Chapter 9

37 6 0
                                    

Claire's POV


Monday na at as usual, nasa school na naman ako. Nandito ako ngayon sa room namin habang tinitignan ang calendar of activities ng school namin.

Trabaho ko kasi yun, because I am the president of the student council this school year. And kailangan kong mag isip ng mga bagay na pwede kong gawin sa mga events.

Nawala ang mata ko sa schedule nang may biglang may lumapat na malamig na bagay sa pisngi ko. Paglingon ko ay si Zhaira at Tricia lang pala.

"Seryoso mo naman miss pres, oh yan juice at sandwich. Hindi ka kasi sumama sa amin mag break eh." sabi sa akin ni Zhaira habang pinakita yung dala niyang sandwich at juice

I apologetically at them, "Aww ang sweet niyo naman. Thanks pala, pero may hinatid na si Nathan sa akin eh." Sabi ko sa kanila at pinakita yung lunchbox ko.

Napatingin sila dalawa sa isa't isa at napatango-tango at nakangising lumingon sila sa akin.

"Hindi mo na pala 'to kailangan, binigyan ka na ng prince charming mo." Nang-aasar na sabi sa akin ni Tricia

Ngumiti naman ako sa kanila at kinuha ko yung sandwich at juice. "Kakainin ko na nga lang din 'to. Para fair diba?" Sabi ko sa kanilang dalawa

Nginitian lang nila ako dalawa bilang sagot. Binalik ko naman ang paningin ko sa calendar of activities at ininom ko yung juice na binigay nila.

Ano kayang susunod na activity ngayon? Kakatapos lang kasi ng second quarter namin, and masyadong naging tutok ang mga students sa acads nila kasi wala namang calendar activities noong second quarter..

"Ano nga ang last natin na activity?" Tanong ko sa dalawa

Tumingin na din sila sa calendar of activities at sabay namin hinanap ang last na activity ng school.

"Nutrition month ata." sabi ni Zhaira

"Hindi kaya, UN yung last." sabi naman ni Tricia

Tiningnan ko ang sinabi nilang mga activities sa calendar. Yung UN yata talaga ang last na activity na nangyari sa school, which is 2 months ago.

"So ang susunod na Claire ay. Ahh ito oh! Foundation day na pala next next week." sabi ni Zhaira

Oo nga pala. Dapat ito yung pinaka memorable dahil importante ito kina daddy kasi ito yung araw kung kailan nagawa yung school.

"Anong plano mong gawin?" Tanong ni Tricia sa akin

Ano nga ba ang magandang gawin namin? Magpapa-tawag na lang ako ng meeting sa lahat ng officers ng student council.

"Hindi ko pa napag-isipan, basta ang alam ko dapat memorable ito sa lahat especially kina daddy. Pupunta muna ako ng office namin, sasabihin ko muna sa kanila." sabi ko sa kanila

Pagkasabi ko nun ay kinuha ko na lahat ng gamit ko at lumabas na papuntang office ng student council.


Nasa labas pa lang ako at may narinig na akong ingay mula sa loob. Hays here we go again.

"You whore! Wala ka talagang ibang magagawa 'no kundi ang manguha ng hindi sayo? Kati mo talaga! Pagkatapos mong ahasin ang boyfriend ng bestfriend ko, yung boyfriend ko naman ang inahas mo?!" Sigaw ng isang babae

Ano na naman 'to? Another case to handle na naman.

Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa table ko at lumapit sa table kung saan nandun yung babae at ang isa pang babae kasama ang vice president namin.

Paglapit ko pa lang sa kanila ay bigla nang tumayo ang vice president namin mula sa kinauupuan niya at nilapitan ako.

"Dito ka na nga pres! Ang gulo na talaga nitong dalawa eh! Jusko mauubos na yata ang lahat ng pasensya ko sa katawan ko" sabi niya at pinaupo niya ako

Pagkaupo ko ay tinignan ko naman ng maigi yung isang babae. Nandito lang 'to last month ah.

"So, ano na naman ba ang nangyayari dito?" Mahinahong tanong ko sa kanila

Kailangan ko talagang maging mahinahon kasi mahirap na at sabayan ko pa ang init ng ulo nitong isa.

"Eh yan kasi pres! Inahas lang naman boyfriend ko. Like duh! Hindi na talaga siya nakakapag-tigil diyan sa pangangahas niya!" Galit na sabi nung babae

"Ilang beses ko pa ba dapat ulitin na hindi ko inahas yang boyfriend mo! Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya, duh kasalanan ko ba kung lapit ng lapit sa akin yan? Yang boyfriend mo ang pagalitan mo!" Sabi rin nung babae na palaging napupunta dito sa office namin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan silang dalawa.

"Alam niyong dalawa, pwede niyo naman kasi iyan idaan sa kalmadong usapan, dahil lahat tayo dito ay walang patutunguhan kung yang galit niyo agad ang pangungunahin niyo. At ikaw naman, hiwalayan mo boyfriend mo. Di yan magpapansin sa iba kung seryoso siya sa'yo." sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumahimik naman sila at tila nag-iisip. Mabuti naman at tumahimik din sila.

"Oh ano? Tatahimik lang kayo? Kung wala ng problema, umalis na nga kayo." sabi ni Jade sa kanila, vice president namin.

Padabog na umalis yung babaeng nagrereklamo at sumunod naman yung isa pang babae. Tumayo na din ako at pumunta na sa table ko.

"Hay naku pres! Ba't ba kasi dito pinapunta yung mga gulo sa school kung pwede naman sa guidance dederetso?" Giit sa akin ni Jade

Bumuntong hininga naman ako sa kanya saka nagsalita "Ganun kasi ang protocol, tayo ang mag aayos hanggang sa makakaya natin. Pero pag di natin maayos, ipapadala na natin sa guidance."

Tumango tango naman siya sa akin. Nilibot ko ang paningin ko nang mapansin kong medyo tahimik ang opisina than usual. "Jade, asan si Jacob?" Tanong ko rito

Hindi pa nakasagot si Jade ay biglang pumasok na ng office si Jacob, student council secretary namin.

"Yiieeee si pres, namimiss ako." sabi ni Jacob sa akin

Tumawa ako sa sinabi niya habang inismiran naman siya ni Jade.

"Duh si pres, mamimiss ka? May Nathan na yan wag kang malandi." sabi ni Jade kay Jacob

"Asus wag ka na magselos babe, binibiro ko lang naman si pres." tugon naman ni Jacob

Napapatawa na lang talaga ako pag palagi silang ganyan, asaran dito, asaran doon. Inirapan naman siya ni Jade at umalis na. Prenteng umupo si Jacob sa harap ng table ko nung umalis na si Jade.

"So bakit mo 'ko hinahanap pres? Nag break na ba kayo ni kuya Nathan? Sabi sa'yo pres eh, ako nalang." biro niya sa akin

Umiling naman ako sa kanya at umupo na din ako sa upuan ko.

"Puro ka na naman biro Jacob. Hinanap kita kasi gusto kong mag set ka ng date ng meeting natin para sa dadating na foundation day." sabi ko

Tumango naman siya at tumayo na siya sa kinauupuan niya.

"Yun lang pala pres! Geh aayusin ko na yan." sabi niya at umalis na

Tumayo na din ako at kinuha ko ang mga gamit ko saka bumalik na ako agad sa klase namin. I really hope for a successful foundation day.

________________________
TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon