Dem's POV
Napatingin ako sa cellphone kong biglang tumunog habang nagbya-byahe kami pauwi ni Nathan. Agad ko itong sinagot at nilagay sa tenga ko.
"Where the heck are you?"
"Oppa.." napabuntong hininga ako sa tono ng pag-salita ni kuya.
"I'm asking where the heck are you Dem? Sagutin mo ako para malaman kong susunduin ba kita o ikaw mismo ang pupunta dito."
"Bakit?"
"May progress na kay Claire. So where are you?" I can sense that he's getting impatient now.
"Ako na lang mismo ang pupunta diyan."
"Okay, take care." Sabi niya saka binaba ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako saka sinandal ang sarili ko sa upuan. There's progress on Claire. I hope it's a good one.
"May problema ba?" tanong nitong katabi ko.
Nilingon ko siya at naalala ko na naman ang nangyari kanina. My face heated by the memory of what happened earlier. My mind was not at its proper function! I should've pushed him. Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya.
"Uhh family matters lang. Pwede bang sa hospital mo na lang ako ihatid? Andun kasi sila kuya."
He nods to me and he drifted his eyes on the road. I really hope it's a good progress.
Dumating na kami sa ospital at bababa na sana ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya at napansin kong may inaabot siya mula sa likod. Nilahad niya sa akin ang isang jacket na tiyak akong sa kanya.
"Wear this, medyo malamig ang hangin ngayong gabi. Baka magkasakit ka pa."
Tinanggap ko na ito at pinasalamatan ko siya. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam na ako sa kanya. Nang mawala na siya sa paningin ko, sinuot ko na ang jacket saka tumakbo papunta sa kwarto ni Claire.
Nadatnan kong nakatayo lang si kuya sa labas ng kwarto ni Claire kaya dali dali akong lumapit sa kanya.
"Kuya." Pagtawag pansin ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at minuwestra niyang umupo muna sa bench na katabi niya. Sinunod ko naman siya at hinintay kong magsalita siya.
"She's improving. She's sometimes responding. Konti na lang ay gigising na siya, but we're not sure yet if walang mangyayaring complications sa pag-gising niya."
She's responding. Malapit na siyang magigising. Things will eventually go back to where it belong. I have mixed feelings, I'm glad that there's progress. At the same time I'm sad, bilang na lang ang araw ko sa buhay na ito. Bilang na lang ang araw na makasama ko si Nathan.
Another day has come at naglalakad na naman ako dito sa corridor ng school. I'm not in a good mood today, Claire's condition worsen last night. Mabuti na lang at naagapan agad. Lahat kami sa bahay ay halos wala nang tulog dahil sa nangyari.
"Oh the great president is here." Biglang pag sabi ni Ana
Kakarating ko lang sa room at mukha niya na agad ang makikita ko? Why is she even here? This is not her classroom. Kung andito siya para inisin ako, subukan niya lang. Matagal nang hindi pa nagigising ang demonyo kong ugali dahil sa pag-papanggap ko.
"Akala ko ba mabait at welcoming itong president niyo? Ba't parang hindi naman." Pagtutukso niya sa akin
Nilagpasan ko na lang siya at dumiretso sa upuan ko. Lahat ng atensiyon ay nasa aming dalawa, tahimik lang ang lahat and nobody dared to talk.
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?