Kabanata 18

106 11 1
                                    

"Everybody's got something
They had to leave behind
One regret from yesterday
That just seems to grow with time.."

Sinakop ng aking mga tenga ang isang acoustic song na tinutugtog ng isang banda dito sa paborito kong acoustic bar. Ang malamig na boses ng isang babae ay unti unting nanuot sa aking kaibuturan. It reminds me of someone. Someone no matter how I tried to forget, I couldn't.

"There's no use looking back, or wondering
How it could be now or might've been
All this I know
But still I can't find ways to let you go.."

Tignan mo nga naman kung paano maglaro ang tadhana. Sumakto pa sa lyrics ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong batuhin ng baso ang singer dahil pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Gusto ko lang naman uminom at makalimot pero heto't pinapatay ako ng kinakanta niya.

"I never had a dream come true
'Til the day that I found you
Even though I pretend that I've moved on
You'll always be my baby
I never found the words to say
You're the one I think about each day
And I know no matter where life takes me to
A part of me will always be with you.."

Kinuha ko ang baso kong may lamang alak at tinungga ang lahat ng laman no'n. Rumagasa sa lalamunan ko ang mainit at matapang na alak. Umikot agad ang paningin ko kahit pangalawang baso ko pa lamang 'to. Hindi ako palainom pero natuto ako mula nong masaktan ako. Ang sabi nila kung gusto mong pansamantalang makalimot, alak ang sagot. Pero bakit gano'n, kahit lango na ako sa alak ay nandoon pa rin 'yung sakit.

"Cassie," seryosong boses ni Zosia sa likuran ko.

Sa kabila ng tugtog ay nangibabaw ang malamig at seryosong boses niya.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka na naman." Lumapit siya sa gilid ko.

Hindi ko siya binalingan at nagsalin uli ako sa aking baso. Ramdam ko ang init ng titig niya sa akin. Alam na alam niya kung saan ako matatagpuan at kung bakit nandito na naman ako.

"How could throw off your own party? Ang dami mong bisita na naghihintay sa 'yo do'n. You should go home, nag aalala na sina tita sa 'yo," sermon niya na may halong pag aalala.

Hindi ko siya pinansin at uminom uli ako. Today's my 22nd birthday. Mom threw me a party and invited all of my friends, but I couldn't enjoy. This is an ordinary day for me. Even in the past few years, everything seems to be ordinary for me. Wala na iyong Cassie na excited pa sa excited kapag may party. 'Yung Cassie na nangunguna sa paggawa at pagsurprise. 'Yung Cassie na...lagi lang masaya.

"Cassie." Pinigilan niya ang kamay ko na magsalin uli sa baso.

Tiim bagang ko siyang nilingon. Bakas ang pag aalala ang mukha niya. Nang makita niya ang dilim sa mukha ko ay bumuntong hininga siya at hinayaan ako. Umupo siya sa katabing stool at pinagmasdan ako.

"It's his last concert tonight, right? Kaya ba nagpapakalunod ka na naman dito?" matabang na tanong niya.

Hindi ako umimik at tinitigan ko lang ang baso sa harap ko. It's been almost two years after we broke up. After his graduation, tinanggap agad nila ang offer ng RetroMix pero ang alam ko hindi sila dito magdedebut. They're gonna hit american billboard. And tonight is their last concert before they take their flight to New York.

I didn't know how I survived during those years of hell. Ang alam ko lang, two weeks after our last conversation, he started to ignore me. Two weeks na hindi siya pumasok at nagpakita sa akin, after that, he ignored me like a wind. Kapag nagkakasalubong kami, parang 'di niya ako nakikita. His eyes turned into the coldest of cold. Ang akala ko okay lang 'yon at makakatulong 'yon para maka move on na kaming dalawa pero hindi. Habang tinatanaw ko siya sa malayo ay lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak sa cubicle para lang ilabas ang tunay na nararamdaman ko. Ni hindi 'yon nabawasan sa paglipas ng taon bagkus ay lalo pa 'yung nadadagdagan.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon