Dem's POV
"Claire?"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at parang huminto ang lahat nang nakita ko siya. Bakit ba nakalimutan ko 'to? Napalunok ako nung lumapit siya sa amin. Ngumiti muna siya kila Zhaira saka siya tumingin sa akin.
"B-bakit ka n-nandito?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya sa kabila ng pagkagulat ko
Kumunot naman ang noo niya ngunit tumawa rin siya kalaunan. Napapitlag ako bigla nung hinawakan niya ang beywang ko. Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko. Pati yata paghinga ko napahinto.
"What do you mean by 'bakit ako nandito'? Di mo alam? Booth ito ng section namin."
B-booth ng s-section nila? Ba't ko ba kasi nakalimutan siya?! Dahan dahan kong tinanggal muna ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Naiilang na ako sa kanya. Hindi ko man siya tinitignan ngayon, alam kong naguguluhan siya sa kinikilos ko. Malay ko ba kung ano ang inaakto ng isang girlfriend!
Tinignan ko naman sila Zhaira at Tricia at sinenyasan ko silang ano ang gagawin ko. Pano na ba 'to?! I don't even know if they call each other by pet names! I don't know when they meet or when they started dating! Wala akong alam!
Tumikhim naman si Tricia at lumingon kami sa kanya. Tinignan ko naman si Anthea at chill lang siyang kumakain ng candy sa gilid ni Zhaira habang ang dalawa naman ay parang anytime ay magco-collapse na.
"Ahh hehe nandito ka na pala Nathan. Akala ko hindi ka pa nakakabalik ng school hehe" sabi ni Tricia sa kanya
Isang ngiti lang ang sinagot ni Nathan kay Tricia. Damn we're so doomed.
Nandito kami sa isang booth sa school na nagbebenta ng kahit na anong lutong bahay at siyempre kasama pa namin si Nathan. Dito daw muna kami kakain ng lunch kasi magtatapos na rin daw ang break namin.
"Anong gusto mo? Kayo anong gusto niyo? ililibre ko na kayo." tanong sa amin ni Nathan
Naiilang pa ako sa kanya. Magkatabi pa kaming dalawa ngayon at nasa tapat namin si Zhaira at Tricia habang nasa dulo naman ng mesa si Anthea.
"Kahit ano na lang." yun na lang ang nasabi ko sa kanya at sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin at tumayo na siya sa kinauupuan niya. Umalis na siya sa table namin at lumapit na siya sa counter ng booth.
Sabay sabay kaming huminga ng maluwag nila Zhaira. Sasabihin ko na lang kaya kay Nathan na hindi ako si Claire? Pero pano ko naman gawin yun?! Aish! Kainis nga naman!
"Dem, as much as possible sakyan mo nalang yang sweetness ni si Nathan. Palagi talagang sweet sila ni Claire at never pa sila nag-away. Kaya gawin mo ang lahat para hindi siya makakahalata." mahinang sabi ni Zhaira sa'kin
Tumango na lang ako sa kanya at tinignan ko ang likod ni Nathan. Tsk obvious naman na palaging sweet ang dalawang yun, nakita ko na sila dati dalawa ni Claire. Pero grabe naman yung hindi sila nag-aaway, ang perfect siguro ng relasyon nilang dalawa.
"Ba't hindi niyo na lang sasabihin sa kanya?" sabi ni Anthea habang kumakain ng bubblegum
Pinitik naman ni Tricia ang noo nito at umangal naman kaagad si Anthea. Parang magiging close pa sila ah.
"Hindi pwede, huli na ang lahat. Tsaka ayaw ni Claire na mag-alala ang isang yan." sabi ni Tricia sa kanya
Tumango-tango naman si Anthea at nagpaalam muna siyang lumabas para itapon ang bubblegum.
Pagkaalis ni Anthea ay dumating na si Nathan na may bitbit na number. Umupo na siya sa tabi ko at tinanggal niya ang hoodie niyang suot. Kukunin ko sana ang phone ko sa bulsa ng skirt ko nang bigla niyang nilagyan ang aking mga hita ng kanyang hoodie.
Bigla ko siyang nilingon at tinignan ko siya. He genuinely smiled at me and he puts some of the strands of my hair to the back of my ear. Damn kinikilabutan ako sa ginagawa niya. Umayos na siya ng upo habang naiwan lang akong nakatingin sa kanya. He's really unbelievable.
"Nga pala nandito din ba ang kakambal mo? Diba kaibigan niya yun?"
Bigla akong napatingin kina Tricia na nanlalaki na ang mga mata. Ano isasagot ko?!
"Ahh ano. Binisita niya lang ako dito, nakwento siguro ni D-dem na foundation day ngayon." tumango tango naman siya at ensakto namang dumating na si Anthea
"Wooh nahihirapan akong makahanap ng trash bin dito. Yah De- I mean Claire-ssi it's nice to add more trash bins every corner para hindi na mahihirapan ang mga students." Tumango naman ako sa sinabi niya
Napahinga kami ng maluwag nina Tricia dahil sa muntik na niyang sabihin ang pangalan ko. Umupo na siya sa upuan niya at pinag-laruan niya ang number na nasa mesa namin, for sure nagugutom na yan.
"Kumakain naman siguro kayo ng pancit at adobo diba?" biglang sabi ni Nathan
Biglang kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pancit. Ano yan?
"Ooooh pancit? Diba that's the pasta-like but it's mix with veggies and meat? Aigoo I miss eating pancit." Sabi ni Anthea na tila nag-iimagine pa
Nahagikhik naman sina Tricia at Zhaira sa sinabi niya. Pero g-gulay? Hinawakan ko ang tiyan ko nang parang bumaliktad ang sikmura ko. Siguro adobo lang yung kakainin ko.
"Anong nangyari Claire? Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka ata." Sabi ni Nathan saka hinawakan ang noo ko
"O-okay lang ako."
Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinilot hilot niya ito. Medyo mainit ang kamay niya. Kukunin ko na sana ang kamay ko ng pinag-siklop niya ang mga kamay namin. Damn I can't stand this sweetness.
Dumating na ang mga pinggan na may kanin at sumunod dito ang adobo at p-pancit. Binatawan na ni Nathan ang kamay ko at nilagyan na niya ng manok galing sa adobo ngunit mas marami ang sinandok niyang pancit. Halos manlumo ako sa dami ng gulay na nasa pinggan ko. God really wants me dead.
"Kain na kayo. Claire ubusin mo yan para hindi ka na mamumutla." Sabi niya at sumandok na siya sa kanyang pinggan.
Nanghingi naman ako ng tulong kina Zhaira pero parang natutuwa pa ang dalawa. Tinignan ko naman si Anthea at seryoso na siya sa pag-kain niya. Simula sa araw na ito, Sinusumpa ko na ang lahat ng pancit sa mundo.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mailang sa paglingon sa akin ni Nathan. Siguro napansin niya ang pag-hihiwalay ko ng gulay sa pancit, pero sana naman hindi.
"Claire, akala ko ba mahilig ka sa gulay?" sabi bigla ni Nathan
Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sinabi niya. Bakit sa lahat lahat na kahiligan ni Claire kainin ay ang gulay pa?! Linunok ko muna ang kinakain ko saka ko siya sinagot "A-ano eh k-kasi, hindi ko feel kumain ngayon ng gulay." alanganin kong sabi sa kanya
Ang lame ng rason mo Dem. Tumango tango siya at pinagpatuloy na niya ang pag-kain niya. I'm starting to regret everything I've done for Claire. Baka sa susunod nito makikipag-halikan na ako nito kay Nathan. No fucking way! I won't surrender my first kiss to someone I don't really know. At hindi ako makikipag-halikan sa boyfriend ng kakambal ko!
___________________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?