CHAPTER 1

1.5K 39 1
                                    

ISANG masayang kasalan ang naganap sa harapan ng isang malaking bahay. Binili ito ni Caleb para sa kaniyang mahal na asawa.

Sophia and Caleb have 2 years in a relationship. 1 year engaged then finally, married. Caleb can't name the happiness he's feeling right now.

Other says that they're too young to get married. He's twenty-six while Sophia is twenty-four. Pero sa tingin niya hindi naman 'yon ang rason para sabihing bata pa sila para magpakasal. They're not teenager anymore.

Napangiti siya habang nakatingin kay Sophia na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Masaya siya na asawa na niya ngayon ang babaeng mahal niya.

"Caleb, isang shot pa." Ani ng isang bisita, ang pinsan niyang si Raul.

"Pare, bagong kasal ang pinsan natin. Baka hindi 'yan maka-perform mamayang gabi." Sabi naman ng isa pa niyang pinsan, si Denver.

Natawa si Caleb at napailing.

Kinuha niya ang binibigay ni Raul ang alak na at ininom ito. Caleb grimaced because of the liquor's taste, kaya ayaw niyang umiinom e.

"Buti nakakayanan niyo ang ganitong lasa ng alak." Sabi niya sa kaniyang mga pinsan.

"Sanayan lang 'yan, Caleb. Isa pa." Hirit ni Raul.

"Ayoko na." Umiling si Caleb. "Parang sinunog ang lalamunan ko dahil sa alak na binigay mo."

Nagtawanan ang mga ito.

"Ang hina mo pala, insan." Pang-aasar sa kaniya ni Ramil, ang kakambal ni Raul.

"Hindi mahina ang tawag do'n. Hindi lang kasi talaga sanay na uminom si Caleb." Sabi ni Denver.

"Chef ka kasi, busy ka, kaya hindi ka namin nakakasama sa mga gimik. Try mo kayang sumama minsan." Sabi ni Raul.

"Gago! Igagaya mo pa si Caleb sa 'yo. May asawa na 'yong tao. At ikaw magtino ka na rin. Puro ka alak at babae." Binatukan ito ni Derick.

"Aray ko naman. Bakit may kasamang batok?" Hinimas ni Raul ang parte ng ulo na binatukan ni Derick.

"Gago mo kasi." Pag-iling ni Denver at uminom ng alak.

"Masisisi mo ba ako kung ang mga babae ang lumalapit sa akin. Sila naman ang lumalapit, hindi ako." Sabi ni Raul.

"Ang sabihin mo, babaero ka lang talaga." Sabi ni Ramil.

Nagtawanan silang lahat.

"Bakit hindi mo gayahin ang pinsan nating si Caleb? Tignan mo, asensado na." Wika ni Denver.

"Huwag niyo nga akong ilagay sa hot seat." Sabi ni Raul.

"Ayaw mo lang kasing makarinig e." Sabad ni Ramil.

Raul just tsked.

Napailing na lang si Caleb sa mga pinsan niya. Umupo siya sa bakanteng upuan at nakipag-usap sa mga ito pero hindi siya uminom. Hindi siya pwedeng malasing.

Caleb felt that someone is looking at him so he looked around. He saw a man looking at him. Kumunot ang nuo niya. Hindi niya kilala ang lalaki. Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya at tumalikod. Ang pagtaas ng sulok ng labi nito kanina ay para itong nagbabanta.

Nagtaka naman si Caleb at hindi na lang pinansin ang lalaki. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa mga kaibigan at pinsan.

Pagkatapos ng kasal. Nagsialisan na ang mga bisita. Ang tanging naiwan lang ay si Caleb at Sophia.

"Are you happy?" Nakangiting tanong ni Caleb sa asawa nang makapasok sila sa kanilang kwarto at hinalikan niya ito sa labi.

Ipinalibot naman ni Sophia ang braso sa leeg ni Caleb. "Very happy."

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon