Claire's POV
Agad akong bumangon sa higaan ko nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. I stretched my hands and looked at the window. Ang ganda ng sinag ng araw.
Tumayo na ako mula sa higaan ko at dumiretso sa full length mirror ko. Beautiful, kind, and responsible. Those are the three things I whispered to myself while looking at the mirror. I believe it's great to start your day by complimenting yourself, it boosts self-confidence too.
Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na agad ako sa dining area, at naabutan ko naman si mommy, daddy, at Kuya Bry na kumakain ng breakfast.
"Good morning sweetie!!" masiglang bati sa akin ni mommy
Nginitian ko naman siya at hinalikan ko silang tatlo sa pisngi saka umupo sa upuan ko.
"Why are you so happy mom?" Tanong ko kay mommy habang nilalagyan niya ang pinggan ko ng pagkain.
"I have something to announce to you two." nakangiting sabi sa amin ni mommy
Naguguluhan kong tinignan si Kuya ngunit nagkibit-balikat lang ito. Di rin niya ata alam.
"Ano po yun?" Tanong ko sa kanya
Ngumiti lang siya sa akin ng matamis sabay sabing "Well, Blaire called last night, and guess what? She's coming home!"
Agad namang nabilaukan si kuya Bry sa sinabi ni mommy. Umuubo siya saka tinignan si mommy na parang hindi siya makakapaniwala dun. Sinamaan naman siya ng tingin ni mommy dahil sa tingin ni kuya sa kanya.
"What? Mom naman eh, alam niyo naman kung anong ugali nun. Bakit naisipan niyang umuwi? It's not that I'm against it but, nakakabigla lang." Sabi ni Kuya Bry
Tumaas namang ang isang kilay ni mommy at lumapit siya kay kuya saka binatukan ito. Bahagya akong ngumiwi at pinagpatuloy na lang ang pag-kain ko.
Agad na hinawakan ni kuya ang batok niya at tinignan niya si mommy nang nakasimangot. I can't help myself worry about his neck, baka napalakas yung pag-batok ni mommy.
"Eonniga jib-e omyeon nollaji mala. Arasseo?" Sabi niya habang nakapameywang sa harapan ni Kuya
(Translation: Don't be surprised if your sister is coming home. Okay?)
Umiiling iling na lang ako saka sinulyapan si dad na sinisita si mommy. Nakakatakot talaga siya pag-magsasalita na si mommy ng ibang lenggwahe.
Bumuntong hininga muna si kuya at tumango sabay sabi ng "Ne, eomma"
(Translation: Yes, mom)
Tumango na din si mommy saka bumalik sa upuan niya at matamis na siyang nakangiti ngayon. Minsan nasasanay na din ako sa pa iba ibang expressions niya. Siguro ganun talaga pag matagal mo nang nakasama ang isang tao.
"So let's get back to eat!" Masiglang sabi niya
"Mom, kailan darating si Dem?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag-kain namin.
Ngumiti naman sa akin si mommy saka niya ako sinagot. "Well, she didn't say the exact date, but I think sooner or later ay nandito na yung kakambal mo."
Excited rin ako at uuwi na rin si Dem. Nakita ko naman na ngumiwi si kuya Bry. Hindi naman sa ayaw ni kuya na nandito si Dem, but I think ayaw na siguro niyang mangyari pa yung nangyari noon. Labas naman ako dun sa nangyari kaya hindi ko masyadong alam ang nangyari sa kanila.
Natapos ang almusal namin ng may ngiti sa mga labi namin, except for one. Hinatid kami ni mommy sa sasakyan ni kuya at nag-paalam na kami sa kanya.
"Bye, ingat kayo ah." sabi niya
Tumango naman kami at hinalikan na namin siya sa pisngi niya saka sumakay na sa sasakyan.
Nagsimula ng mag-drive si kuya papunta sa school. We both attend the same school na siyang pag-may ari ng lolo namin. But we're in different department, siya ay nasa senior high school department, at ako naman ay nasa junior high.
Hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang noo ni Kuya. Bahagya akong natawa sa kanya at inabot ang noo niya saka hinilot yun na parang pinapatuwid ko ang naka-kunot niyang noo.
"At ano naman ang kinagalit ng pinaka-gwapo 'kong kuya?" Tanong ko sa kanya
Nawawala naman ang pagka-kunot ng noo niya pero ang seryoso pa rin ng aura niya. Bumuntong hininga muna siya bago niya ako sinagot "I'm not angry, Claire. I'm just curious kung bakit uuwi si Dem."
Pinitik ko naman ang noo niya, kung ano ano na ang naiisip ni kuya.
"What was that for?!" Sabi niya habang nakahawak sa noo niya.
Nagkibit balikat na lang ako at sumandal sa upuan ko. Naguguilty tuloy ako, malakas kaya yun?
"Bakit ba yan ang iniisip mo? Bawal bang umuwi si Dem dito? Kailangan ba talaga na may rason siya para umuwi?" Sunod sunod kong tanong sa kanya
Bumuntong hininga naman siya at umiling. I playfully pat his head and gave him a warm smile.
"Yun naman pala eh. So you don't have to be worried about anything." sabi ko
Pumunta na ako sa cafeteria kasama ang dalawa kong kaibigan, sina Zhaira Zhane William at Patricia Nix Hertz. Best friends ko na sila since elementary pa lang kami. Close din ang mga pamilya namin lalo na't mga business partners din ang mga ito.
"Nasan si Nathan?" Biglang tanong sa akin ni Zhaira.
Si Nathan. Nathan Blaze Elizalde, boyfriend ko. Pero 1 month pa lang kami. Same year level lang kami kaso nasa ibang section niya. Absent ito ngayon dahil sa negosyo nila. Ngayong naisip ko siya, di ko maiwasang mag-alala. Pinilig ko ang ulo ko para mawala yun sa isipan ko. Ayaw niyang maawa ka sa kanya, Claire.
"I don't know. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap." sabi ko sa kanya.
Tumango tango naman si Zhaira at binaling kay Tricia ang paningin niya ng tanungin siya nito.
"By the way, may ibabalita ako sa inyo!" excited kong sabi sa kanila
Kumunot naman ang noo nila habang nag-oorder kami dito sa cafeteria.
"What is it?" Tanong ni Tricia.
Kinuha na namin ang mga order namin at umupo sa table na naka reserve sa amin.
"Uuwi na si Dem!" Anunsiyo ko sa kanila
Nanlalaking mata naman nila akong tiningnan. Di ko tuloy masabi kung ano talaga ang nararamdaman nila sa sinabi ko.
"Totoo?! Himala at uuwi siya ah." sabi ni Zhiara
Tumango naman ako sa kanya. Excited na talaga akong umuwi si Dem dito! I hope magiging maayos ang lahat sa pag-uwi niya dito.
____________________
TBCA/N: Paalala po sa lahat ah, lahat po ng ito ay pure fiction. Sa mga korean words naman po ay gumamit po ako ng Google translate diyan so, si Google po ang pagsabihan niyo kung mali ako jk.
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?