Dem's POV
"Uuwi ka na ba agad?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko naman ang relo ko. 1:00 pa naman ng hapon. Tumango ako sa sinabi niya. Wala naman siguro akong lakad kaya uuwi din ako agad mamaya.
"Narinig ko, wala na daw klase ngayong hapon. Gusto mo muna sumama sa akin?"
I stared at him for a moment. I think one thing about him that I liked is that he's straight forward. Hindi siya nagdadalawang isip, he always put things straight. Parang lahat na salitang sinasabi niya ay totoo at walang halong kasinungalingan. Gaya ng gaano kadaling nasasabi niyang mahal niya ako, o si Claire. Things are getting complicated because of my feelings for him. What will happen when things will go back to normal? One thing's for sure, it will really hurt.
We stopped at an old church. Bakit kami andito? Sumama na lang ako sa kanya since maaga pa naman at wala naman akong ginagawa ngayong araw.
I looked at him with curiosity. Nakapunta na ba sila ni Claire dito noon?
"I want you to meet someone. Parang pamilya ko na din sila." Nakangiting sabi niya.
Tumango ako sa sinabi niya at tinignan muli ang simbahan. Parang ang tahimik naman dito ngayon.
Pareho kaming lumabas ng sasakyan at tinignan ko lang siyang kinuha ang isang paperbag na galing sa likuran ng kotse. Tinitignan ko lang ang bawat galaw niya hanggang sa napunta na siya sa tabi ko at hinayag ang kamay niya. Ilang minute ko din yun tinitigan hanggang sa kusa kong nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.
He smiled at me and he walked first. I was shocked when he intertwined our fingers while walking. Just for today, I want to feel that all I've been doing is right. Gusto ko munang isipin na hindi ito bawal at walang hangganan ang saya na mararamdaman namin.
Pumasok kami sa likod ng simbahan at nadatnan namin ang mga madreng nagluluto ng kung ano. Higit pa ata silang sampo ang nandidito. Huminto kami ni Nathan dito at tinitignan lang ang mga madre. May isang lumingon na madre at nanlalaking mata nitong tinuro si Nathan.
"Sisters, andito si Blaze!" Agad na lumingon ang mga madre at nagsilapitan sila sa amin.
"Juskong bata ka, antagal mo na ding di nakabisita dito." Sabi ng isang madre kay Nathan.
"Pasensya na sister, medyo naging busy po kasi kaya ngayon lang ako nakapunta." Binigay niya ang paperbag dun sa madreng nagsalita.
"Nako di mo na kailangan pang magbigay, Blaze. Napakadami mo nang naitulong sa amin dito." Nginitian lang siya ni Nathan bilang tugon.
Masaya silang nagkukumustuhan habang nakikinig lang ako sa kanya, I didn't know he's close to many nuns. Napansin ko ang isang matang nakatingin sa akin. Nang nilingon ko siya ay tinignan niya ang kamay naming magkahawak ni Nathan. Nahihiya akong yumuko at pilit kong tinatanggal ang kamay namin. Maybe they are really conservative here, nakakahiya kung maghahawakan kami ng kamay ni Nathan dito.
"Siya na ba yung girlfriend mo?" biglang pagsabi nung madreng nakatingin sa akin kanina
Biglang lumingon sa akin ang ibang madre na siyang dumagdag ng nararamdaman kong hiya. I'm not used to people being interested in me. Sa aming tatlong magkapatid, I always prefer being quiet and lowkey in the other side. While my siblings like to talk a lot.
"Yes, sister. She's Claire." Sabi ni Nathan sa kanila.
"Ang gandang babae mo naman hija. Bagay kayo! Maswerte ka dito kay Blaze, napaka-mabait na bata nito."
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?