"CONGRATULATIONS!"
Ngumisi ako matapos kong putulin ang ribbon sa grand opening ng aking sariling art gallery, ang Nova.
Isang art gallery na pinaghirapan kong itayo ng ilang taon matapos kong grumaduate ng kolehiyo. Maging ako ay hindi ko rin alam kung paano ako nakaraos. Ang natatandaan ko ay tinulungan ako ng mga kaibigan ko at s'yempre ng pamilya ko. Ginugol ko ang tatlong taon sa pagpipinta. Wala akong ibang pinagkaabalahan kundi magpinta ng magpinta at heto ang naging bunga ng pagsisikap ko. Masaya ako na kahit papaano, may pinatunguhan pa rin ang buhay ko sa kabila ng sugat sa puso ko. I won't say that I'm fully healed, but I'm still trying. I'm still trying until now. Kahit paunti unti man lang.
"Congratulations, Cassie!" Bumeso si Carmilla sa akin.
"Thank you," nakangising sambit ko.
"Congrats, Cassie." Tipid na ngumiti si Zosia sa akin.
Ngumisi ako at niyakap siya. Kung hindi lang siya nawalan ng alaala ay malamang nagtatatalon na ito sa tuwa. Kaya lang ay iba na siya ngayon. Naaksidente si Zosia two years ago at nagkaamnesia. Hanggang ngayon ay kaunti pa lang ang naibabalik na alaala niya. Naaawa ako sa kanya dahil lagi ko siyang nakikitang malalim ang iniisip. Dahil nga sa mansyon sila pansamantalang nakatira ng asawa nyang si Kuya Priam ay naoobserbahan ko ito. Maging si kuya ay ramdam ko ang paghihirap nito sa asawa. Though hindi naman siya nagrereklamo, siguro ay masakit lang talaga ito para sa kanila.
"P'wede mong i-exhibit dito ang mga gawa mo, Sha." Ngumiti ako.
Magaling din kasi siyang magpinta dahil naturuan ng asawa noon. I love her works actually. Magaganda ang mga 'yon.
Malungkot siyang ngumisi at pinisil ang kamay ko.
"Hindi na, Cassie. It's your gallery."
"Ano ka ba! I don't mind at all. Mabuti nga 'yon at nang may bumisita naman rito." Tumawa ako.
Though, marami namang dumating ay hindi pa kasing dami ng mga naglalakihang gallery dito sa Quezon. I displayed almost 50 mixed portraits and abstract paintings. At lahat 'yon gawa ko. Not that bad kung tutuusin pero nakukulangan pa ako. That's why I'm trying my best to convince her na i-exhibit ang paintings niya dito.
"S-Susubukan ko. Gusto ko muna kasing pagtuunan ang baking," nakatungong sabi niya.
Baking is her real talent and expertise. Nakapagpatayo na ito ng sarili niyang cakeshop kaya lang ay nagsara dahil sa aksidente. At hanggang ngayon, nangangapa pa uli siya dahil sa kawalan ng memorya.
"Okay." Hinaplos ko ang balikat niya. "You can tell me anytime."
Tumunog ang phone ni Carmilla kaya napalingon kami rito.
"Yes hello? Uhm, yeah. Nandito pa ako sa Nova." Sinulyapan niya ako.
Tipid akong ngumisi. I know who's she talking to. I'm sure it's her boyfriend Claude.
"Oo, ano ba. Uuwi rin ako after nito. Don't be so clingy, Mr. Alfaro." Umirap siya sa kawalan.
"W-What?! Geez! You're so corny!" Pinamulahan siya ng pisngi.
Napawi ang ngisi ko nang may maalala na naman. Nang mapansin niya 'yon ay itinuro niya ang kung saan.
"Doon muna ako ha?"
Tumango ako at napatingin kay Zosia na takang nakatingin sa akin.
Ground Zero's fame has never been a secret. Hindi naman ako tanga o bulag kung sasabihin kong hindi ko na sila naaalala dahil kahit gusto ko mang lumimot na sa nakaraan ay nariyan ang kaliwa't kanan nilang mga mukha sa paligid. From TV commercials, product endorsements, billboards, posters and magazines. Wala yatang tao sa pilipinas ang nakakakilala sa kanila. Kahit na hindi naman sila dito nagdebut at hindi pa sila nag coconcert dito ay sobrang sikat nila knowing na dito sila sa pilipinas nagsimula.

BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...