Claire's POV
Kanina pa kami dito sa arcade ng mall, at kasama pa rin namin sina Dem at Anthea. Okay lang naman sa akin na kasama namin sila, at least nakabonding namin ni Nathan si Dem.
Nandun ang dalawa sa may claw machine at kinukulit ni Anthea si Dem na kumuha ng isa sa mga nakalagay dun. Habang kami naman ni Nathan ay nasa isang tabi lang at tinitignan sila.
Pansin kong parang ang tahimik ni Nathan. Nag-aalala akong baka napapagod na 'to.
"Sorry kung na hila ka pa dito ha." sabi ko kay nathan
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.. "Nah. Ayos lang. At least I can get to know her." sabi niya at tumingin kay Dem
Ang bait niya talaga. Masasabi kong maswerte talaga ako sa kanya. Tumingin naman ako kina Dem at parang naiinis na siya sa claw machine na nilalaro nila.
"WAHAHAHA what the?! Dem! Why can't you get one?" Sabi ni anthea habang tumatawa
"Tara?" Tanong ko kay Nathan saka kami pumunta sa dalawa
Nang makalapit kami sa dalawa ay hindi pa rin nakukuha ni Dem ang nasa claw machine. Hays baka magiba na niya ang controller nito dahil sa sobrang higpit ng hawak niya.
"Guys kain muna tay-"
Naputol ang sasabihin ko sa kanila nang magulat kami nang biglang hinampas ni Dem ang push button ng claw machine.
"Waah neo iss-eo!!" Sambit ni Anthea niyugyug ang braso ni Dem (Translation: Waah you got it!)
Kinuha naman ni Anthea ang nasa claw machine na nakuha ni Dem.
"Tara, kumain na tayo." sabi ni Dem saka nauna na siyang lumabas ng arcade.
Sumunod naman si Anthea sa kanya. Tumingin ako kay Nathan at ngumiti sa kanya at sabay na kaming lumabas ng arcade habang nakahawak ang kamay niya sa akin.
Nandito kami sa isang sikat na fast food chain, wala kasi kaming choice kasi gusto talaga ni Anthea dito. Ayaw niya kasing kumain sa isang restaurant kasi gusto niya daw kumain ng bago.
Pumili kami ng isang mesa na walang tao at nilagay ang mga gamit namin.
"Dito muna kayo, ako na ang mag-oorder. Ano yung gusto niyo?" Tanong ko sa kanila
"Anything edible." sabi ni Dem
"Parehas na lang ng sayo." Sabi ni Nathan at nginitian niya ako
Ngumiti naman ako sa kanila at lumingon kay Anthea.
"Wait. I can't decide. Can I come with you?" Tanong niya
Tumango ako sa sinabi niya at hinila niya na ako papuntang counter. Medyo mahaba haba rin ang linya kaya nag-usap muna kaming dalawa.
"Alam mo. How I wish na maka uwi kami dito ni Dem ng maaga, but she insisted hindi na." sabi niya
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ayaw umuwi ni Dem? Tumingin ako ulit sa mesa kung nasan siya. Hays ganun ka na ba ka-attached sa Korea at ayaw mong umuwi? Binalik ko ulit ang paningin ko kay Anthea.
"Bakit ayaw niya?" tanong ko sa kanya
Nagkibit-balikat lang siya sa akin saka sumulyap sa harapan namin "Ewan ko nga diyan at bakit ayaw na ayaw niyang umuwi dito." sabi niya
Bakit kaya?
Dem's POV
Naiwan kami ng boyfriend ni Claire dito sa mesa. Kanina pa sila tahimik ni Claire habang namamasyal kami. Napipilitan yata sila, tsk kung di ba naman sila pinilit ni Anthea.
Tumingin ako ulit sa cellphone ko nang bigla niya akong tinawag.
"Uhh Dem?"
Bored akong tumingin sa kanya, what now?
"What?"
Ngumiti siya sa akin sabay sabing "I want to let you know that you are lucky to have Claire as your twin sister. I can see it through her eyes na gusto ka niya talagang makasama. I know ngayon pa lang kita nakilala, pero I want to assure you that I can make Claire happy and I will love her like you did." sabi niya
Ano ang pina-parating niya sa akin? Na hindi swerte si Claire sa akin? Sa bagay, ni minsan hindi ko pinaramdam sa kanya na importante siya akin. Claire's lucky to have a guy like him, yung tipong hindi siya nahihiyang iopen ang pagmamahal niya sa kapatid ng minamahal niya.
I wondered if there will be someone like him coming to my life. Tsk nonsense. Tahimik lang ako hanggang sa dumating na sina Claire at Anthea.
Habang kumakain kami ay daldal lang nang daldal si Anthea tungkol sa mga nangyayari sa amin dun sa Korea.
"I can't forget the time na may kumausap kay Dem na koreano at gusto nun na gawin niyang girlfriend si Dem. So ayun, sinabihan lang naman ni Dem ang koreanong yun na tumalon dun sa malapit na lake. At ayun tumalon nga sa lake HAHAHAHA. Teka muna HAHAHAHA" sabi niya habang hawak ang tiyan niya habang tumatawa
Napangiwi ako nang tignan ko siya, halos mamatay na siya sa kakatawa niya. Tsk daldal talaga.
"Ayun pagkatapos niyang tumalon, iniwan na namin siya ni Dem HAHAHAHA." sabi niya
Anong nakakatawa? Actually, it is not funny. I just really hated that guy's guts.
Pagkatapos naming kumain lahat ay lumabas na kami.
"Mauuna na kami." sabi ko sa kanilang dalawa
Aangal pa sana si Anthea pero hinila ko na siya papuntang parking lot.
"Yah ang bastos mo!" Sabi ni Anthea sa akin
Iniripan ko na lang siya at sumakay na ako sa sasakyan niya. Pumasok na rin siya sa driver's seat at pina-andar niya na ang sasakyan.
"You don't have to be that mean to your sister." seryosong sabi niya habang nagmamaneho
Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya, since when siya naging ganito ka seryoso?
"Your sister also has feelings, nasasaktan rin siya. Oo alam kong cold ka sa iba, sa akin nga eh. Pero sana, you'll made an exemption to us that are close to you.." sabi niya.
I bit my lips while looking at the scenery outside. Those words, really makes me feel so bad.
_________________________
TBCEdited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?