Simula

247 16 1
                                    

"Love is patient and is kind; love doesn’t envy. Love doesn’t brag, is not proud, doesn’t behave itself inappropriately, doesn’t seek its own way, is not provoked, takes no account of evil; doesn’t rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never fails."

Inosente akong nakatingin sa paring nagmimisa habang pinapakinggan ang isang kilalang verse sa bibliya. Bata pa lamang ako mahilig na akong isama ni mommy tuwing magsisimba siya at ito palagi ang naririnig ko. Hindi maintindihan ng bata kong isip ang sinasabi niya kaya hindi ako mapakali sa kinatatayuan. I seemed like an outcast. Puro matatanda kasi ang nasa paligid ko. Although there were children like me playing outside freely. Ako lang yata ang nandito at nakikinig ng mga bagay na hindi ko pa maintindihan.

"Cassie, eyes in front," bulong ni mommy sa akin nang mahuli nya akong nakatingin sa mga batang nasa labas.

Ngumuso ako at bahagyang yumuko. I wanted to tell her I wanted to play too, but knowing her, she won't approved. She wanted me to grow up like a fine lady. The one who advocates to help unfortunate children, help the church, and be active with it. Naging routine na namin ito kaya nasanay na rin ako. I know there's nothing wrong with it, but somehow I want to enjoy my childhood. Iyong kagaya nilang naglalaro lang.

Pagkatapos magsalita ng pari sa harap ay nagsimula na kaming kumanta. In the middle of my singing, I accidentally saw a ball that had come near me. Sinulyapan ko si mommy na nakapikit habang kumakanta at ang bola sa paanan ko. Gusto ko sanang ignorahin 'yon pero nadidistract ako kaya kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Sinulpyapan ko uli si mommy na nakapikit pa rin bago ako umalis sa tabi nya.

Pumunta ako sa malawak na garden kung saan marahil nanggaling ang bola. Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin ang may ari pero wala namang katao tao do'n. I stopped walking and glanced at the ball again.

"Hey, that's my ball."

Napalingon ako sa batang lalaki na papalapit sa akin at may hawak na isang pirasong yellow tulip. He flashed a smile that showed his deep dimple.

"Uh, yes. Nakita ko lang sa loob." Itinuro ko ang loob ng simbahan.

Ibinigay ko ang bola na agad naman niyang tinanggap.

"Thanks." He smirked again.

My brows shot up at his gestures. Parang sinasadya niyang ipakita ang malalim na dimples niya. Though kahit naman nagsasalita siya e lumilitaw 'yon.

"What's your name? Laro tayo gusto mo?" palakaibigang tanong niya habang nagdidribble ng bola.

Umiling agad ako.

"Hindi ako naglalaro n'yan."

"Talaga? Bakit naman? Hindi naman panlalaking laruan lang 'to."

Hindi ako umimik at pinagmasdan lang siya. He's not likely my age. Sa tangkad niya alam kong may mas edad siya sa akin.

"Basta ayoko niyan," I said firmly.

He chuckled and stopped dribbling.

"Arte mo naman. Ganyan ba kayong magaganda? Maaarte?"

My brows furrowed again.

"Ano'ng sabi mo?" medyo iritadong sambit ko.

"Naks. Gusto pa ulitin. Ang sabi ko maganda ka. Okay na?" Tumawa siya nang bahagya.

My face immediately heated at that. Bahagyang namilog din ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Lalo na 'pag ganyang namumula ka." Humalakhak siya.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon