Dem's POV
Bumangon na ako mula sa pagkahiga ko kanina. Tinignan ko ang wall clock sa harapan ko, ang tagal ko palang nakatulog.
Halos wala ng tao dito sa mansion dahil pumasok na silang mommy sa restaurant para tignan ang nangyayari dun habang si daddy naman ay pumasok na sa company at si Claire naman ay, I don't know where she is.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ako sa sala namin. Tsk why do we even have this kind of house, it's too big. Bumalik na lang ako sa kwarto ko nang makita kong wala namang magandang gawin at pumunta sa balcony ko.
Umupo ako dun para magpahangin nang bigla kong natanaw si Claire, kinakausap ang isang lalaki na may sasakyan. Hmm baka boyfriend niya. Okay naman ang itsura ng lalaki, okay lang naman sa akin kung sino ang magiging boyfriend nito, basta aalagaan lang siya nito at mamahalin. Psh, why I am even saying this things?
Nag-uusap sila habang tumatawa. What a sweet couple. Tinitignan ko lang sila dito sa malayo habang nag-uusap sila. Kung i cocompare ako kay Claire, halata namang mas ka-mahal mahal siya..
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nagbihis ng simpleng pants at t-shirt. kumuha na rin ako ng hoodie ko at sinuot yun. Tsk mabuti pa at aalis muna ako.
Bumaba na ako sa first floor ng mansion. Napahinto ako sa paglalakad nang may naalala ako, I don't have any car. I have no choice but to walk.
Lumabas na ako ng mansion at sinuot ang hoodie ko. Lalagpasan ko na sana sina Claire nang bigla niya akong tinawag.
"Dem!" Tawag niya
Nilingon ko naman siya at tinanggal ang hood sa ulo ko. Nakita ko ang pagka-bigla ng kasama niya nang makita niya ako.
"What?" Sabi ko
Tumingin naman siya sa kasama niya at nginitian ito bago siya ulit tumingin sa akin.
"Ano.. Uhmm.. Boyfriend ko pala, si Nathan. Nathan, si Dem, my twin." pagpapakilala niya sa aming dalawa.
Tumango naman ako sa sinabi niya at tinignan ko yung Nathan. Tsk parang tanga. Ngayon lang ba siya nakakita ng kambal?
"Can I go now?" Sabi ko
Nakaka-bastos man pero umalis na ako bago pa siya makakapag-salita. Nilagay ko ulit ang hood ko at nagsimula na akong maglakad lakad..
Claire's POV
Grabe naman si Dem. Tinignan ko si Nathan na hanggang ngayon ay nakatulala. Hindi ko man lang siya napakilala ng maayos.
"Uyy, earth to Nathan!"
Napalingon naman siya sa akin at nginitian niya ako. I still can't believe na pinuntahan niya pa ako dito sa mansion para lang makita ako.
"So that was your twin, huh? I'm a little bit shocked at her features. You are really different from her." Tanong niya sa akin
Napatango nalang ako at napa-tawa ng mahina sa sinabi niya. Maybe he's shocked kaya ganyan ang reaksiyon niya.
Pareho kaming nakatingin kay Dem na naglalakad palayo. I'm different from her. From head to toe, talagang magkaiba.
"So, are we still going out?" Biglang tanong niya sa akin
"Oo nga pala, tara pasok muna tayo."
Pumasok na kami sa loob ng mansion at iniwan ko muna siya sa sala para makapagbihis para sa lakad namin.
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?