Dem's POV
"Claire, pinamimigay daw oh." Sabi ng isang kaklase ko saka binigay sa akin ang lunch box na hawak niya.
Pinasalamatan ko na lang siya at tinignan ang lunch box na hawak ko. Tatlong linggo na ang lumipas at ganun pa rin ang set-up ni Nathan. Hindi siya nagpapakita sa akin pero alam kong andyan lang siya sa paligid. One of his ways of showing he cares is by always giving me lunch. Kagaya ngayon, hindi siya mismo ang nagbibigay. Iba ibang tao na ang pumupunta sa akin kada lunch break.
"Dito ka ulit?" biglang sipot ni Tricia sa harap ko
Tumango ako saka tinignan ang bagong pasok dito sa classroom. I can't read Zhaira sometimes, di siya gaanung nagpapakita ng facial expressions. Unlike Tricia na palagi lang nakangiti or should I say she's so expressive. Sa ilang buwan na nakasama ko ang dalawang 'to, nakita ko ang pag-iba ng turing nila sa akin. Noon parang naiilang sila, but now it's different. I think we can call each other as friends. We all share the same goal, ang makatulong kay Claire habang wala pa siya dito.
"Naayos mo na yung mga paper works sa student council?" tanong ni Zhaira saka umupo sa harapan ko
Tumango na lang ako sa sinabi niya sabay binuksan ang lunch box na binigay sa akin ni Nathan. Adobo at rice ang nakalagay sa isang box at mixed fresh fruits naman ang nasa isa. Sumubo ako ng rice at ng konting adobo at masarap naman.
"Kay Nathan na naman yan galing?" tanong ni Zhaira
Tumango ako sa sinabi niya at in-offeran ko ng fruits si Tricia na siyang tinanggap niya naman. Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Zhaira na siyang sanhi ng pag-kunot ng noo ko.
"Bilib din ako sa fighting spirit niyan si Nathan. Di naman sila ganun katagal ni Claire pero napaka seryoso niya." sabi ni Tricia
"Kaya nga, ang dami pang rumors noon na ginawa lang siyang rebound ni Claire. Pero binalewala niya yun at mas lalo siyang nag-pursige na mapa-oo si Claire." Sagot ni Zhaira
Biglang naputol ang pag-kain ko saka tinignan si Zhaira. Rebound? Paano naging rebound?
"Bakit nagkaroon ng issue na ganun?" tanong ko sa kanila
"May boyfriend kasi yan si Claire noon before kay Nathan. Naghiwalay lang sila dahil pupunta ng US si ex ni Claire. Yan ang sinabi ni Claire, pero duh alam naman namin tatlo kung ano ang totoong dahilan. Nakabuntis yung ex ni Claire tapos dun na sila titira sa US. Claire skipped that part sa amin para pagtakpan lang ang lalaking yun."
Nakabuntis ang ex ni Claire? Wtf ang bait pa ni Claire para pagtakpan ang ex niya sa mga kaibigan niya.
"Nalaman na lang namin ni Zhaira na nakabuntis yung lalaki nung nakita namin yung ex ni Claire at yung babae nagshoshopping ng baby clothes. Nako kung di lang ako napigilan ni Zhaira baka nakalbo ko na ang babaeng yun." Pagpapatuloy ni Tricia
I'm worried at Claire. Sino ang andyan para sa kanya nung panahong wala siyang malalapitan? Marami ba siyang luhang sinayang para sa lalaking yun. Napatingin ako sa lunch box na nasa harap ko. Nathan, si Nathan ang andyan sa kanya nung mga panahong kailangan niya ng masasandalan.
"Oh mauuna na kami ha, diyan ka muna? May aayusin pa kasi kami sa club namin." Pag-papaalam ni Zhaira sa akin.
"Sige, just call me if there's something I need to do sa student council."
Pareho na silang lumabas ng classroom at nagpahabol pa si Tricia ng flying kiss na siyang kinatawa ko.
"Alam niyo ba kung nasaan si Nathan?" tanong ko sa isang kaklase ni Nathan
"Ah nasa garden ata, may inaayos yun na halaman dun eh."
Nagpasalamat na ako at tinungo ko ang daan patungo garden. Bitbit ko pa ang lunch box na binigay niya sa akin. Isasauli ko lang sa kanya mismo.
Nakita ko siyang inaayos ang isang bush ng rosas. Ngayon ko lang napansin yan ah, sabagay di naman ako ka ganun napapadpad dito.
Umupo ako dito sa isang bench na kaharap lang din ng mga rosas. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya pa ako nakikita. Tinitignan ko lang siyang pinagtatanggal ang damo at mga dumi na nasa mga rosas. The roses didn't fully bloom yet, pero parang malapit na.
"Kanina ka pa diyan?"
Napapitlag ako sa kinauupuan ko saka tinignan siya. Di ko man lang siyang napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Hinugasan niya muna yung kamay niya sa faucet saka tumabi sa akin.
"Medyo malapit na mamukadkad yang roses, saka mo lang ba papuntahin kakambal mo pag fully bloom na yan?" Biglaang tanong niya
Kakambal? Ako ba yun? Napansin niya ata ang pagkalito ko kaya't bahagyang tinawanan niya ako.
"Nakalimutan mo na? Tinanim mo yan noong grade 7 ka pa para sa kakambal mo. Sabi mo pa nga na ipapakita mo yan kung malaki na yang bush at pag marami na ang mga roses."
Napatingin ako sa bush na pinapahayag niya. Ipapakita ni Claire sa akin yan? Di naman ako gaanong mahilig sa rose. Despite the years that we're away from each other, she always remembers me. She didn't forget about me.
"Ah eto pala oh." Sabi ko saka nilagay sa gitna namin yung lunchbox
Muntik ko nang makalimutan yung sadya dito, gosh wake up Dem.
"Are you okay now?"
Tumango ako sa sinabi niya. Wala naman akong problema, sadyang ayaw ko lang muna na malapit kami kasi baka mas lalong mahulog ako sa kanya.
"You know what, mas lalo kitang nagustuhan ngayon. Noon you always force yourself that you're okay. You always smile kahit you're hurting. Now, you know how to distance yourself and put yourself first. You always put others first noon, I'm proud of you for doing that but I always thought na kailan niya pipiliin ang sarili niya? I'm glad that you're taking care of yourself. Wag kang mag-alala, I'll be right here."
I'm speechless. I felt a small pang of pain in my chest. Mas lalo kitang nagustuhan ngayon, he's pertaining to Claire. Si Claire ang gusto niya, si Claire ang mahal niya. One thing's for sure, hindi ako yun. I'm not Claire and I will never be her.
"Why me?" why her, Nathan?
"Hmm? Because you are you. I love everything about you, lalo na ngayon. You've changed, I mean gusto kita noon. Pero mas minahal kita ngayon."
My heart is beating faster. I can feel the tiny sweats in my hands. Ngayon. Ano ba ang pinagkaiba sa noon at ngayon. I want to convince myself that he thinks I'm Claire right now, but my heart and mind won't cooperate. Every word that he dropped sends something inside me that I can't explain.
Gusto ko ba siya? Or do I feel more than that?
_____________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?