Weekend came and Justine obliged to his promise that he'll make it up to me. Maaga siyang pumunta sa bahay para sunduin ako. Nadatnan ko siyang kausap ang brother kong si Axton at Priam sa sala. Nang matanaw ako ni Kuya Priam ay agad na siyang tumayo at iniwan kami. Sila na lang ni Kuya Axton ang nag uusap ngayon.
"Hey," pukaw ko sa atensyon nila.
Sabay silang napabaling sa akin. Tumayo agad si Justine at inayos ang hem ng suot niyang plain white T shirt na tinernuhan ng blue faded jeans at itim na converse shoes. He looks fresh and dashing, at kahit medyo malayo ako ay naamoy ko na agad ang panlalaki niyang pabango.
"Hi gorgeous." Ngumisi siya.
Pinasadahan ko ang suot. Isang simpleng plain peach na spaghetti strap dress at ankle strap sandals. Bahagya ko ring kinulot ang bob haircut na buhok ko at naglagay ng light make up.
"Tama na ang bola, buo kong ipapahiram ang kapatid ko. Pakibalik na lang nang maayos," si Kuya Axton na tamad na tumayo.
Justine chuckled and looked at him.
"You say so, kuya," nanunuyang tinig niya.
Inismiran siya ni Kuya Axton at pinaikot ang mga mata.
"Tch. Fuck off," sambit nito at walang ganang umalis.
Ngumisi si Justine at tumingin sa kanyang itim na relo.
"Let's go?"
Tumango ako at hawak kamay kaming lumabas ng mansyon. Mukhang maganda ang mood niya ngayon. Pasipol sipol kasi ito habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan sa kamay. Sa labas tumambad ang kanyang makinang at pulang Ford Raptor.
"Can I drive?" masayang tanong ko.
Namimiss ko na kasi ang pagmamaneho e. The last time we travelled, ako ang nagmaneho.
"Hmm? Why?"
"Wala lang, namimiss ko lang." Ngumisi ako.
"De, ako na ang magpapatakbo ng sasakyan, basta ikaw ang magpatakbo ng buhay ko." Ngumisi siya sa akin at nilahad ang binuksan niyang pintuan ng front seat.
Ngumuso ako at kinurot ang dibdib niya. "Ayan ka na naman sa kakornihan mo."
"Aw! My poor nipple." Sumimangot siya sa akin.
"Nipple ka d'yan, ang layo kaya!" Pinandilatan ko siya.
Hinimas himas niya 'yon at ngumuso, tila aliw na aliw sa reaksyon ko. Inirapan ko siya at pumasok na sa loob. Sinarado niya ang pintuan at nangingiting umikot para pumasok sa driver's seat.
"Sa'n tayo?" tanong ko.
"Bahala na kung sa'n makarating. Road trip, baby." Ngumisi siya at pinaandar ang sasakyan.
Tumango lang ako at sinulyapan ang mamahaling cellphone niyang nakasabit.
"Can I?" turo ko do'n.
"Sure, baby."
Kinuha ko 'yon at tumingin ng maipapatugtog. Habang bumabyahe ay isang kanta ni Jesse McCartney ang napili ko.
"Nice choice." Kinuha niya ang kamay ko at gaya ng dati pinagsalikop niya 'yon.
Ngumisi ako at pinisil ang daliri niya.
🎼"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul.."🎼Sa ikalawang verse niya sinabayan ang kanta habang patingin tingin sa akin.
"I know that you are something special
To you, I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me..."

BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...