Nakalabas na din ako ng hospital, and dito muna ako sa bahay pinapahinga nina mommy.

Nandito ako ngayon sa sala ng mansion ng biglang tumunog ang doorbell. Sino naman ito? Bumangon ako mula sa pagka-upo ko at binuksan ko ang main door ng mansion.

Pagka-bukas ko pa lang ay dalawang babae na ang nasa harapan ko. Sino naman kaya itong dalawa?

"Dem right? Hi I'm Tricia. My god bat ba ang init na ngayon sa pilipinas?" sabi niya at pumasok sa loob ng mansion

Napataas ang isang kilay ko dahil sa biglaang pagpasok niya. Did I offer her to come in? Tsk.

"Pag pasensyahan mo na, she's always like that. By the way, I'm Zhaira." sabi niya

Tumango na lang ako at pinapasok ko siya. Sinarado ko na muli ang pinto at tumungo na ako sa kanilang dalawa. Prente namang naka upo ang dalawa sa sofa. Habang ako ay naguguluhan na kung sino sila at bakit sila nandito.

They both look familiar. Siguro nakita ko na sila noon.

"Do I know you?" tanong ko sa kanila

Liningon naman sa'kin yung Tricia at tinaasan ng kilay. What's her problem?

"Well nagpakilala na kami sayo kanina." she said sarcastically

Tanginang bibig yan. Mabuti nalang malamig ang ulo ko ngayon, kung hindi ewan ko nalang

"Best friend kami ni claire. Pag pasensiyahan mo talaga 'to" sabi nung Zhaira at tinuro niya yung Tricia

"At bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila at umupo na sa pang isahang sofa

Bumuntong hininga naman si Zhaira at tiningnan niya ako

"We need your help." sabi niya sa akin ng puno ng sinseridad ang boses niya

Help? Why would they want a help from me?

"Anong klaseng tulong?" tanong ko sa kanilang dalawa

Parehas na silang naka-tutok sa akin ngayon. Okay, ang weird nila pareho.

"We need you to pretend to be Claire." sabi ni Tricia

Wait what? Pretend?


________________________________
TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon