Dem's POV
Nangalumbaba lamang ako sa desk ko habang nakatingin sa teacher naming nagtuturo sa harapan. I may look like I'm listening attentively at her but honestly I'm not. Walang pumapasok sa utak ko.
Tinignan ko ang kakambal kong nasa kabilang row. She's enjoying this. Kitang kita talaga na nakikinig siya. Napangiwi na lang ako sa ginagawa niya. Palipat lipat ang paningin niya sa notebook niya at sa teacher namin, parang lahat ata ng sinasabi ng teacher namin nasa notebook niya na.
Naging maayos naman ang pakikitungo ng mga tao rito sa akin. What I've hated is that they treated me like I am Claire. Pwede naman nila akong hindi respetuhin na katulad kay Claire, because I'm not her. I'm just a normal student here, wala akong hawak na position sa student council o ano pa.
"Dem, gusto mo bang sumama sa amin sa cafeteria mag lunch?"
Napatingin ako kay Claire na nasa gilid ko at nakatayo. Tapos na pala ang klase, di ko man lang napansin.
"Uhh hindi muna siguro ako sasama. I have plans." Sabi ko sa kanya
Tumango naman siya at ngumiti sa akin bago siya tuluyang namaalam at umalis ng classroom namin. Kinuha ko na ang sarili kong lunch box at lumabas ng room.
Nasasanay na ata ako sa palaging pagba-baon. Di ko medyo gusto ang vibes sa cafeteria, it's too crowded. Nilapag ko muna ang dala kong lunch box sa isang bench at nilapitan ang roses na ngayon ay namukadkad na.
I've never expected that they would be this beautiful. Hinawakan ko ang isang rose at inamoy ito. I thought this will smell bad. Binitawan ko na ito at umupo na sa bench saka nagsimula nang kumain.
What if bumalik muna ako sa korea? I've been thinking about everything. Do I really belong here? It feels like I'm just sharing the spotlight with Claire. Mukha akong sampid sa buhay niya. We've been sharing things to the point na pati boyfriend niya nagustuhan ko. Damn Dem, Nathan is not the topic right now. Move on.
Bumuntong hininga ako saka binuksan ang apple juice at uminom dito.
"Andito ka lang pala."
Napatingin ako sa biglang nagsalita at tinabi ko ang mga gamit ko. Tumabi naman siya sa akin at sinulyapan ang mga rosas na kanina ko pa tinitignan.
"Alam mo na pala 'to? Who told you?"
Should I tell her na si Nathan? Nakaka-guilty na yung pagsisinungaling ko sa kanya. Lumunok muna ako saka siya tinignan.
"Kay Nathan ko nalaman." Mahina kong sinabi
She seemed happy with my answer. Will she be happy if sasabihin ko? I bet she won't
"Talaga? Aawayin ko talaga yun. Dapat surprise 'to eh." Pagbibiro niya
I didn't respond at what she said. I offered her the cookies that I've baked at kumuha siya dun ng isa.
"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng orange roses?"
Umiling ako sa kanya. May mga meaning pala yan?
"Orange roses means admiration and excitement. Ang tagal kong pinalaki yan for you. I admire you for being yourself. Minsan nga naiinggit ako sa'yo kasi you're brave enough para ipagtanggol ang sarili mo. I always look up to you, you've become a woman on your own. Lalo na nung pumunta ka ng Korea, you become independent. One more thing about orange roses is that it says 'I am so proud of you.' I'm proud of you Dem and I am very thankful sa lahat na nagawa mo sa akin at para sa school na ito."
Pinahid ko paalis ang isang luha na tumulo mula sa mata ko. I can feel her sincerity and love for me. She expanded her arms like she was waiting for me to hug her. Lumapit na ako sa kanya at yumakap. She caressed my hair at ang kaninang pinipigilan kong luha ay tumulo na.
"I'm sorry for crying." Sabi ko nang humiwalay na ako sa yakap.
Kinuha niya naman ang panyo niya at binigay sa akin.
"It's okay. Sometimes it just means that you've been strong for a long time at ngayon lang lumabas."
Claire, please don't be like this. Mas nagdadalawang isip na ako kung sasabihin ko ba o hindi.
"Gusto mo pa ba? Uubusin ko na 'to ha hihi."
Tumango naman ako at magiliw niyang kinain ang mga natitirang cookies ko.
"Claire." Pagtawag pansin ko sa kanya
"Hmm?"
"Balak kong bumalik ng Korea."
Tumigil siya sa pag-kain at tinignan niya ako. I'm sorry if mahihiwalay na naman tayo.
"Ha? Bakit? Di ka ba masaya dito?" tanong niya
"I'm happy here of course. I think I need to find myself. I feel so lost whenever I'm here, Claire. Sa palagay ko, mas mabuting mahalin ko muna sarili ko bago ang iba."
"If that's your decision, support lang kita. Pwede naman kitang mabisita dun or vice versa. Pero ano yung mahalin mo muna sarili bago ang iba?"
"Uhh a-ano." Natahimik kami saglit dahil sa pag-dadalawang isip ko.
"Okay I respect your decision, sabihin mo na lang sa akin pag ready ka na."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi. Bakit ko nga ba sinabi ko yun? Muntik na.
"Pwede ba akong mag request? "
Tumango naman ako at nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko.
"Pwede bang saka ka na bumalik ng korea pagkatapos ng birthday natin? Napag-isipin ko kasing magpa-beach party."
"Sure."
Masaya niya akong niyakap and she started saying all the things she prepared for our birthday.
"Do you have friends ba na gusto mong isama?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang classroom.
"Si Anthea lang."
Tumigil naman siya at lumingon sa akin. Si Anthea lang naman talaga ang naalala ko, wala na ata akong iba pang kaibigan.
"Saan na nga ba yung si Eros? Your childhood friend? May contact ka pa ba sa kanya?"
Umiling na lang ako sa sinabi niya. Di ko na talaga alam kung saang lupalop na nagpupunta yun. I last saw him nung 10 years old pa kami. Dugyutin pa siya at palagi niya pang inaasar si Claire kasi crush niya raw. Malaki pa ang tampo ko dun, nawala na lang ng walang pasabi.
"Ay sayang naman, pag may gusto kang i-invite sabihin mo lang ha. Mauna ka na dun sa room, pupunta muna ako ng office."
Sabi niya at umalis na. Nagsimula na akong maglakad at napatigil na lang ako sa taong nakasalubong ko. Patuloy lang siya sa paglalakad at di niya ako tinignan. His eyes were blank and he's just looking in front.
Tinignan ko ang likod niyang papalayo sa akin. That's right. It will only hurt if he looked at me like before. He's like an unripe fruit that is still clinging to its tree. Hinding hindi mo ito pwedeng kunin kahit na gusto mo ito. Kailangan mo pang hintayin ang tamang oras. Pero may tamang oras nga ba para sa amin?
___________________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?