I don't wanna give up. Kahit pa awang awa na ako sa sarili ko ay hindi ako p'wedeng sumuko na lang. I'm not the type of person who would go low just because of a man, but this hit me differently. Iba kasi si Justine para sa akin. He's my first love; no scratch that, he's my true love. I want him back. I know it sounds desperate, but I want him back so bad. This time I'd be selfish for once, and I don't care.
Isang babae ang naabutan kong nakaharap sa kanyang dresser at mini-make-upan. Nakasuot ito ng bathrobe lang habang may isang wine glass sa tabi. Pinagmasdan ko muna ang abalang paligid. Kanya kanyang gawain ang mga staff mula sa pagpili ng mga damit at pag aayos ng buong studio. Ang photographer naman ay inihahanda na ang gagamitin.
Iginiya ako ng isang babae kanina dito sa loob ng tila private room ng modelo. Ayaw niya nga sana e dahil mag uumpisa na anumang oras ang photoshoot pero nagpumilit ako.
"Alisa," pagtawag ko.
Napamulat ang mga mata niya at nagkatinginan kami sa salamin. Bahagya siyang nagulat sa presensya ko kaya nilingon agad niya ako.
"Pasensya na po, ma'am. Nagpumilit e." Napakamot sa ulo ang iritadong staff.
Matagal niya akong tinitigan, walang kangiti ngiti bago binalingan ang staff.
"It's okay, Martha. Iwan niyo muna kami," utos niya.
Daglian namang tumalima ang mga staff niya at nagsilayasan. Nang sumarado ang pinto ay nagsalin siya sa kanyang wine glass ng red wine at tumayo.
"What are you doing here, Cassie?" seryosong tanong niya.
Nilingon niya ako at saka siya humilig sa dresser. She offered me her glass, but I only shook my head. Humalukipkip siya at sumimsim doon.
"Gusto kitang makausap," seryoso ding saad ko.
Kumibot ang labi niya at natutuwa akong tinignan pero panandalian lang 'yon dahil sumeryoso na uli ang mukha niya. Ang mukha niya na hindi pa tapos make up-an
pero maganda na. Maganda na sana ang tingin ko sa kanya pero may something sa kanya na 'di ko maipaliwanag."Go on, speak. Don't be afraid. Huwag na tayong magplastikan since tayong dalawa na lang naman ang narito." Sumimsim uli siya sa iniinom at ngumisi.
I knew it. I knew there's something wrong here.
"Okay." Huminga ako nang malalim. "Gusto kong makausap si Justine. Tulungan mo akong magkausap kami."
Ngumisi siya habang nilalaro laro ang wine sa kamay.
"This is more of a request. I knew you would say that. Bakit, Cassie? Hindi mo ba siya kayang kausapin nang ikaw lang? Why? Is he always rejecting you?"
Hindi ako umimik.
"Maybe yes, right? Dahil hindi ka naman dadayo pa rito para lang humingi ng tulong sa akin," huminto siya saglit. "So why? Why do you wanna talk to him? Why do you wanna talk to my boyfriend, Cassie?"
Tinitigan ko siya nang walang emosyon at matagal bago ako sumagot.
"Coz I want him back," I answered with all honesty.
Pagak siyang tumawa at ngiting ngiti sa akin.
"I don't know you're some kind of a joker."
"I don't care what you think of me. I want my boyfriend back, Alisa."
Tumawa siya at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ex boyfriend, Cassie. He's now my boyfriend baka nakakalimutan mo. Ano bang hinithit mo at parang wala ka na sa katinuan? Kelan ka ba pinanganak? Kahapon?"
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...