Chapter 15

21 4 0
                                    

Dem's POV


Nandito ako sa corridor patungo sa office ng student council. Mabuti naman at wala nang masyadong students ngayon, approximately 5 minutes na lang at 1:00 pm na at magsta-start rin ang klase.

Malapit na ako sa pintuan ng office namin ng mapansin ko ang ingay sa loob nito. Don't tell me pati sila sisitahin ko? Parte pa rin ba yun ng role ko dito? Huminga nalang ako ng malalim at binuksan ko ang pintuan.

Tumaas ang kanang kilay ko ng mapansin kong tumahimik bigla yata sila. Nasa isang pabilog na malaking lamesa silang lahat at may upuan silang nilaan sa akin. Tumikhim ako at umupo na sa pwesto ko.

"Kompleto na ba tayong lahat?" tanong ko sa kanilang lahat

"Nandito na ang lahat pres." Sabi sa akin ni Jade

Tumango ako kay Jade at tinignan ko sila isa isa. Parang nandito na nga silang lahat.

"Good afternoon everyone, so nandito tayong lahat para sa preparations ng gaganaping foundation day." Sabi ni Jade sa aming lahat

Nasa harapan naming lahat si Jade at may prinesenta siyang isang powerpoint presentation.

"Let's first have a short background about the foundation day for the past two years. Last last year, well I can say na hindi maganda ang experience ko sa mga araw na yun." Sabi niya sa amin

Narinig ko naman ang hagikhik ng mga kasamahan ko. Damn hindi ko alam kung anong nangyari nung araw na yun. Nanatili akong tahimik sa aking upuan at tumikhim naman si Jade saka nagpatuloy siya sa presentation niya.

"So kaya parang palpak ang foundation day sa araw na yun kasi kinulang daw ang council at that time ng oras. Kaya ang ginawa nila, nag-film viewing sila every year levels, which is boring."

Hmm kaya pala.

"Next is ang foundation day last year. Last year I can say na maganda ang preparations for that event. May booths na ginawa at may pageant sa last day. So sa ngayon, any suggestions for this year's foundation day?" sabi niya saka kami tinignan isa isa

Tumahimik ang lahat ng mga tao dito sa office. Ang iilan sa kanila ay nagbubulungan kung anong magandang gawin. I raised my hand at nakita ko naman na lumingon silang lahat sa akin. I guess ako na ang magbibigay ng idea nito

"I suggest that we should have booths like last year, but 50% of the profit gained will be given to a certain charity. We could make the booths by section so we could give them back the other 50%. During night time, we could invite bands or performers to perform, siguro mas maganda kung hanggang 10:00 pm lang tayo. And sa last day, siguro we should have a party in the afternoon, siguro mga 5:00 pm ang start. We can have a tribute to our sponsors, teachers, administrators, and especially the president of this school. After that we can have a party na, but no hard drinks siguro yung mga mild lang. So, what can you say?"

"Wooh yan na gawin natin preeees!"

"Agree ako diyan!"

"Nice! Siguradong masaya 'to!"

"Discooo!!"

At umingay na silang lahat. Umupo na ako ulit sa kinauupuan ko at tumayo naman si Jade saka pinatahimk sila.

"Sinong tututol? Itaas niyo paa niya." sabi niya sa saka tumawa

Walang nagpataas ng kanilang mga paa, so it means tanggap nila. Well done Dem, at least may nagawa kang tama sa buhay mo.

"Nice nice, sige 15 minutes break." sabi ni Jade

Isa isa namang lumabas ang mga tao hanggang sa kami nalang tatlo ang magkasama dito.

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon