Kabanata 27

148 11 1
                                        

Pagkalapag pa lang eroplano sa Manila ay agad na akong nagpaderetso sa ospital sa Makati. Humahangos akong nagtungo sa nurses' station upang magtanong.

"Excuse me. May hinahanap akong pasyente. Cisum Jazz Esquivel ang pangalan niya," hingal na sabi ko.

Sandaling nagtipa sa isang computer ang nurse bago ako sinulyapan.

"Nasa emergency room pa po."

"H-Ha?!"

Ganon ba kalala 'yon?!

Mabilis kong nilisan ang lugar at hinanap ang silid. Nang makita ko na ay agad akong ginapangan ng matinding kaba.

Huwag naman sanang malala.

Panay ang dasal ko habang mabilis na tinatahak ang hallway. Hindi na naging mahirap para sa aking hanapin ang pamilya ko dahil nasa labas lamang sila ng emergency room at malungkot na nakatungo. Si mommy na sobrang emotional ay inaalo ni Dad. Ganoon din si Zosia at Kuya Priam.

"Mom!" Mabilis akong nakalapit. "A-anong nangyari?"

Hindi agad nakapagsalita si mommy. Tumayo lang siya at niyakap ako.

"What happened?" Nag aalalang hinahagod ko ang likod niya.

"Naaksidente si Cisum sa rancho, Cassie," si Zosia ang sumagot sa gilid ko.

Tumungo ito at pinaglaruan ang mga kamay.

"Ano?" Kumalas ako kay mommy. "Paanong naaksidente?"

I remember them going to ranch today dahil weekend at walang pasok ang mga bata.

"K-Kasalanan ko kasi hindi ko nabantayan nang maiigi, naiiyak na sambit niya. "Pumasok lang ako sa bahay para gumawa ng meryenda pero pagbalik ko wala na sila. Nakalayo na pala sila at nakatakbo sa burol. Nadulas daw si Cisum kaya nahulog sa barbed wire," malat niyang tinig.

Dumapo ang kamay ko sa bibig.

"H-How is she now?"

"She's critical," tulalang sagot ni mommy kaya napabaling ako sa kanya. "She lost a lot of blood, so she needs transfusion."

Napaamang ako. Alam ko na kasi ang ibig sabihin nito.

"W-Wala pa bang donor?" kabadong tanong ko.

Rare kasi ang blood type ni Cisum. It's O negative. At wala sa amin ang may dugong gano'n. And an O negative patient can only receive an O negative blood.

Malungkot na umiling si mom.

"S-Sa blood bank?"

Umiling uli siya. "Out of stocks."

Napayuko ako. Hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Cassie..." makahulugan niyang sinabi.

I know what she wants me to do. Pero iniisip ko palang ay umuurong na ang sikmura ko.

Bumuntong hininga ako at napahilot sa sentido.

"I'll call Kuya Axton," sabi ko at agad na tumalikod.

***

Tulala ako matapos ang pag uusap namin ni kuya. He was so hesitant at first, but eventually agreed. Wala na rin kasing ibang pagpipilian. Wala pa kaming mahanap na blood donor at habang tumatagal sa emergency room si Cisum ay hindi kami mapanatag lahat. Marami na akong napagtanungan at hiningan ng tulong pero wala talaga. Para bang ito na lang ang natitirang paraan kaya wala na akong nagawa kundi gawin ito. Buhay ng bata ang nakasalalay dito. Kung hindi raw siya masalinan agad ay p'wede niya itong ikamatay. Masiyadong marami at malalalim ang lacerations niya. Hindi kakayanin ng bata niyang katawan.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon