Chapter 23

14 2 0
                                    

Dem's POV


8:00 pm na at hinatid na ako ni Nathan dito sa bahay. Huminto na ang sasakyan sa harap ng gate namin at nanatili kaming tahimik.

"Uhh I hope you enjoyed today." Pagbasag niya sa katahimikan namin.

"Ahh oo, thank you for today." Sagot ko sa kanya.

So now what? May goodbye kiss ba? Damn Dem! Anong iniisip mo?! Hinawakan ko na ang handle ng pinto saka siya tinignan.

"Uhh bababa na ako, salamat ulit."

"Wait." Sabi niya saka hinawakan ang likod ng ulo ko at nilapit sa kanya

Randam ko ang pamamasa ng mga kamay ko. Pumikit na lamang ako nang unti unti na siyang lumalapit sa akin. Taksil din 'tong puso ko, ayaw tumigil!

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko. I can feel that my insides were calm now, unlike kanina na parang nagkaroon na ng giyera.

"Goodnight." Sabi niya

I just gave him a small smile saka tuluyan ng lumabas sa kotse niya. Hinintay ko siyang makaalis saka tinignan ang kabuohan ng bahay. Can I really call this place home? The last time that I was genuinely happy in this house was years ago. That incident became a chaos to me and to my family. It changed everything.


Birthday ng kuya ko ngayon at nagkaroon lang ng party dito sa bahay kasama ang mga malalapit niyang kaibigan at ang malanding gf niya. Yes, she's a slut. She's just acting like an angel pero ang totoo may tinatago ding baho ang babaeng yun.

Kasalukuyang nakaupo kami ng kakambal ko dito sa sala ng bahay namin habang tanaw ang mga nalalasing nang bisita ni kuya sa swimming pool area. We're not yet allowed to drink kaya dito lang muna kami.

Masama kong tinignan ang girlfriend ng kuya ko, Clarissa. Eww plastic. Dinaig pa yung linta sa pagkapit niya sa kuya ko. If only they knew na gold digger yan. She's only clinging to my brother to satisfy her needs.

"Ayan na naman ang tingin mo kay ate Clarissa. Be nice to her muna, birthday ni kuya." Biglang sabi ni Claire habang kumakain ng chips.

Bumuntong hininga na lang ako saka kumuha sa bowl niya. Okay it's kuya's birthday, I need to be nice.

"naleul binan hal su eobs-seubnida. geunyeoga eotteon yeojainji al-ayo. naneun danji uli hyeongjeege gwansim-i issseubnida" (Translation: You can't blame me. I know what kind of girl she is. I'm just being concern to our brother.)

Hinayaan na ako ni Claire at nginitian na lang ako. Sa kanilang apat nina mommy, siya yung neutral. Medyo pinapaniwalaan niya ako na medyo hindi. Feel ko lang na kaya pumapanig siya sa akin minsan kasi kakambal niya ako.


"Teka pupunta muna ako sa kwarto ko ha, diyan ka muna?" tanong sa akin ni Claire

Tumango na lang ako saka umalis na siya. Ilang minuto at nakaramdam na ako ng antok. Magliligpit na sana ako ng kalat namin ni Claire ng biglang may pumasok mula sa swimming pool area. My forehead creased at the sight that I just witnessed. What the f*ck? Sino yung hinihila niya?

Tahimik ko silang sinundan patungo sa madilim na daan papunta sa cr. Huminto sila kalagitnaan kaya tumigil na din ako at nagtago sa pader. Sinilip ko silang dalawa at halos malaglag na ang panga ko sa nakita ko. Clarissa, kissing someone else. What a snake. Ang lakas ng loob niyang makipag-halikan sa iba, at dito pa sa bahay namin.

PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon