Panay ang bida ni Carmilla sa lalaking 'yon pagkatapos ng eksena sa gym. Halos marindi ang tenga ko lalo na't siya ang bukambibig ng lahat maging ang magaling kong bestfriend.
"Yeah, I saw him! Naku! Ang guwapo talaga niya. Lalo na pag ngumingiti siya at nakikita 'yung malalim na dimple niya!" masayang pagkukwento ni Zosia.
Naghahagikgikan sila na nakapalibot sa amin dahil sa topic nilang 'di mamatay matay. Hindi ko alam kung ano'ng droga ang ipinaamoy ng lalaking 'yon sa mga babaeng ito at gano'n sila kabaliw sa kanya. I mean, I know he has the looks, but with that attitude? Tss.
I rolled my eyes and focused on what I was reading.
"I heard the music club is forming a band. At siya daw ang napiling bokalista!" sabat ng isa naming kaklaseng babae.
Everyone gasped at that.
"Really?! Kumakanta pala siya?!"
"Yep! Ang ganda kaya ng boses niya. Ang lamig pa. Pinakanta siya sa classroom nila kahapon. Grabe! Halos gustuhin mong matulog sa lamig ng boses niya."
"Talaga ba?! Ay wow. Parehas pala ni Axton ko. Magaling din kumanta ang baby kong 'yon!"
Napangiwi ako sa sinabing 'yon ni Zosia. Everyone knows how crazy she is over my brother. Bata pa lang kami ng aminin niya sa akin na crush niya ang kuya ko at hanggang ngayong nagdalaga na ay wala pa ring pinagbago 'yon. I keep on giving her advice to stop it already dahil wala naman siyang mapapala sa kanya. He's a well-known manwhore. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Ewan ko ba kung saan pinaglihi itong si Zosia ng ka-martyr-an. Napakatibay.
"Well, we need to hear him sing. How about update mo kami 'pag may band practice sila?!" excited na tanong ni Carmilla.
"Loka. Wala pa ngang official members." Humalakhak 'yung babae. "I heard pinagpipilian sina Claude at Aquila. Since magaling sila sa musical instruments."
I continued flipping the pages of my book without gaining anything from it. Sa lakas ba naman ng mga bunganga ng mga ito ay talagang hindi mo mapigilang makinig.
"Ah...kaya pala nandoon din sila kahapon! Aquila is good at bass. I'm sure siya ang magiging lead guitarist!" siguradong sabi ni Carmilla.
"Right. Yiiee. Excited na ako!"
Everyone giggled. I boredly closed my book when our teacher came in. Napabuntong hininga na lang ako at tumitig sa harap. Laking pasasalamat ko na dumating na 'yung guro dahil kung hindi ay maririndi lang ako sa mga naririnig ko. I'm not really interested in that band thing. I'm sure they only want fame. Lalo na't kahit di pa man nabubuo e ang dami nang nag aabang.
Maugong na pinag usapan sa eskwelahan ang nasabing bandang bubuuin. Lalong nagbunyi ang lahat ng opisyal nang ma-i-announce ang official members nito. They are four members. Two of them were from Grade 12. Aquila and Claude who will be the bassist and the drummer. One is from Grade 10 named Ranulph, another bassist and of course the vocalist. Iyong bastos na transferee. I forgot his name since I wasn't interested. I don't hate him actually. I just don't like him. Masiyadong mahangin ang tingin ko sa kanya. From that mischievous smirk to that cool stares. Parang ang yabang yabang niya. Feeling yata niya gusto siya ng lahat. He didn't know that someone out there wanted to rip his mouth.
"Aaaaahhh! Ground Zero! Nandyan na sila!" tili ng kung sino sa likuran ko.
Sunod sunod na nagtilian ang mga babae at nagtatakbo mula sa likuran ko kaya sunod sunod din ang pagkasagi nila sa akin dahilan ng pagbagsak ng mga librong hawak ko.
"Hey!" galit na utas ko pero hindi man lang sila lumingon.
Some offered a help but it didn't last. Nagtatakbo na rin kasi ang mga ito patungo sa gate kung saan makikita ang pagpasok ng apat na lalaki. Kunot noo kong pinupulot ang mga libro habang tinitignan silang pinalibutan na ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomantizmEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...