Chapter 5

61 8 0
                                    

Claire's POV


Naka-upo na kami sa sofa at kinakausap nila mommy at dad si Dem. Ang dami yata ng pinag-bago niya. Sa tingin mo palang may mapapansin ka ng kakaiba sa kanya. Yung kulay ng buhok niya naging red siya. Yung makeup niya ay parang eyeliner nga lang eh. At yung pananamit niya, ang layo sa mga suot kong dress at skirts, naka-ripped pants at simple loose shirt siya.

Pero sana naman kahit konti hindi nagbago yung ugali niya. Kahit na sobra niyang taray sa iba, sa aming pamilya niya ay nagagawa pa rin niyang ngumiti at kausapin kami.

Sa totoo lang, na miss ko naman talaga si Dem. Pero hindi ko siya magawang kausapin, parang naninibago kasi ako kung pano ko siya ia-approach.

"So kumusta ang mga studies mo?" Tanong ni Dad sa kanya

Hawak niya ang cellphone niya na tila may kinakalikot siya dun. I salute my parents' patience, other parents would scold their children endlessly if they would saw how Dem behave

"Okay lang naman po." maikling sabi niya habang nasa phone pa rin ang atensyon niya

Napatingin naman ako kay mom at dad na naka-tingin na sa akin. Sinenyasan nila ako na kausapin si Dem. Napalunok ako at umiling iling dahil hindi ko alam paano simulan. Mas lalo nilang tinodo ang pagsenyas, pero mas lalo rin akong umiling.

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin kay Dem na naka-focus pa rin sa phone niya. Okay inhale exhale, inhale exhale, inha-

"Ma'am's, sir, Dinner is ready." sabi ng maid at umalis na ito.

Tumayo na sila at ito ako, naputol ang pag-hinga ko. Tinapik naman ni mommy ang balikat ko at sinenyasan niya akong okay lang, tumango naman ako at sumunod sa kanila..

Ano nga ba ang kinakatakot ko kay Dem eh magkakambal naman kami ah! Tama, wala dapat akong tinatakutan.

Naka-upo na sila sa upuan nila. Pagdating ko ay sinenyasan ako ni mommy na dun umupo sa tabi ni Dem. Tumango na lang ako kay mommy at tumabi kay Dem, na nakatingin pa rin sa phone niya at parang hindi man lang niya nararamdaman na nandito ako sa tabi niya.

"Omo! Look at them, dad! They look incredibly the same!" Sabi ni mom na nakaturo sa amin ni Dem

I awkwardly smile at them. Okay, I don't know how to react.

"Obviously mom, we're twins. That's why we both look alike." sabi ni Dem na nakatingin pa rin sa phone niya

So she noticed me pala after all. Pero parang ang sarcastic naman ng pagkasabi niya dun.

"Dem, don't forget that I am still your mother." seryosong sabi ni mom kay Dem

Nawala ang tensyan sa paligid nang dumating bigla si kuya at hinalikan si mom sa pisngi. Narinig ko naman ang mahinang 'tsk' ni Dem. Mom clasped her hands and exclaimed "Great! Dahil kompleto na tayo let's eat!"

Ibinaba naman ni Dem ang phone niya at tinignan niya ang mga pagkain na nakahain sa harapan.

"These were all my favorites." seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga pagkain.

Ngumiti naman si mommy sa kanya at nilagyan ang pinggan ni Dem ng kalderetang baboy at beef steak.

"Of course! Alam namin na favorite mo pa rin ang mga yan. So eat up." sabi ni mommy sa kanya.

Tinignan naman ni Dem si mommy at nag-thank you. Nagsimula na rin kaming sumandok ng pagkain sa harapan.

"Dem, we've prepared your room kanina pa and inilagay na rin ng mga maids ang mga gamit mo." sabi ni mom sa kanya

Tumango lang si Dem bilang sagot dito. Naalala ko bigla ang teddy bear na ibibigay ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya habang siya ay seryosong kumakain. Sana magustuhan mo yun, Dem.

"Mwo?" Tanong niya (Translation: What?)

"Amugeosdo.." sabi ko at nag iwas ng tingin (Translation: Nothing..)

Nakakahiya yun ah. Nagpatuloy akong kumain na parang walang nangyari.

"Claire, when will you formally introduce Nathan to us? We haven't invited him here, right?" Tanong sa akin ni mommy

Napatigil naman ako sa pagsubo at tumingin kay mommy. Binaba ko ang mga kamay ko sa aking mga hita nang napatingin sila sa akin, well except ni Dem na patuloy lang na kumakain.

"Uhh titignan ko po kung kailan siya available para makapunta dito." sabi ko

Tumango tango naman sila sa sinabi ko at nagpatuloy na sila sa pagkain. Biglang tumayo si Dem at lalabas na sana siya ng tinawag siya ni mommy.

"Dem, san ka pupunta? Hindi mo na ba uubusin ang pagkain mo?" Tanong ni mommy

"Hindi na po. Sa kwarto muna ako." sabi niya at umalis na siya

Naging tahimik kaming lahat dahil sa pag alis ni Dem. Siguro by now nakita na ni Dem yung teddy bear na nasa kwarto niya. Sana talaga magugustuhan niya yun.

"Tsk kahit kailan talaga." pagbabasag ni kuya Bry sa katahimikan

Sinamaan naman siya ng tingin ni mommy dahil sa sinabi niya. Parang alam na ni mommy kung ano ang sasabihin ni Kuya bry.

"Bry, just be good to your sister. Okay?" Tanong ni Dad sa kanya

Bumuntong hininga naman siya at tumango kay dad. Nagpatuloy na kaming kumain at pumunta na rin kami sa sariling kwarto namin.

Habang naglalakad ako papuntang kwarto ko, huminto muna ako sa pinto niya at tiningnan ito. Sana magustuhan niya talaga yung teddy bear..

Aalis na sana ako ng marinig kong may bumahing. Nilingon ko ulit ang pinto niya at dinikit ko ang tenga ko, hmm imagination ko lang yata yun. Umalis na ako at pumunta na sa kwarto ko.



Dem's POV


Pumasok na ako sa kwarto ko at tinignan ko ang kabuohan nito. Wala ngang pinagbago. Pastel pa rin ang color ng mga pader.

Humiga na ako sa kama ko at tinignan ang kisame. Kelan kaya ako babalik ng Korea? Ayaw ko ng tumagal dito.

Bumangon ulit ako at nilibot ang paningin ko hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang teddy bear.

Nilapitan ko ito at hinawakan ang nakaipit na letter dito.

Welcome home Dem.

Love, Claire

Napangiti naman ako. Naalala niya pa rin pala. Niyakap ko ito pero agad din akong lumayo dahil unto unting lumalabas ang allergy reaction ng katawan ko.

Tsk hindi ko akalaing hindi pala alam ni Claire na bawal ako sa ganitong bagay. Pero kahit na, I will keep this thing for the meantime.

____________________________

TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon