Nathan's POV
I watched her back as she walked away from me. Gusto ko siyang pigilan, pero wala akong karapatan para gawin yun.
Umupo ako ulit sa buhangin at tinignan ang araw na sumisikat na. I have no regrets, nasabi ko sa kanyang mahal ko siya. Now, all I have to do is patiently wait. Hihintayin ko siya kahit gaano pa katagal yan.
Pinikit ko ang mga mata ko at unti unti kong inaalala ang unang beses naming pagkikita.
"Grabe ang laki pala talaga ng arena nila dito sa Korea, bro."
Tumango tango ako sa sinabi ni Nicholie, one of my closest friends. He really looks like he has some large connections. Nag-research ako, at nalaman kong exclusive lang ang event na ito sa mga magagaling at ma-impluwensiyang car racers dito sa Korea. Maswerte na lang kaming dalawa ni Nicholie sa pagtapak pa lang dito sa arenang ito.
"Marunong ka naman diba? I signed you up, opportunity na din 'to. And if di ka naman mananalo, ayos lang. Atleast may experience ka sa ganitong kalaking arena."
Muntik ko na siyang masuntok dahil sa sinabi niyang iyon. Akala ko ba manonood lang kami? Mabuti na lang at marunong ako ng konti, Nicholie and his mischiefs.
"Bakit hindi na lang ikaw ang sumali?" tanong ko sa kanya
"Kabahan ka nga sa sinasabi mo. Baka malaman ni mommyla, alam mo namang ayaw nun ng ganito. Hindi ako mamatay dito, sa sermon ako ni mommyla mamatay."
Natatawang naiiling ako sa sinabi niyang yun, tiklop din pala sa lola niya. Napalingon ako sa isang babaeng sumalubong sa amin ni Nicholie, a staff maybe.
They started talking to each other in a different language. Binaling ko na lang sa ibang direksiyon ang paningin ko at tinignan ang paligid. Everyone is busy preparing themselves and their respective luxurious sports cars. Napatingin ako sa isang babaeng may kausap ding staff na kagaya ni Nicholie, don't tell me kasali siya?
"Bro, alagaan mo yang kotse ko ha. Wag mo masyadong ibangga sa iba, bahala na kung nasa huli ka na, basta wag mong damihan ang damage."
Inalis ko na ang tingin ko dun sa babae at tinignan si Nicholie, ayaw niya naman pala magkaroon ng damage ang sasakyan niya, eh bakit sinali pa niya ako dito?
Bumuntong hininga ako at tumango sa sinabi niya. Agad naman siyang ngumisi at inakbayan niya na ako papunta sa kotse na pag-gagamitan ko.
"Alagaan mo yan ha, wag ka sanang mamatay." He said and left me alone inside the car
Napailing na lang ako sa huling sinabi niya, alam ko namang mas nag-aalala talaga siya sa kotse niya kesa sa akin.
Apat na sports car ngayon ang makakalaban ko ngayon, at nakalinya na kaming lahat. Ini-start ko ang sasakyan ni Nicholie at ang laki ng paghanga ko kung gaano kaganda itong features ng sasakyan niya.
Tinignan ko ang katabi kong sasakyan, napaka tinted naman nitong bintana niya. Binaling ko na lang ang paningin ko sa malaking screen na nasa harapan namin at nang humudyat na ang 'go' ay nagsimula na ang karera.
Minutes later I am now leading. I don't know if it's my skills o sadyang magaling din itong sasakyan ni Nicholie.
I was about to step on the accelerator when a car suddenly appeared beside me. The driver lowered his window and gave me his middle finger. Napanganga ako sa ginawa niyang iyon kaya naunahan niya ako at siya ang nanalo.
Second place is not bad. Lalo na't first time kong sumali dito. Lumabas ako sa sasakyan ko at agad naman akong dinaluhan ni Nicholie at inakbayan.
"Damn! Ikaw dapat mananalo eh." Sabi niya sa akin
I just shrugged and looked at the winner's car. Lumabas ang driver nito at halos mahulog na ang mga mata ko sa aking nasaksihan.
Yung babaeng nakita ko kanina, siya yung nakatalo sa akin.
Tinitignan ko lang siya mula dito sa malayo at hindi ko namalayang nagkaroon na pala ako ng interes sa babaeng ito.
Bahagya kong siniko si Nicholie para makuha ang attensyon niya. "Anong pangalan nun?"
Lumingon din siya sa tinitignan ko at ngumisi siya ng nakakaloko. Ma-issue din ah. Nagtatanong lang naman.
"Ikaw ha, type mo? Well di ko alam ang totoong pangalan niyan. Pero ang stage name niya ay Debbie."
Debbie.. Tila sa pagbigkas ko ng pangalan niya ay narinig niya ako. Napaayos ako ng tayo nang lumingon siya sa amin. Tinaasan niya ako ng isang kilay at inirapan saka siya tumalikod. I bit my lips to stop myself from smiling.
"Yikes, nakakatakot bro. Mabuti na lang di ikaw yung nanalo, baka kinatay na tayo paglabas natin dito pag ikaw pa nanalo."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya at umalis na kami dun. Bago kami nakaalis ng tuluyan ay tinignan ko ulit si Debbie na hindi man lang ata marunong ngumiti. Debbie, she's weird but I find her cute.
"Hindi ba masakit ulo mo?"
I opened my eyes and looked at the person who pulls me out of my reverie.
"Hindi na."
She smiled but it didn't reach her eyes. I really thought that she was Debbie. Nung first day ko sa school, nilapitan ko na siya agad. Pero sobrang layo niya sa Debbie na nakalaban ko, I didn't mind though. Akala ko lang talaga noon na siya si Debbie, I can't forget that face kahit na saglit ko lang siya nakita. That face has been playing over my head for weeks! Paano ko makakalimutan yun?
"Akala ko di na siya aalis pag magka-usap na kayo." mahinang sabi ni Claire
She's choosing herself for now. It's not selfish, hindi masamang sarili mo muna ang piliin mo. Naiintindihan ko si Dem, and I'll wait.
"Di ka ba nagagalit sa akin?" biglang tanong niya
The fact that until now she doesn't love me doesn't hurt. Ako ang nagpumulit noon para makalimutan niya ang taong nagbigay ng sakit sa kanya. Di ko yun pinagsisihan, kung sakaling mangyari ulit yun, I would do it again. Hindi man parehas noon, pero gagawin ko ang lahat para malimutan niya ang sakit nang kahit konti. I will always be by her side as a dear friend.
"Kakayanin mo bang maghintay sa kanya? Maybe it will take long. Kung di mo kayanin, stop right at this moment. Baka babalik sa wala ang kakambal ko."
"I will wait."
Kahit ilang taon pa yan, maghihintay ako. Waiting is not that bad. The savior from above has a plan for us. I'm trusting him and I will wait patiently for the aeonian love he will provide for us.
_______________________________________
TBC
Edited
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?