Dem's POV
"Bakit pala parang ginabi ka na? Sino kasama mo?" tanong sa akin ni Kuya habang nakahiga dito sa higaan sa kwarto nila mommy
Kasalukuyan kaming nagmo-movie marathon dito sa kwarto nina mommy. Gusto kasi ni mommy na mag-bonding daw kaming tatlo habang nasa ospital pa si daddy, nagbabantay kay Claire.
"Uhh kasama ko si Nathan." Mahinang sabi ko.
Hininaan niya ang volume sa tv saka niya ako tinignan.
"Tama ba pagkadinig ko? Or pinaglalaruan ako ng tenga ko."
Bumuntong hininga ako saka nilaro laro ang mga daliri ko. Kinabahan ako sa maaring isipin ni kuya.
"Opo, tama ka kuya."
Hinilot hilot niya ang sintido niya saka siya umupo sa kama. Umupo na din ako saka yumuko. I don't know what to say. I still have unknown feelings towards Nathan, and I don't like it.
"Hindi niyo ba sinabi sa kanya ang kalagayan ni Claire?" Umiling ako sa sinabi niya.
"Do you like him?"
Do I like him? I don't know! It's not clear to me. Alam kong kung magugustuhan ko siya, may pag-asang kami na naman ni Claire ang magkalabuan. Ayaw kong sarili kong kakambal ay kamuhian ako. Narinig ko ang buntong hininga ni kuya kaya tinignan ko siya ulit.
"Di ka sigurado? Ayaw ko kayong masaktan parehas ni Claire. Ignore him na lang muna para di na lalalim pa yang nararamdaman mo sa kanya."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Tama, ignore him Dem. Ignoring him will be the only answer para di na lalalim pa itong nararamdaman ko para kay Nathan.
"Lunch break na! Saan tayo kakain?" rinig kong tanong ng kaklase ko sa mga kaibigan niya.
Tuluyan na silang umalis ng classroom at ako na lang ang natitira dito. Plano kong di ako pupunta ng cafeteria, kasi makikita ko lang si Nathan dun. But the problem is, di ko alam saan ako kakain.
Napahawak ako sa tiyan ko ng biglang tumunog ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka sinilip ang labas. May isang lalaking papunta ditong nakayuko kaya tinitigan ko ito ng maigi. Pumasok agad ako sa loob ng classroom nang makilala ko ang pagmumukhang yun. Bakit di ko naisip na pupunta siya dito pag di niya ako nakita dun sa cafeteria?! Kinuha ko ang bag sa upuan ko at binuksan ang isang bintana dito sa room saka dun lumabas. Tumalon ako mula sa second floor at pinagpagan ang palda ko. Saan naman ako pupunta nito?
Napatingin ako sa harap ko at nakita ko ang opisina ng student council, pag sinuswerte ka nga naman. Pumasok ako doon sa loob at umupo sa desk ko.
"Oh pres, lunch break na ah. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Jacob
Umiling na lang ako saka kinuha ang baso sa drawer ko at lumapit sa water dispenser dito. Mabuti na lang di ako nakita ni Nathan dun. Nilingon ko naman si Jacob na nakatingin sa akin na parang nagtataka. Tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang ngumiti sa akin.
"Ay ahh, may aayusin ka pres? Sus kumain ka muna pres, kami na bahala. Tapos na din naman kaming kumain."
"Wala naman, dito na muna ako. I'm not really hungry kaya dito muna ako tatambay." Sabi ko saka bumalik sa desk ko.
"Kaya pala nakaubos ka ng limang basong tubig kasi di ka gutom. Okay pres." Sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinaas niya ang kamay niya bilang pagsuko. I feel like I'm a criminal running away. Di ko alam kung hanggang kailan ako magtatago.
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?