Chapter 31

15 2 0
                                    

Dem's POV


"Happy birthday my twins!" sabi ni mommy at binigay sa amin ni Claire ang dala niyang cakes

Nandito kami sa sala namin, naghahanda papuntang beach resort. Binigyan nila kami ng samo't saring bati at hihipan na sana namin ni Claire ang mga kandila ng pinigilan kami ni mommy

"Teka teka, wish muna bago niyo hipan."

"Mom, di na kami mga bata." Sabi ko sa kanya

"Dalaga na nga kayo, pero mag wish pa din kayo hihi."

Pumikit na lang ako at sinabi sa sarili ko ang hiling ko. I hope the right moment will come. A very impossible wish, wala naman sigurong mawawala pag susubukan diba?


"Susunod lang kami ng daddy niyo ha. May aasikasuhin pa kami. Bry, mag-iingat ka sa pag drive." Sabi ni mommy habang nilalagay sa loob ng sasakyan ang mga gamit namin.

"Mauuna na po kami." Pag-papaalam ni kuya

Tumango naman si mommy kaya humalik kami sa pisngi niya at pumasok na kami sa sasakyan. Parehong nasa harapan sila ni Claire at ako lang ang nandito sa likod.

"Mga dalaga na kayo pero bine-baby pa rin kayo ni mommy." Pagbibiro ni kuya

Bahagyang natawa si Claire pero tahimik lang ako. Napatingin naman sa akin si kuya mula sa rearview mirror at tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Birthday na birthday niyo tapos nakabusangot ka. May problema ba?" tanong ni kuya sa akin

"Wala naman, inaantok lang ata ako."

Tumango naman siya at nilingon lang ang harapan. Napatingin naman ako kay Claire na nag-aalalang tumingin sa akin. I just gave her a reassuring smile and told her to look in front. Sumunod naman siya sa akin at napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa labas.


"Saengil-chukha imnidaaaa!!" (Translation: Happy birthday!!)

Sa kanilang apat na bumati, halatang si Anthea lang yung tama ang binigkas. Agad nila kaming binati pagkababa pa lang namin sa sasakyan habang may hawak silang balloons, banner, at dalawang pares ng maliit na bouquet.

"Sabing 'happy birthday' na lang sabihin natin eh. Nagka-bulol bulol tuloy tayo." Sabi ni Zhaira

Tinawanan lang siya ni Anthea kaya pabirong hinampas niya ito ng balloon na hawak niya.

"Di mo ba ibibigay yung bulaklak kay Dem?"

Napalingon ako sa taong tinanong ni Claire. Sana pala di ko nilingon. Biglang natahimik ang lahat habang hinihintay si Nathan mag-salita. Tumikhim muna siya bago inabot sa akin yung bulaklak.

"Happy birthday."

"S-salamat." Mahina kong sabi

"Oh tara na, aayusin pa natin yung venue para mamaya diba." Sabi ni kuya at hinila niya na ako papalayo sa kumpulan nila dun.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawang yun ni kuya. Parang hinihigop na ang lahat na lakas na natitira sa akin nung dumampi ang kamay niya sa akin.

"Matutunaw na yang bulaklak dahil sa titig mo."

Napatingin naman ako kay kuya na seryoso nang nakatingin sa akin ngayon. Nilapag ko ang bulaklak sa table at hinarap ko siya.

"I wasn't staring at it."

"Binilang ko. Tatlong minuto mo ito tinitigan."

Inirapan ko na lang siya at umupo dito sa upuan ng lobby. Agad namang tumabi si kuya sa akin at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon