Dem's POV
"Come on Dem!! Hanggang sa magising lang si Claire." pagkukulit sa akin nung Tricia
They want me to pretend to be Claire. And I could say that it is freaking impossible! Paano ako magpapanggap na siya kung magkaibang-iba kaming dalawa?
"Impossible yang hinihiling niyo sa akin." sabi ko sa kanila
Nilapitan naman ako nitong Tricia at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi yun impossible, kamukhang kamukha naman kayo. Pwede naman natin bigyan ng pansin yang pananamit at buhok mo para magkaparehas na kayo. Kung sa attitude naman." hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumingin siya kay Zhaira
What's in my attitude? Tinaasan ko sila ng kilay. Nilingon naman ako ulit nung Tricia at saka siya nagsalita.
"Pwede ka naman siguro magpakabait ng konti diba?" sabi niya
Inirapan ko siya at binawi ko yung kamay ko sa kanya.
"Dem please, sa paraan na ito makakabawi ka kay claire. Isang malaking tulong itong gagawin mo." Nagmamakaawang sabi sa akin ni Zhaira
Bakit ba parang ang importante nito sa kanila? Why can't they just wait for Claire to wake up?
"Bakit kailangan pang humantong sa pag-papanggap?" tanong ko sa kanilang dalawa
Bumuntong hininga naman si Zhaira saka ako siangot. Kitang kita ko sa kanila na pagod sila. Well, hindi lang naman sila ang pagod. I'm also tired of blaming myself. Pagod akong akuin ang nangyari kay Claire. Oo, hindi ako ang sinisisi nila. Pero sino naman ang aako ng kasalanan? Yung driver ng truck? Tsk lalo namang walang kasalanan yun, ako yung nagdrive ng kay bilis bilis. Nakikita ko sa kanilang lahat na disappointed sila sa akin, dumating lang yata ako sa buhay nila para magbigay ng malas.
"Dem, may importanteng event na inasikaso si Claire sa school. And si Claire ang current president ng student council. Ang event na ito ay importanteng importante sa kanya at gusto niya na maging successful ang kinalabasan nito. Hindi pa alam ng school ang nangyari sa kanyaat pag malaman nila, mawawala ang lahat ng effort at sakripisyo niya. Dahil maraming gustong umagaw sa pwesto niya bilang presidente, they are powerful and strong Dem, halos sa kanila ay malalakas ang kapit sa school at hindi malabong maaring matatanggal sa kanya ang lahat, at ayaw naming mangyari yun. Kaya please Dem, just do this for her. Wala namang kawalan diba? Tutulungan ka naman namin eh, hindi ka namin papabayaan."
Napabuntong hininga ako at sumandal sa couch. They're right, wala namang kawalan. Matatapos din eto pagkagising ni Claire. Pero kakayanin ko nga ba?
"I'll think about it. Tatawagan ko na lang kayo, magpapahinga muna ako." hindi ko na sila hinantay pang sumagot at umalis na ako sa sala at pumunta na sa kwarto ko para matulog.
"Mom bakit ba palagi mo nalang ipinagtatanggol yan si Dem?! Why can't you discipline her?! Parang kinukusinti niyo pa yan sa mga pinag gagawa niya. Mabuti pa at ipadala mo siya ulit dun sa korea para magkasilbi din yan."
"Angelo Bryan! Baka nakakalimutan mong nanay mo ako. Bry, kapatid mo din yan si Dem. She just needs our support, nahihirapan din yang kapatid mo. geunyang geunyeo leul ihaehae jusibsio." (Translation: Just please understand her)
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. Alam ko namang kasalanan ko, do I really need to prove to everyone na hindi ko sinasadya?
Medyo hindi ko na narinig ang sinasabi nila, siguro umalis na sila. Bumangon na ako sa kama ko at binuksan ko yung lamp na katabi ng higaan ko at nakita ko na ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa.
Ano nga ba number nun? Pumunta ako sa contacts ng cellphone para hanapin ang number niya. Siguro ito yun. Dinial ko ito at nagriring naman sa kabilang linya.
"Hello?" obvious na obvious na kakagising lang nito
"Papayag na akong magpapanggap bilang si Claire." sabi ko saka pinatay na ang tawag
Gagawin ko ito para kay claire, para kakahit paano ay makakabawi naman ako sa kanya. At para na din sa sarili ko. I need to be someone that I'm not, hindi naman siguro yun mahirap diba?
______________________________
TBCEdited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?