Third Person's POV
Kasalukuyang nasa gymnasium ang lahat ng estudyante pati na rin ang mga staff at ang mga kataas-taasan sa paaralang ito. Ito na ang araw na hinihintay lahat, lalo na ng natutulog na si Claire.
"Aigoo Blaire, Claire would be so proud to see this." sabi ng ina ng kambal habang nakasilip sa lahat ng mga tao sa harapan ng stage
Nandito silang mag-ina sa backstage at nag-aabang silang tawagin ng MC para pumunta sa entablado at magbigay ng speech.
"Tsk as if she would be flustered by this preparations." sabi naman ng dalagang nakatayo lang sa gilid niya
"Oh at ba't naman hindi? Sus kung alam mo lang kung gaano niya ka-gusto na magkasama kayo sa iisang paaralan."
Umismid ang dalaga sa sinabi ng kanyang ina. Minsan na din sumagi sa isipan niya ang mga iniisip ng kanyang kakambal, palagi siyang nagtataka kung bakit nga ba nanatiling mabait ito sa kanya kahit palagi niya itong hindi pinapansin o sinusungitan.
"Oh mom." sabi ng binatang kakadating lang at binigay niya ang telepono ng kanyang ina
"Aigoo, thank you Bryan-ssi. Oh tinatawag na pala ako, maiwan ko muna kayo ha."
Nanatiling nakatayo lang si Dem na hindi sinusulyapan ang kapatid niya. Hangga't maari ayaw niyang magkaroon na naman ng away sa kanilang magkapatid.
"Hindi ko akalaing maha-handle mo itong school." Sabi ni Bryan at nakapamulsang sumandal katabi sa kapatid niya
"Hindi ko din inaakala." Sabi niya na nakatingin lang sa cellphone niya
Sa kaloob-looban Dem, nagtataka na siya sa biglaang paglapit sa kanya ng kanyang kapatid. Nagtataka na siya at bakit kinakausap siya nito ng mahinahon.
"Balita ko ikaw daw yung nag suggest sa mga ideas." sabi na naman niya
Kahit si Bryan ay nagulat sa balitang ang kapatid niya daw ang nag-suggest lahat ng mga gagawin sa foundation day. Sa una hindi siya naniwala, hanggang sa siya'y nagtanong sa kanyang kaklase na kabilang sa council at naniwala na siya sa maaaring kakayahan ng kapatid niya.
Tumango na lang si Dem at hindi na siya nagsalita pa at baka may masabi pa siyang mali na pwedeng pag-awayan nilang magkapatid. Huminga ng malalim si Bryan at hindi na siya nagsalita pa. Simula nung pangyayaring nangyari sa nakaraan, naging ilang na ang dalawa sa isa't isa. Nawala na ang closeness nila sa at naging malayo na sila sa isa't isa.
"Thank you for that wonderful speech Madame. Now let us all welcome our student council president, Ms. Angelica Claire Mondragon for her opening remarks." Anunsyo ng emcee sa harap ng entablado
Bumuntong hininga muna si Dem at inayos niya ang pencil skirt niya at ang loose shirt niya na pinatungan ng jacket ng student council. Tinapik muna siya sa balikat ng kanyang ina saka siya lumabas mula sa backstage.
Isang malakas na palakpakan ang tumambad sa kanya. They are cheering for the wrong person. Bumuntong hininga ulit siya at kinuha na ang mikropono saka siya nagsalita.
Ngunit hindi niya man nakikita, may isang pares ng mata ang lubos na sumusuporta sa kanya.
Dem's POV
Natapos ko ng matiwasay ang speech ko sa kanilang lahat. Tsk pinag-puyatan ko yun kagabi, hindi kasi ako ininform agad nilang Jade na ako pala ang magsasalita para sa opening remarks.
"Nice speech." bungad sa akin ni Zhaira
Umupo na ako sa upuan na nilahad para sa aming section. Kailangan pa naming makinig sa mga guidelines at instructions ng council, kahit alam ko naman yun.
"This year's foundation day will be open for outsiders. This is for the benefit of the charity that will be helped with your booths. Some of the guidelines have already been announced every room, so there is no need para i-announce ulit. Next is for the live band during every night. We assigned a curfew which is 10:00 pm, which means there is no extension. 10:00 pm is already enough. For the artists assigned each night, we posted a tarpaulin near the cafeteria that contains the artists schedule to perform. It also contains the Do's and Don'ts for the event, please follow it. For the last day a party will be held. Its theme will be bohemian; it means all are required to wear any bohemian related outfit. But before the party we will have an event, we prepared a tribute to the stockholders, teachers, administration, and especially for our dear president. Now during the party, only mild drinks will be served. And always maintain your good behavior. Rhat would be all thank you and enjoy this year's foundation day, school year 2018-2019." Sabi ni Jade at nag-palakpakan ang lahat
Ginawa naming open ang campus para sa outsiders para mas lalaki ang kita namin. Sabi naman nila, this school is kind of famous for its advance learning system. When it comes to sports, mas naging sikat ito dahil sa kalaban daw naming school. So alam naman naming may posibilidad na dadami ang pupunta.
Natapos na ang event sa gym at kasalukuyan kaming nanglalakad tatlo nina Zhaira patungo sa booth namin. Naka-pamulsa lang ako sa jacket ko at tinitignan ko ang mga taong busy sa mga ginagawa nila. Madami ngang outsider na pumunta dito, yung iba naka uniform pa.
"Omg sana nag-ayos muna ako sa cr. Tricia may gwapo oh!" sabi ni Zhaira habang nakahawak sa braso ni Tricia
Umiling iling na lang ako sa sinabi niya at nilibot ko uli ang paningin ko nang biglang may naaninag akong pamilyar sa paningin ko. Teka siya ba yan? Hindi ko na siya nakikita ng tumalikod na siya at naglakad papalayo.
Pero kung siya nga, bakit naman siya nandito? Parang alam ko na kung bakit. Gusto niyang may makikita na naman siyang bago sa paningin niya.
Inalis ko na ang paningin ko dun at pumasok na kami sa booth namin. I hope she won't recognize me and cause trouble.
___________________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?