Kabanata 13

109 11 0
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan kahit na weekend. Sumama ako kay mommy sa simbahan gaya ng nakasanayan. My Dad was still busy as always and so as my brothers. Kaya kami lang talaga ni mom ang nagpupunta sa church na 'yon.

"How's your group study with your friends yesterday?" biglang tanong ni mom habang nasa biyahe kami.

I stiffened in my seat. Naalala kong iyon nga pala ang paalam ko. That I would go to a group study. Hindi rin kasi natuloy sina Zosia sa bahay dahil nahihiya raw silang wala ako do'n. Kaya sinamantala kong gamitin 'yon para magpalusot. I didn't want to lie but Zosia insisted that idea. Ang sabi nga siya na raw ang bahala. Babawi na lang daw ako sa kanya. At alam ko na ang hihingin niyang pabor kaya pinakiusapan ko na naman si Kuya Axton na makipagdate doon.

"Uh, o-okay naman po, mom." Hindi ako makatingin sa kanya.

Pinilit kong itinago ang kamay ko sa likod ng sling bag ko. I'm afraid she would see my tattoo and scold me. Naalala ko kasi na sobra niyang pinagalitan si Kuya Axton nang magpatattoo ito ng marami. It's not that she's against it, masiyado lang talagang marami 'yung kay kuya.

"Are you okay? You looked tensed." Nagtagal ang tingin niya sa akin.

Sinikap kong ngumiti sa kanya kahit na kabado ako na mahuli niyang nagsisinungaling.

"Okay lang po ako, mommy."

Alanganin siyang tumango at hindi na rin umimik. Mabilis kaming nakarating sa simbahan. Matagal kong ipinagdasal na sana hindi pa kami mabuko at humingi rin ako ng tawad sa sunod-sunod kong pagsisinungaling sa mga magulang ko. Wala naman akong balak itago ito nang matagal. Aamin din naman ako kapag handa na ako.

Kumain na kami ni mommy sa labas matapos ang misa. Dumiretso na siya sa law firm namin pagkatapos. At ako naman nagkulong na sa kwarto para makapagpahinga. Dumapa ako at ni-check ko ang phone ko. May isang mensahe si Justine na kanina pa pala dumating.

: Baby, I miss you already :-(

Kusang kumurba ang labi ko at napakagat. Nagtipa ako ng sagot at saka binuksan ang isang social media app ko. Sa newsfeed ko agad bumungad ang litrato ng kamay namin na magkasalikop at may bagong tattoo. Naka-tag ako doon at may caption 'yon ng "I'm her King and she's my Queen...forever."

Lalong lumawak ang ngiti ko at parang hinahalukay ang lamang loob ko. The photo gained thousands of likes and hundreds of comments. Mula 'yon sa pinagsamang friends ko at friends niya. Puro positive naman lahat 'yon kaya nakakagaan ng pakiramdam. I saw my brother Axton liked it too. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan. The last time we talked about it, he already warned me, and I assured him pa na hindi ako magkakagusto ro'n!

Pumikit ako nang mariin at sinara ang app. Tumihaya ako at sandaling napatitig sa kisame. Hindi naman siguro niya ako isusumbong 'di ba? If he had a plan, he should have done it long time ago. Ngumisi ako at tinakpan ko ng unan ang mukha.

Isang katok mula sa pintuan ang nagpamulat sa akin. Inalis ko ang unan sa mukha ko at tinignan ang pinto. Naulit uli 'yong katok kaya bumangon na ako at lumapit do'n. Sana naman hindi si mommy 'to na alam na ang sikreto ko. Binuksan ko ang pinto para lang mapatanga sa nakita.

"J-Justine?" namimilog na mga matang sambit ko.

Matikas na nakatayo sa harapan ko ang kanina'y katext ko lang! Nakasuot siya ng puting sleeveless T-shirt at nakapamulsa sa kanyang itim na worn out jeans.

"Hi," nakangising bati niya.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?!" Pasimple kong inayos ang baby T-shirt kong itim at dolphin shorts.

Sinuklay ko rin ng daliri ang medyo magulong buhok ko.

"Just visiting. Namiss kita e."

Pinandilatan ko siya ng mga mata at mabilis na hinila papasok sa loob. Tarantang ni-lock ko ang pinto bago marahas na bumaling sa kanya.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon