Dem's POV
"Pres may na-contact na akong mga performers para sa foundation day. At eto na po yung mga pwedeng maka-attend."
Kinuha ko naman sa junior representative ng council ang papel na lista ng performers na magpe-perform. These names are not familiar to me pero atleast may pumayag. Binalik ko na sa kanya ang papel at nginitian ko siya.
"Ok na ito, pero keep on contacting some artists. We should have atleast 2 performers every night. Bale 10 lahat ang ating performers." tumango naman siya at umalis na siya sa harapan ko
Nandito ako ngayon sa classroom namin at kasalukuyan kaming gumagawa ng decorations para sa booth namin. Napag-isipan ng mga kaklase ko na ang gagawin daw naming booth ay café, since marami daw talagang students na mahilig sa kape at sweets. Binigyan na din kami ng vacant ng teachers para sa mga preparations sa foundation day.
"Claire pa favor naman oh." Sabi ng isang kaklase ko
"Ano yun?"
"Pwedeng ikaw na mag calligraphy nitong signage natin? Wala talaga akong talent niyan eh. Alam ko namang mahilig ka talagang mag callig, kaya thank you ha!" sabi niya at nilagay niya sa desk ko ang isang cardboard
The heck?! Gusto kong magmura dahil sa ginawa niya, pero anong magagawa ko? Hawak ko na ang cardboard at kumaripas na siya ng takbo. Hindi ko nga alam kung ano yang calligraphy na yan!
Nilingon ko sinang Tricia at Zhaira na kakadating lang. Kumunot naman ang noo ni Tricia ngunit lumapit din siya.
"Oh ba't?"
"Ano yung calligraphy?"
Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay din silang tumingin sa akin
"Di mo alam yun? Parang hand-lettering lang yun."
"Oo, di ko alam kung pano yun. Binigyan ako ng cardboard at ako daw ang mag calligraphy sa signage ng booth."
Nanlaki ang mga mata ni Tricia habang si Zhaira naman ay parang may kinakalikot sa cellphone niya. Pwede naman sigurong iprint diba?
"Oh yan. Kumuha ka ng ideas dyan at ikopya mo. Ayusin mo ha, maraming may alam na magaling si Claire mag callig." Sabi ni Zhaira at may ipinakita siyang mga example sa phone niya
Kinuha ko naman ang cellphone niya at pumili. Ang dami naman nito at ang complicated pa ng mga letters. Kumuha muna ako ng papel at nag try. Marunong naman akong gumuhit pero mga kung ano ano lang.
Nasa likod ko lang ang dalawa at tahimik lang silang nakatingin sa akin. Ginawan ko ng calligraphy ang pangalan ng section namin gamit ang isang nakita kong parang font.
Nang matapos ako ay pinakita ko iyon sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Zhaira saka nag-thumbs up siya sa akin.
"Marunong ka naman pala. Edi wala na tayong problema. Pero teka sinong nagbigay sayo ng cardboard?" sabi ni Tricia
"Yung kaklase nating palaging naka-pony tail, nakalimutan ko ang pangalan niya. Humingi siya ng pabor sa akin, pero hindi pa man ako nakapayag binigay niya na kaagad at kumaripas na siya ng takbo."
Umiling iling naman si Tricia saka niya ako inakbayan "Kahit ang motto niyang si Claire ay 'Never say no', wag kang papayag dun sa pabor nila lalo na't alipores yun ni Ana. Pano na lang at kahit anong kopya mo dyan sa phone ni Zhaira hindi mo pa rin magaya? Edi patay tayo." Mahinang sabi niya
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?