Dem's POV
"Ok, first things first. One, we need to change that hair of yours. And two, kailangan natin mamili ng bagong damit, you can't wear your actual clothes to school. Masyadong obvious na nagpapanggap ka." Sabi ni Tricia habang nagpabalik balik ng lakad sa harap namin ni Zhaira
Ok, now I'm going to change my hair into its original color. Mawawala din naman pala ang pinaghirapan kong pagkumbinsi kay mommy. Damn I've waited eight months just to get her approval, and here I am! Ibabalik ko rin naman pala sa dati.
Nandito kami tatlo sa sala ng bahay namin. These two have arrived earlier than I expected. Inaasahan kong sa hapon pa sila pupunta dito bahay, pero nagulat nalang ako ng tawagin ako ng isa sa mga maid namin at sinabing nandito na sila. It's freaking 10:00 am in the morning!
"Magbihis ka na, pupunta tayo ng mall para bumili ng kakailanganin mo." Sabi ni Zhaira sa akin
At anong problema sa mga sinusuot kong damit? Tiningnan ko ang sarili ko. Wala namang problema ah, I always wear loose shirts and pants, minsan nag-hohoody jacket din ako. Hindi naman ako nagmumukhang dukha sa mga sinusuot ko because it's all new.
"Alam ko kung ano ang iniisip mo. Hindi naman sa pangit yang mga sinusuot mo, pero si Claire kasi, ang mga sinusuot niya ay puro dress, skirts, at shorts. Minsan lang yun nagsusuot ng t-shirts at pants. She finds those uncomfortable." Biglang singit sa akin ni Tricia.
So wala na nga akong magagawa. Bumuntong hininga na lang ako at tumayo na para mag bihis.
Napadpad na kami sa isang mall. Nabanggit sa akin ni Zhaira na pinag mamay-ari pala ito ng pamilya ni Tricia pala itong mall.
"Bili muna tayo ng mga damit mo." Excited na sabi ni Tricia at hinila niya na si Zhaira papunta sa isang sikat na clothing line.
Napamulsa ako sa jogging pants ko at sumunod sa kanila. Tsk I really can't understand girls and their obsession when it comes to shopping. Oo. Babae rin ako, pero never ako naging obsessed sa mga bagay na yun.
Pumasok na kami sa loob ng shop at napansin ko agad na kami lang yung taong naririto. Siguro close? Or baka naman hindi talaga ito sikat.
"Maybe we should move to an another store" sabi ko sa kanila
Umiling naman sa akin si Zhaira sabay ngisi at akbay sa akin.
"Tricia rented this shop for ourselves, ayaw niya kasi ng masyadong magulo kapag namimili kami. So solo natin yung lugar!" sabi niya sa akin at bumitaw na siya mula sa pagkaka akbay niya.
Typical rich girls.
Tumakbo na siya kay Tricia na busy sa pamimilli ng mga damit. Nilibot ko ang paningin ko sa store na ito. Okay lang naman yung style ng fashion nila, yun nga lang, masyadong girly ang concept nila. Iba ibang klase ng skirts, shorts, pants, dresses at kung ano ano pa.
"Dem lika dito!" sigaw sa akin ni Zhaira
Pumunta ako sa kanilang dalawa at unang bumungad sa aking paninga ang iba't ibang klaseng terno ng skirts, may kung anong upper ito na parang kinulang sa tela dahil ang ikli nito. May sampung pares din ng dresses na magkaiba ang mga designs ang nakahilera na hawak hawak ng mga saleslady.
Kinuha ko yung upper ng isa sa pares ng skirts at hinarap ito sa kanila
"Parang kulang yung haba nito para sa akin."
Tumawa naman sina Tricia at Zhaira dahil sa sinabi ko, napansin ko rin ang sandaling pagpigil ng tawa ng mga saleslady. Kumunot naman ang noo ko sa mga reaksyon nila. Ba't ba? Totoo naman ah.
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?