"Woi! Tulala ka na naman d'yan sa lantang tulips mo." Siniko ako ng bestfriend kong si Zosia.
Bumuntong hininga ako at isinara ang notebook kung saan ko 'yun inilagay.
"Paborito mo talaga 'yan e 'no? Bakit ba hindi mo maitapon tapon 'yan? May sentimental value ba 'yan sa'yo?" tanong niya habang naglalagay ng liptint sa labi.
Grade eight na kami at katatapos lang ng first subject namin. Pero ang babaita ay naghahanda na namang mag-cutting.
"Don't ask what's obvious, Sha," tamad na sabi ko habang inaayos ang ilang gamit sa armchair.
Humagikgik siya at sinulyapan ako ng isang beses.
"E sino bang nagbigay n'yan? Mukhang matagal na 'yan ah?"
"Dunno. It was so stupid of me not to ask his name."
"His? So you mean lalaki? Ayiee...sino 'yan? Crush mo?" Tinusok tusok niya ang tagiliran ko kaya iritado akong bumaling sa kanya.
"Of course not! I just met him when I was ten. Aksidente lang, sa church."
"Oooh... so bakit ka niya binigyan ng bulaklak?" Ngumisi siya nang nakakaloko.
"Coz I've got hurt. Though hindi naman niya sinadya." Umirap ako.
"Ayiee... may ganyan ka pa lang memories ah? Type mo?" Tumaas baba ang kilay niya sa akin.
Matalim ko siyang sinulyapan.
"Hindi 'no."
"Weh? E bakit nagbublush ka?" Itinuro niya ang pisngi ko.
"Tss... hindi ah." Hinawi ko ang kamay niya at nagbuklat ng libro.
"Yiee... nagbublush siya! Alulululuh.."
Tinukso niya ako at tinuro turo ang pisngi ko kaya naman panay ang harang ko ng libro sa mukha.
"Ano ba, Zosia! Para ka namang tanga e." Matalim ko siyang binalingan.
Ngumisi siya at tinusok tusok naman ang tagiliran ko.
"Ayiee... si Cassie dalaga na. May crush na siya. Hindi na siya bookworm. Ayiiee..."
"Tumigil ka nga d'yan!" Inirapan ko siya.
Tumawa lang ang gaga at isinabit na ang bag sa balikat.
"Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" nakangisi niya akong kinantahan at hinawakan ang baba ko bago unti unting pumupuslit.
"Ano? Cutting ka na naman?!" puna ko.
Kumaway lang siya patalikod sa akin bago kumaripas ng takbo.
"Zosia!" sigaw ko ngunit naglaho na siya sa corridor.
Bumuntong hininga ako at nilabas ang cellphone ko.
"Wala talagang kadala dala 'yon. Maturuan nga ng leksyon," bulong ko sa sarili habang nagtitipa ng mensahe kay Kuya Priam.
Siya kasi ang SSG president at tungkulin niyang mangdesiplina ng mga kagaya ng bestfriend ko na matigas ang ulo. I don't completely understand why she always wanted to stick with her bad-influence friends rather than me. She said my life was boring. Wala daw thrill dahil puro ako aral. Gusto nya daw ng may adventure at twists, and her kind of "exploration" is to skip class and hang out with them. Tss.
Napailing na lang ako at binuklat ang libro.
"Cassie, library tayo?" pag aya ni Carmilla sa akin pagkatapos ng pang umagang klase.
Nagliligpit na ako nang kalabitin niya ako mula sa likod. Unlike Zosia, Carmilla shares the same interest as me. Parehas kaming mahilig magbasa ng mga nobela.
BINABASA MO ANG
Burnt Skies
RomanceEveryone has dreams. Some dreams can be achieved in the comforts of home. Some are outside of our comfort zone. And some would eventually find fulfilment in life through love. Pursuing the love of your life and your dreams are something that many wo...