Dem's POV
5 years have passed at madami namang nagbago. Isa na dun ang pag-uugali ko, alam ko na kung paano makihalubilo and I'm still working on my attitude. 5 years was such a long journey, it led me to my course. I've taken up Veterinary Medicine here in Seoul National University, it's already my third year. Mahirap, lalo na yung part na kailangan kong masanay sa mga mabalahibo. I'm proud to say that I conquered my allergy towards it.
"Dem, we will have a dinner with our seniors later. You should go, okay?" ani ng isang ka-blockmate ko
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Kakatapos lang ng isang subject namin at lunch break na. Pupuntahan ko ngayon si Anthea, nasa kabilang building lang ata yun ngayon.
Sa loob ng limang taon di pa rin nagtatagpo ang mga landas namin ni Nathan. Well, I've heard many things about him. Business administration ang kinuha niyang kurso, he's currently in-line to be the next CEO of their company, at zero love life pero madaming umaaligid tsk.
"Earth to Dem?"
Napakurap kurap ako dahil sa pag tawag sa akin ni Anthea. Di ko man lang namalayan na andito na pala siya.
"Sorry, ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya
Ngumiwi naman siya sa akin at inayos niya ang pag-sabit ng bag niya sa balikat niya.
"Lutang ka nga, wala akong sinasabi. Kanina ka pa lutang ah."
Wala pala? I thought she was saying something. Lumabas na kaming dalawa ng building at naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria.
"Nga pala, ito oh. Pinamimigay." Sabi niya sabay bigay ng isang paper bag
Naguguluhan ko itong tinanggap at tinignan ang loob. Every week na lang may nagbibigay ng mga regalo sa akin, at hanggang ngayon di ko pa din alam kung kanino galing. At kada linggo din ay paiba iba ang laman, minsan snacks at minsan din mga bagay na magagamit ko.
"Wala ka bang plano sabihin sa akin kung kanino galing? Kahit clue lang?"
"Ayaw niya ipasabi eh, tsaka you know him naman."
I know him? Sa dinami dami ng kakilala ko dito sa university, paano ko agad mahulaan?
"Is it one of my seniors?" tanong ko sa kanya
Bigla niya akong tinawanan at umiiling iling siya. Nakakahiya tumanggap ng mga regalo tapos di ko pa kilala kung sino yung nagbigay.
"Speaking of seniors, may lakad daw kami mamaya ng mga ka-blockmates ko. Ililibre daw nila kami somewhere. Text ko na lang sa'yo yung address in case."
"In case what? Malasing ka? My god, please lang. Don't drink too much, mas nagiging madaldal ka pag nalalasing gosh."
Di naman ako ganun kalala malasing. Nilapag muna namin ang mga gamit namin sa mesa at pumunta na sa harapan para kumuha ng pagkain.
"Nga pala, bawal ka talaga malasing. May invitation tayo sa arena, may karera ka bukas."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. What choice do I have? Edi bawal talaga malasing mamaya.
Wearing my pants and a long-sleeved crop top paired with my white sneakers, I've entered the place where we will have a gathering.
Hinanap ko na ang mga kasama ko at nang makita ko naman sila ay lumapit na ako sa kanila. I bowed to my seniors and greeted them to show respect.
"Sit, we should drink until dawn!" nagsi-ingay lahat dahil dun sa sinabi ng senior namin.
BINABASA MO ANG
Pretend
Teen FictionNagsimula sa isang pagpapanggap, pagpapanggap niya para sa minamahal niyang kakambal. Pag-papanggap na hindi niya inasahan. Pero pano kung mauwi ang pag-papanggap niya mauwi sa pagiging totoo niya? Matatanggap ba ito ng lalaking minahal niya?