Kabanata 11

115 12 3
                                    

"Cassie, let's go." Kumatok si Kuya Priam sa pinto ng kwarto ko.

Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko. Kanina pa kasi ako nakatitig sa salamin ng dresser ko. Nakauniform na ako at handa nang pumasok ngunit parang nag-glue na ang mga paa ko sa sahig. Actually, hindi naman talaga ako madalas sumabay sa kuya ko pero napansin yata niyang hindi pa ako lumalabas kaya niya ako kinatok.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Thirty minutes na lang, magsisimula na ang klase. Kung ordinaryong araw lang 'to malamang nasa school na ako kanina pa. But hell no, this won't be an ordinary day for me from now on. Pagkatapos ng nangyari sa game kahapon, hindi ko na alam kung saan ko itatago ang mukha ko. That's the most embarrassing moment of my life. Panay ang hiling ko sa lupa na lamunin na lang ako kahapon dahil hindi ko kinaya ang hiya. Mas pula pa siguro sa sili ang mukha ko matapos no'n.

Nagyaya rin sila sa victory party na ipinahanda ng team ngunit tumanggi na ako. I walked out and ran straight at home. Hindi ko kinaya. Sobrang nakakahiya!

"Cassie," mababang boses ni Kuya Priam ulit sa labas.

"K-Kuya!" Napakurap kurap ako.

I don't know if kuya was also there. Hindi ko kasi siya nakita pero alam kung alam na rin niya ang nangyari.

"I said let's go. We'll be late," kalmadong sabi nya sa labas.

"O-Okay," sagot ko at dahan dahang bumuga ng hangin.

Hinagilap ko ang bag ko at lumabas na ng silid. Nang magtama ang paningin namin ay agad akong nag iwas ng tingin. Wala naman na rin siyang sinabi pero nagtagal ang tingin niya sa akin. Maya maya'y nauna na siyang maglakad. I must say, unlike Kuya Axton, Kuya Priam is a bit different. He's calm and silent most of the time at hindi ko matimbang ang mga nasa isip niya. Hindi gaya ni Kuya Axton na prangka at alerto. Napansin ko na 'yon noon pa. Even when I had suitors that tailed me, he'd only look at me. He never confronted me. In short, he never cared about my love life.

Wala kaming imik sa byahe hanggang makapasok sa eskwelahan. I wasn't surprised though. Nasanay na rin ako na ganyan si Kuya Priam sa akin. At hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko 'yon. Pero sa ngayon oo, hindi pa rin kaso makaget over sa nangyari. Namumula pa rin ako kapag naiisip ko 'yon.

Humihigpit ang hawak ko sa magkabilang strap ng bag ko dahil sa tinginan at bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Gusto kong yumuko dahil sa hiya pero tinatagan ko ang loob ko at deretso pa rin ang tingin.

"Hi Cassie, congrats!" isa isa nilang bati.

I only smiled a bit as a response though I felt uncomfy. Hindi naman kasi ako sanay sa atensyon pero dahil sa gunggong na 'yon ay heto't pinagpipyestahan na rin ako. In speaking of that jerk, kagabi pa siya tawag nang tawag pero hindi ko sinasagot. Baka kasi maibato ko na lang bigla ang phone ko sa inis. I knew what he did. He manipulated me. He used the game to make me say yes, and I goddamn hate it. But then I realized that it may have been the most embarassing way we became official, yet it was the most special. Hindi ko kasi akalaing gagawin ko 'yon sa tana ng buhay ko. I can't help but grin inwardly at that thought.

Nang makarating ako sa classroom ay agad akong pinalibutan ng mga kaklase kong babae. Kanya kanya silang tanong at pangungulit sa akin. I tried not to surpress a smile, but I just couldn't.

Nang makaupo ako sa upuan ko ay agad akong inabutan ni Zosia ng bottled water. Kumunot ang noo kong bumaling sa kanya.

"Hindi ako nauuhaw."

"Sige na, believe me kelangan mo 'yan." Nilahad niya uli.

"Bakit ba?"

"Baka kasi mabulunan ka e."

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon