Chapter 10

32 7 0
                                    

Claire's POV

Natapos na din ang araw na 'to at naglalakad ako ngayon kasama si Nathan papuntang parking lot, ihahatid niya kasi ako pauwi.

"Wala ka bang gustong puntahan bago kita ihatid?" Tanong ni Nathan sa akin.

Hmm pupuntahan? Wala naman siguro. Nginitian ko na lang siya at umiling.

"Wag na, umuwi na tayo. Gusto ko na din magpahinga." Sabi ko at nag stretch sa aking mga braso at leeg

Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. "Aww napapagod pala si miss pres. Sige tara na, ihahatid na kita sa inyo." sabi niya at pinag-buksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pumasok na din siya saka umalis na kami dito sa school.


Nandito na kami dito sa mansion namin at huminto siya sa harap ng gate namin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at nilingon siya.

"Gusto mo pumasok muna sa loob?" Tanong ko sa kanya

Nginitian niya naman ako at ginulo na naman ang buhok ko. Nagiging hobby niya na yun ah.

"Huwag na, pumasok ka na sa loob para makapag-pahinga ka na. Uuwi na din ako." sabi niya

Tumango na ako sa kanya pero bago pa man ako nakakalabas ng kotse ay hinawakan niya ang likod ng aking ulo at hinalikan ang aking noo. Nginitian ko siya ulit at lumabas na ng sasakyan niya.

"I think I just had enough sweetness for today."

Napahawak ako sa may bandang puso ko nang may nag-salita sa likod ko, paglingon ko ay nandun si Dem nakasandal sa gate at nagkibit balikat lang siya.

Tumiwid ako ng tayo at nginitian siya. Lumapit ako sa kanya at nagsalita. "Uhh kanina ka pa ba dito?"

She just shrugged and left me with no answer. Siguro dapat sanayin ko na ang sarili kong hindi siya nagsasalita.

Nakasunod lang ako sa kanya nang bigla naming nadaanan si Mr. Kim. Huminto naman ito sa paglalakad at kinausap si Dem.

"nega bakk-e nagago sipni? neo ajigdo yeogi issni?" Tanong ni Mr. Kim kay Dem na may pagtataka sa kanyang mukha (Translation: I thought you want to go outside? Why are you still here?)

So kaya pala nandun si Dem sa labas kanina, gusto niyang lumabas. Pero ba't kaya di siya tumuloy?

"naneun imi pigon haeseo naneun wialae naj-jam eul jago iss-eul geoya" sabi niya at umakyat na siya sa kwarto niya. (Translation: I'm already tired, I'm just gonna take a nap upstairs)

Umiling iling naman si Mr. Kim at umalis na din. Bakit kaya nagbago isip niyang lumabas?

Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng pwede kong meryenda. Kumuha naman ako ng sandwich at juice at dinala ito sa sala.


Kakatapos ko lang kumain at napag pasiyahan kong linisin muna ang mga kotse dito, ginagawa ko kasi yun pang stress reliever.

Nandito na ako sa garahe nang may napansin akong bagong kotse. Sports car, to be exact.

Kanino kaya 'to? Hindi naman gumagamit ng ganitong sasakyan si Kuya. Hays bahala na, ito na nga lang lilinisin ko.

Nagulat ako nang pagpihit ko sa pinto ay hindi ito naka-lock. Nakalimutan yata ng may-ari.

Pumasok ako sa likod habang bitbit ang trash bin ko. Grabe parang wala namang kailangan linisin dito. Ang linis na eh!

Lalabas na sana akong biglang nagstart ang sasakyan. Paglingon ko sa unahan ay umaandar na ang sasakyan, at ang mas malala pa ay si Dem ang nagmamaneho.

Nakatago lang ako dito sa likod ng upuan ni Dem. Ano na gagawin ko?! Kung magpapakita na lang kaya ako sa kanya? Magtatago na lang ako dito hanggang maka uwi kami. Siguro naman wala siyang gagawing delikado.

Saan kaya 'to galing ang sasakyan? Alam kaya to nila mommy at daddy? Siguro alam nila dahil nasa garahe lang naman ito.

Napansin kong pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan at kasabay nun ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa maaring mangyari.

Biglang nag ring ang cellphone ni Dem at sinagot niya naman ito agad.

"Mwo?!?" Sigaw ni Dem sa kausap niya (Translation: What?!?)

Napahigpit ako ng yakap sa trash bin ko dahil sa biglaang pag-sigaw. Grabe galit yata siya.

"geudeul-ui iyu neun mueos ibnikka?" Tanong niya rito (Translation: What's their reason?)

Tumahimik naman siya ng ilang minuto. Sino kaya yung kausap niya? Bakit parang ang laki ng galit niya?

"geuge heos-soli ya!" Sabi niya at tinapon ang phone niya dito sa likod. (Translation: That's bullsh*t)

Mabuti na lang at malayo ako mula sa tinapunan niya, kung hindi baka natamaan pa ako.

Sino kaya yung tumawag sa kanya? At bakit galit na galit siya? Tungkol saan kaya yung pinag usapan nila? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko!

Kung kanina ay mabilis na ito, ngayon ay parang mas dumoble pa ang bilis. Kulang nalang ay lumipad ito..

Gusto kong sumigaw dahil sa bilis pero baka magulat si Dem at madisgrasya pa kami ng wala sa oras.

Grabe, wala man lang bang traffic ngayon? Nasaan nga ba kami? Sumilip ako ng kaunti sa bintana para matignan kung nasaan kami.

Nasa gitna lang naman kami ng kakahuyan. And grabe ang creepy ha, parang wala kang makikitang building dito. Malayo na yata kami sa siyudad.

Grabe parang masusuka na ako sa bilis ng takbo. Hinigpitan ko pa ng yakap sa trash bin. Kinakabahan na talaga ako. Sana naman ligtas kaming makauwi ni Dem.



Dem's POV


Mas diniin ko pa ang tapak ko sa accelerator. Hindi ko na alam kung nasan man ako ngayon, at wala akong pake.

Mas mabuti na yung malayo ako sa siyudad at sa mga tao para walang mapapahamak.

Papunta sana ako sa isang car racing event na sinabi ni Anthea at nag back out ang mga makakalaban namin, tss mga duwag lang. Tsk asan na ba yung phone ko?! Kinapa ko ang ilalim ng upuan ko

"asineun gos eun mueos ibnikka?!" Sabi ko habang kumakapa pa din (Translation: aish where is it?!)

Napalingon ako bigla sa harapan ng kotse ko nang may bumusina. Hindi ko namalayan na may truck palang nasa harapan ko. At ng dahil sa gulat ay iniliko ko ang sasakyan at ang likurang bahagi ang natamaan.

Mas nagulat pa ako nang may kumalabit sa akin.

"Dem.."

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Claire na duguan. Anong ginagawa niya dito?! Nahulog ang kamay niyang nakakalabit sa akin at nawalan siya ng malay.

Kailangan namin makakalabas dito. Ano ba kasing ginagawa niya dito?!

Tinanggal ko ang seatbelt ko at pilit kong binubuksan ang pinto. Tinatawag ko ang pangalan niya habang pilit na gumagawa ng paraan. Damn Claire, what are you doing here?

May kakaunting galos na din ako at nawawalan na ako ng lakas. Kailangan na talaga naming lumabas dito!

Napahawak ako sa ulo ko ng unti unting sumasakit ang ulo ito at nawalan na din ako ng malay.


______________________________

TBC

Edited

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon