Inabala ko ang sarili sa mga sumunod na araw. Sa umaga ay sa Picasso ang punta ko sa hapon at gabi naman ako bumibisita sa Nova.
Tumunog ang cellphone ko habang binabantayan ko ang mga estudyante ko sa kani-kanilang artworks. I excused myself silently and answered the phone.
"Krisha," tawag ko sa kabilang linya.
"Ms .Esquivel, meron na akong bagong ipapakita sa iyong condo. Sakto sa description na gusto mo."
Krisha is my newly found sales agent. Nagbebenta siya ng condominiums, apartments at houses.
"Okay, kelan tayo p'wedeng magkita?" Sinulyapan ko ang mga batang abala sa kanilang ginagawa.
"Kung kelan ka libre, Ms .Esquivel."
"Okay, tomorrow afternoon then."
"Okay, see you."
I uttered thank you before I ended the line. Hindi naman ako nagmamadali sa pagbili pero inabisuhan niya akong pumili na nang maaga dahil maha habang proseso raw ang pagpili. Hindi naman ako choosy pero may mga gusto akong iprioritize like the location, security and of course the condo itself.
"Okay kids, are you done?" masayang tanong ko sa mga bata.
Sunod-sunod naman silang napatango. Tinignan ko isa isa ang kanilang ginawa. Napangiti ako nang nakitang magaganda naman ang mga 'yon at may kaunti lang na aayusin. Inalis ko ang basket of fruit sa lamesa at umupo ako sa harapan nila.
"Okay, ang next naman ay portrait. I've taught you this before. right? So, I want you to show me your skills in portraiture.. Ayos ba 'yon?" Ngumisi ako.
"Yes, miss!"
"Excited na kami!"
Ngumisi lang ako sa kanila. Nakakatuwa ang mga bata. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang lahat ng pagod ko.
"Pero miss, sino ang subject namin?" Nagtaas ng kamay ang isang batang babae.
Ngumisi ako nang malawak.
"Ako."
May mga natuwa meron namang mga napapakamot sa ulo.
"E miss, ang hirap naman kung ikaw," nakangusong sambit ng batang lalaki.
"Bakit naman, King?"
"E kasi sobrang ganda mo e. Magmumukha ka lang pangit kapag ikaw pi-naint namin."
Mahina akong natawa at umiling iling. Ganoon din ang ibang bata.
"It's okay, King. It's a challenge actually. I want you to paint me beautifully." Nag thumbs up ako.
Lalo pa siyang napakamot sa ulo sa sinabi ko.
"Can you give us a sample, miss? Para may idea kami?" sabat ng isa pang batang babae.
"Okay." Nakangisi akong humugot lang ng kung ano mula sa collection ko ng portraits sa likuran ko.
Ipinatong ko 'yun sa kandungan ko at ipinaharap sa kanila.
"Oooooohhh..." they said in chorus.
"See this? Ilang oras ko-"
"Whoa, boyfriend mo ba 'yan, miss?" putol sa akin ng batang babae na nasa pinakaharap.
"Ha?" Napakurap kurap ako at tinignan nang mabilis ang hawak.
Natampal ko ang noo ko nang makita kung ano ang nahugot ko.
"Si Justine Montenegro 'yan 'di ba? 'Yung guwapong vocalist ng GZ," nakapalumbabang dagdag nito.
"Oo nga! Siya nga. Bakit mo siya ipi-naint, miss? Crush mo ba siya?"
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...