Chapter 6

38 9 0
                                    

Claire's POV


Nandito kami sa dinning area habang kumakain ng almusal namin pero hindi namin kasama si Dem dahil tulog pa siya.

"Ang tagal naman yata gumising ng batang yun.." sabi ni Dad habang nasa newspaper ang mata niya.

Ngumiti naman si mommy sa kanya at kumain ng sandwich. "Hayaan mo na, dad. Baka pagod lang sa flight niya." sabi ni mommy

Nagpatuloy na lang kaming kumain. Hays sana nagustuhan ni Dem yung binigay kong teddy bear.

"Claire why don't you give this to Dem upstairs." sabi ni mom habang tinuro ang tray na may pagkain. Tumango naman ako at kinuha yun.

Umakyat na ako sa taas at pagkadating ko sa pintuan ng kwarto niya ay kinatok ko ito.

"Dem?" Sabi ko at habang kinakatok ko ito.

Tulog mantika nga din pala 'to si Dem minsan, mabuti na lang naalala ko pa. Kinatok ko ulit ito pero wala pa rin akong natatanggap na sagot.

"Dem papasok na ako ha." Sabi ko at binuksan ang pintuan niya.

Pumasok na ako at nilibot ko ang paningin ko sa sulok ng kwarto niya. Paglingon ko sa kama niya ay nandon siya habang nakatalukbong ng kumot.

Nilagay ko muna ang tray sa study table niya at pumunta ako sa gilid ng kama niya. Niyugyog ko siya ng konti para siya ay magising.

"Dem, gising ka muna.." sabi ko

Grabe hindi man lang siya nagising. Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya at nakita ko ang teddy bear na katabi niya.

Napangiti na lang ako bigla pero unti unti rin itong nawala ng makita ko ng tuluyan ang itsura niya.

"Mommy!! Daddy!!" Natatakot kong sigaw habang pilit na ginigising si Dem

Bakit ganito ang nangyari sa kanya? Bakit ayaw niyang gumising? Niyuyugyug ko pa rin siya pero ayaw pa rin.

"Dem please gumising ka." sabi ko habang unting unti tumutulo ang luha ko. Agad akong napalingon sa pinto nang pumasok sina mommy at daddy na humahangos.

"Anong nangyari?" Nag-alalang tanong ni mommy

"Hindi ko po alam. P-pagpasok ko dito sa kwarto niya ay naka-talukbong siya ng kumot. Tapos ayan na po, kahit anong gawin ko hindi siya gumagising." sabi ko

Tinawag naman ni mommy ang maid namin at sinabihan niya ito na tawagin ang doktor.

"Kanino 'to galing?" Tanong sa akin ni daddy

Tinignan ko ang hawak niyang teddy bear. Bakit? Anong meron sa teddy bear?

"Sa akin po dad." sagot ko

Lumaki naman ang mga mata nila ni mommy at nagtitigan sila. "Ugh why did we forgot to tell you?!" Parang naiinis na sabi ni mommy

Okay, she's mad. I can really tell she's mad. Napayuko ako at hinawakang ang kamay ko.

"Tell what?" Tanong ko

"There are side effects once she touches or senses fluffy stuff." seryosong sabi ni mommy

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tinignan ko si Dem na walang malay, Ako ang may kasalanan ng lahat.


Nandito na ang doktor at tinitignan niya ang kalagayan ni Dem. Haays I feel so bad. Anong klaseng kapatid ako at hindi ko alam ang ganung klaseng bagay?

"She's okay now, hindi na katulad nung kanina na nahihirapan siyang huminga at andaming rashes sa katawan niya. Just keep giving her the supplements I gave, then she will be fine." sabi ng doktor

Tumango naman silang mommy at daddy sa sinabi niya.

Nang dahil sa ginawa kong katangahan, napahamak ko si Dem.

"Cheer up Claire, it's not your fault. Nobody wants this." sabi ni mom sa akin

"But still, kasalanan ko pa rin po kasi binigyan ko siya ng teddy bear." sabi ko habang nakatungo at nilalaro ko ang kamay ko.

"It's fine, sweetie. It's just an accident." she said while combing my hair using her fingers to.

Tinignan ko si Dem na wala pa ring malay hanggang ngayon. Sana gumising ka na para makapag-sorry na ako sa ginawa ko.

"Bakit naman kasi tinabi niya pa yung teddy bear? Gayung alam niya naman na nakakasama yung mga ganyan para sa kanya?" Tanong ni mommy kang daddy.

Napatingin naman ako kay mommy dahil sa sinabi niya. Bakit nga ba? Hays sana talaga hindi na ako nag abala pang bigyan siya ng teddy bear kung ipapahamak niya naman pala ito.

"Mom.." sabi ni Dem na kakagising lang

Lumapit na sila mommy at daddy kay Dem, at ito ako, nakatulala lang na nakatingin sa kanya. Hindi ko siya magawang lapitan, parang pag nilapitan ko siya ay anong oras mapapahamak na naman siya. Ayoko nun.

"Pupunta po muna ako sa baba, may kukunin muna ako." sabi ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Dem

Para akong nasusuffocate tuwing naiisip ko yung ginawa ko. Sa susunod magtanong na talaga ako.


Dem's POV


Nakatingin pa rin ako sa pintong nilabasan ni Claire. Tsk I knew this is going to happen.

"Dem, bakit mo tinabi yung teddy bear? Diba alam mo naman ang side effects tuwing nakakahawak ka or malapitan mo ang ganun?" tanong ni mom

Umupo naman ako sa kama ko at nagkibit-balikat. For pete's sake! I just want to be with that bear.

"I just want to be with it mom, it's harmless" sabi ko sa kanya

Nagpa-hilot na lang siya sa sintido niya dahil sa sinabi ko. Wrong move, sermon na naman ang aabutin ko nito

"muhae?! geos-eun mueos ibnikka? uli neun dangsin eul kkaeul su eobsgo dangsin eun geugeos-i muhae malhal su issseubnikka?!" Galit na sigaw ni mommy

(Translation: Harmless?! What do you mean harmless? We can't even wake you up and then you say it's harmless?!)

Napapikit ako sa pag-sigaw niya. Fine it's my fault, I'm not thinking. Huminga naman si mommy ng malalim para medyo kumalma siya.

"Dem please, don't do something that could worry us." Sabi niya at tuluyang lumabas na siya ng kwarto.

I really mess things up. Napatingin naman ako kay dad na naka-upo lang sa sofa. He's so calm with this kind of stuff.

"You better apologize to your mom, she's so worried big time." sabi niya at tumayo na rin at lumabas.

Humiga na lang ako ulit at tinitigan ang kisame. Why am I so stubborn? Maybe I'm just born this way.

Tumagilid naman ako ng higa at nakita ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Claire. Sayang, I can't keep you for long..

____________________________
TBC

A/N:
About sa sakit ni dem, gawa gawa ko lang po yun. Hindi ko po alam kung nag-eexist ba talaga ang ganung sakit.

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon