Chapter 20

32 4 0
                                    

Dem's POV


"Thanks for the lunch!" nakangiting sabi ni Anthea kay Nathan

Hinatid kami ni Nathan dito sa booth namin at tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Tss nalalasa ko pa din ang gulay sa bibig ko.

"No problem. Alis muna ako ha, kita na lang tayo mamaya sa live band." Sabi niya saka tumingin sa akin

Ngumiti na lang ako sa kanya at umalis na siya sa harapan namin. Nang mawala na siya sa paningin namin, nakahinga ako ng maluwag at tinignan ko silang tatlo.

"Alam mo naman siguro na ang peke nung pag-ngiti mo kanina diba? Tsaka alam mo naman na ang obvious nung pag-ayaw mo sa gulay 'no?" sabi ni Tricia

Malamang alam ko na sobrang peke nung pag-ngiti ko! Eh sino naman kasing normal na tao ang maka-ngiti sa sitwasyon na yun?! And obviously ayaw ko sa gulay, hindi man lang ako tinulungan ng kahit ni isa sa kanila. Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan ko si Anthea na busy na naman sa pag-kain ng lollipop niya.

"Ikaw? Hindi ka pa ba aalis?"

Umiling siya bilang sagot sa akin. Wala na nga akong magagawa, ang hirap paalisin niyan. Bahala siyang mainip diyan.

Papasok na sana ako ng booth namin ng biglang nagsalita si Tricia

"Please, wag kang mahulog kay Nathan. Ayaw naming masaktan na naman si Claire, Dem."

Kahit hindi nila sabihin, hinding hindi ako mahuhulog dun. Ayaw ko din naman masaktan ang kapatid ko.

Tumango ako sa sinabi niya at tahimik kaming pumasok sa booth at dumadami na nga ang mga costumers na kumakain dito. Tumulong na kaming tatlo nina Tricia sa pag-serve habang si Anthea naman ay tumutulong siya sa pag-gawa ng desserts. Grabe ang ginawang pangungumbisi ni Anthea sa mga classroom officers namin para lang maka-tulong siya, sinabi niya pang hindi na niya kailangan ng sweldo o kahit na ano basta maka-tulong lang siya.

Naging abala kaming lahat sa ginagawa namin at ayon sa treasurer ng section namin, medyo malaki na daw ang kita namin. Mabuti naman kung ganun.

"Waaaaaah natapos na din!" sabi ni Anthea saka hinubad na niya ang apron na suot niya

Hinubad ko na din ang apron ko at nilagay ko ito sa cabinet ng room. Hindi pa natatapos yung mga trabaho ko ngayon. Kailangan ko pang icheck ang mga sound system at artists para mamayang gabi.

"Eh sino ba kasing nagsabing tumulong ka?" nakameywang na sabi ni Tricia sa kanya

"Duh di yun bukal sa loob ko 'no. Mas maganda na yung may matutulungan ako." Sagot naman agad ni Anthea

Kanina pa talaga ang dalawang yan. Laging magkaka-sagutan pero sa huli magkakaintindihan din naman. They've become very close in a short period of time.

"Aalis muna ako, may gagawin pa ang council." Pagpapaalam ko sa kanina

"Kita nalang tayo mamaya sa live band!" sabi ni Anthea nung papalabas na ako sa pinto


"Pres na set-up na po namin ang mga sound system. Yung mga artists naman natawagan na din, at papunta na daw sila. Na-test na din po namin ang lahat ng ilaw. Yung instruments na lang po yung kulang, pero wag kayo mag-alala kasalukuyan na itong kinukuha ng ibang council sa music room." sabi ni Jade sa'kin

Nandito kami sa harapan ng stage na sinet-up sa school grounds. Ginagawa na ng iba pang student council ang finishing touches sa buong lugar. Nilibot ko ang tingin sa paligid ng school grounds, it's almost perfect.

"Yung pagkain ng mga artists, nahanda na ba?" tanong ko sa kanya

"Iseset-up na yun ng mga cater boys mamaya pag dumating na ang mga artists, pres. Pwede na din tayo kumuha dun since medyo marami naman yun."

Tumango na lang ako ulit sa sinabi niya. I don't know why, pero parang kinakabahan ako. Kanina ko pa ito nararamdaman nung papunta ako dito sa grounds. Siguro wala lang ito.


"Are you ready?!" Sigaw ni Jacob sa harapan

Silang dalawa ni Jade ang emcee ngayong gabi kaya sobrang ingay ng mga students, at ngayon ko lang din nalaman na shiniship pala ang dalawang yan. Pero hindi naman daw nila sineseryoso yun. Nandito ako kasama ang iba pang student council sa backstage at nag-aassist kami dito sa mga artists.

"Good evening po, pwede po kayong kumain ng pagkaing andito sa harapan niyo. If you need anything, pwede niyo akong tawagin o yung mga kaparehas ko po ng jacket. Thank you for accepting our humble request and please enjoy the night." sabi ko sa kanila

Umalis na ako sa harapan nila at pumunta na ako sa isang malapit na upuan. Umupo ako dito at hinillot-hilot ko muna ang mga paa ko. Kaninang hapon pa pala ako nakatayo.

"Pres pumunta ka na dun sa harapan kami na bahala dito. Mag-enjoy ka muna, wala namang gagawin masyado eh." Nakangiting sabi sa'kin ni Diamond.

Aayaw sana ako ng biglang may nag-text sa'kin. Umalis na siya sa harapan ko kaya tinignan ko ang phone ko.

Nasan ka na?! Nandito na kami, punta ka dito daliii

Napa-irap na lang ako sa sinabi ni Anthea at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nagsimula na palang kumanta yung mga artists, akala ko di kasama yang babae sa banda nila. Siguro nagco-collab sila.

Bumaba na ako sa backstage at pumunta na ako sa harapan. Andami nga namang tao ngayon, nakiki-kanta na din ang mga tao sa mga artists ngayon.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan? Kung hindi ikaw ay hindi na lang pipillitin pang umasa para sa'ting dalawa."

Pilit kong nililibot ang mata ko sa paligid ngunit hindi ko pa din sila nakikita. Patuloy akong lumalakad sa kumpulan ng mga tao. Asan na ba sila?!

"Giniginaw at hindi makagalaw. Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw."

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang humila sa'kin. Handa na akong patayin kung sino man 'tong humila sa akin ng maaninag ko ang mukha niya.

"Kung di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli. Kung di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso 'kong ibigin ka?"

Magkaharap kami ngayon at nakangiti siya sa akin habang hawak niya pa din ang isa 'kong kamay na ginamit niya sa paghila sa'kin.

"Hey.."

"H-hey..." yun na lang ang nasabi ko sa kabila ng gulat na nararamdaman ko

Nanatili pa din kami sa posisyon na yun. He remains to stare at my eyes with a genuine smile plastered on his face. I don't know why I felt guiltiness right at this moment.

He breaks the distance between us and he leans his face towards mine. Parang nakabaon ang mga paa ko sa lupa at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Mas naging malapit ang mga mukha namin at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Lord not now.

I felt that he stopped from moving towards me. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko ng maramdaman ko ang isang mainit na labi na nakadampi sa noo ko.

"Nothing lasts forever, Claire. But I want to be your nothing in this world full of temporary feelings."


______________________________
TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon