Dem's POV
"Here's your order ma'am." Sabi ko saka nilapag ang cake na inorder niya
Tsk from student council president to waitress, grabe ang dali nga naman. Bumuntong hininga na lang ako at binitbit ko na yung tray patungo sa inventory ng booth namin.
"Woooh di nga tayo nagkamali sa booth natin. Kahit unang araw pa lang ang dami na nating costumers. Keep up the good work everyone." Sabi ng section president sa amin
Nakita ko namang umirap si Tricia sa gilid ko. Ano na namang problema nito?
"Kung makapag-salita eh hindi naman tumulong. Kain pa ng kain jusko! Hindi man lang nagbayad ng kahit one-fourth sa kinain niya! Dumbbell ka ghorl?!" parinig agad ni Tricia nung umalis na ang president namin
Tumawa naman si Zhaira at tinapik nalang ang balikat ni Tricia. Well, tama naman ang sinabi niya. Kanina ko pa napapansin na lamon nga ng lamon yun tapos hindi pa tumutulong sa pagse-serve. Pero ano yung term na dumbbell? Diba nasa gym lang yun?
"Claire, paki-serve itong dalgona coffee dun sa table number four." tumango na ako sa isa kong kaklase at kinuha ko na yung order
Habang palapit ako sa mesa ay parang pamilyar ang likod ng babaeng 'to. Baka guni-guni ko lang 'to. Pero parang pamilyar nga, hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Umiling na lang ako at tuluyan na akong lumapit sa kanya. Inuulit ulit ko pang hinahanda ang ngiti ko, psh hindi pa rin nag iimprove.
"Here's your dalgona—coffee ma'am" napawi ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko
Kaya pala pamilyar ang babaeng ito.
"Ooh since when did you became a waitress, nae chingu?" sabi niya at sumipsip siya sa kape na binigay ko
Inirapan ko siya at akmang aalis na ako nang bigla niyang hawakan ang braso nito. Kumunot naman ang noo ko at tinignan ko siya. Wag lang siyang magkamaling sabihin ang pangalan ko, baka madami ang makarinig.
"Yah Dem-ssi! Why are you here? Ikaw nga yung nakita ko kanina, aigoo my eyes never betray to me. Pero ba't ba bigla kang nawala? Akala ko umuwi ka na ng korea ng hindi mo sinabi."
Napapikit ako ng mariin sa sinabi. Ba't niya sinabi ang pangalan ko?!
"Uhm is there something wrong here, miss?" tanong ng kakarating na Zhaira
Tumayo naman ka-agad si Anthea at hinila niya ako patungo sa likod niya. God nagiging praning na naman siya.
"Why is she here? She doesn't study here! Oh my gosh! I'm gonna call-" agad kong tinakpan ang bibig niya at hinila ko siya patungo sa patagong bahagi ng inventory ng booth
"You know that you're overreacting right? I'm not who I am here. Remember my twin? I am her right now. So, wag mong babanggitin ang pangalan ko." Mahina kong sabi sa kanya
Dahan dahan naman siyang tumango at tinignan niya ang mga tao sa paligid. Mabuti na lang at madali itong makakaintindi. Huminga ako ng malalim at hinila ko na siya pabalik sa lamesa niya. Pero bago siya umupo nagsalita muna siya.
"Hehe I thought you were someone I knew, sorry." Malakas niyang sabi saka tinapik ang balikat ko at umupo na siya sa upuan niya
Kinuha ko na ang tray kong naiwan at pumunta sa kinaroroonan nina Tricia. Pareho silang dalawa ni Zhaira na nakatingin kay Anthea na umiinom ng kape niya.
"Grabe malapit na yun. Ka-ano ano mo yun? Grabe din siya eh 'no, namukhaan ka agad niya." tanong agad sa akin ni Tricia
Lumingon naman ako kay Anthea at lumingon din siya sa gawi namin at nag-wave pa. Bihira nga naman talaga ang mata ng babaeng yan. Ang sensitive din ng pandinig niyan. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ko ang cellphone ko. At hindi nga ako nagkakamali, nag text si Anthea.
"Kaibigan ko." sagot ko kay Tricia
Binuksan ko ang text ni Anthea at napairap ako sa nabasa ko.
Hindi ko alam kung bakit ka nagpapanggap bilang kakambal mo, but treat me naman. Ikaw ha nakakita ka na ng bagong friends. Hmmp! But still treat me anyway.
Tinago ko ulit ang cellphone ko at tinignan ko ang kinaroroonan niya. Ba't siya tumayo? Lumapit siya sa gawi namin at ngumiti siya sa amin.
"Hi! I'm really sorry about earlier. She really looks like my friend kasi eh. Oh my how-"
"Quit it, alam nila kung sino ako." Pagputol ko sa kanya
Nanlaki naman ang mga mata ni Anthea at napahawak siya sa kanyang bibig. Naiilang namang ngumiti si Zhaira sa kanya.
"Omo omo omo! New friends!" sabi niya saka pumagitna kila Zhaira. Kumapit pa siya sa mga braso nito.
Ako talaga ang nahihiya sa pinag-gagawa ng babaeng nito. Mabuti na lang at walang lumilingon dito sa pwesto namin. Bumitaw naman siya kina Zhaira at sa'kin siya kumapit.
"Yah Dem-ssi lumabas tayo dito sa booth niyo. Let's visit other booths naman oh, sige na please." sabi niya saka kumapit sa braso ko
"Hindi pa tapos ang shift ko." pagsisinungaling ko sa kanya
Sumingkit naman ang mga mata niya saka bumitaw sa braso ko. Napa-irap ako sa ginawa niya, iba din talaga ang senses ng babaeng ito.
"Don't lie to me. Sige na tara na!! Isasama natin itong dalawa mong friends para masaya! Pero ano nga mga names niyo? I'm Anthea nga pala."
"Zhaira"
"Tricia"
Nilahad naman ni Anthea ang kamay niya at nag-kamayan na sila. Ngumiti namang humarap sa akin si Anthea saka niya ako inakbayan.
"So what are we waiting for? Tara na!" at hinila niya na ako palabas ng booth namin
Wala na nga akong magagawa. Nagpahila na ako sa kanya habang sina Tricia naman ay nakasunod lang sa likod namin.
Huminto kami sa isang booth na may mga candy na binebenta. Si Anthea talaga ang may kailangan dito, naubos na daw ang baon niyang matamis. Kaya ang hyper ng babaeng 'to. Pero madalas hindi na yan kumakain ng matamis dahil sumasakit na ang ngipin niya.
"Omo, is this a new flavor?! I should buy-"
"Claire?"
Napahinto kaming lahat sa biglaang pagsabat ng isang boses galing sa likod namin. Lumingon ako sa tumawag sa akin at gulat akong napatingin sa kanya. Shit bakit nakalimutan ko ang isang 'to?!
_________________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?