"Talaga?! Ano pa kayang hilig niya?" masayang tanong ni Alisa kay Zosia.
Nadatnan ko ang dalawa na nagchichismisan, umagang umaga kinabukasan. Wala pang masiyadong tao dahil thirty minutes pa bago tumunog ang bell.
"Hmm...balita ko...balita ko ah? Nagdi-dj din siya sa isang high end club sa gabi," nakapalumbabang sambit nito.
"Sino?" biglang sabat ko at umupo na sa upuan ko.
Napaayos ng upo si Alisa at napawi bigla ang ngisi niya. Kaya lang mabilis niya itong nabawi.
"Ah, si Justine. Nagtatanong kasi itong si Alisa-"
"Curious lang naman ako kung ano-ano pang mga hillig nila. S'yempre, hindi ko pa naman masiyadong kilala ang Ground zero," agap nito at kabadong tumawa.
Napalabi ako.
"So you're a fan na rin?" tanong ko.
"You can say that." She chuckled.
Tumango ako at tumalikod sa kanila. Bakit parang may pait akong nararamdaman knowing na fan na rin ang isang 'to? Dahil kaya ako na lang ang hindi? Siguro gano'n nga, umasa siguro ako na kahit papaano'y makakahanap ako ng katulad kong hindi naman interesado.
"Cassie, pupunta ba ulit si Justine, I mean ang Ground Zero sa cafeteria?" tanong ni Alisa nang matapos ang klase.
Nangunot ang noo at sinulyapan siya.
"Bakit naman pupunta si Montenegro do'n?"
"Ah, hindi ba kayo sabay nagmemeryenda? Hindi ba nililigawan ka niya?"
Nag iwas ako ng tingin at nagsuot na ng bag.
"Hindi niya ako nililigawan, Alisa. Siya lang 'tong makulit," walang ganang sambit ko.
"Oh e bakit naman? Hindi mo ba siya type? I mean, ang guwapo niya tapos ang galing pa kumanta!" masiglang saad nito.
Magkasabay kaming lumabas ng classroom kasama si Carmilla na nagbabasa ng makapal na libro sa likuran. Si Zosia naman ay nauna na dahil may kikitain daw siya.
"Hindi ko siya gusto, Alisa. Hindi ako interesado sa kanya," kunot noong saad ko habang nakatitig sa lupa.
"Ah, pero gustong gusto ka ata niya, ano? Ang suwerte mo." Humagikgik siya.
Hindi ako umimik at bumuntong hininga na lang. Kaya lang walang preno ang bibig nya at dinaldalan nya ako 'gang cafeteria.
"Ang sabi ni Zosia sa akin, grade eight pa lang kayo noong magsimula siyang manligaw sa 'yo. At ngayon hindi pa rin siya sumusuko."
"I already rejected him multiple times, Alisa. Makulit lang talaga siya."
Natawa siya nang bahagya.
"Ang ganda mo rin kasi. Lutang ang ganda mo dito sa school. Malamang ay inlove talaga siya sa 'yo nang husto."
Nangunot na naman ang noo ko sa pambobola niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Para kasing may halong sarkasmo 'yon sa pandinig ko.
"I don't think so. Maybe he's just challenged."
Honestly that's what I thought. Na hindi naman talaga niya ako gusto at na-chachallenge lang siya sa akin.
"Hala, 'di naman siguro. I think he really likes you. Iba kasi kung makatingin siya sa 'yo e." Humagikgik siya. "Di ba, Carmilla?"
"Yeah," mahina at tamad na sagot nito sa likod.
Bumuntong hininga na lang ako at 'di na nagsalita. Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na kaming nagmeryenda.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...