Kabanata 17

110 11 0
                                    

I didn't know how I managed to go to school despite the pain in my chest. Hindi na ako natulog nang makauwi ako nang maaga sa mansyon. Nagbihis na agad ako ng aking uniporme at pumasok na sa school. Iniwan ko na ring patay ang cellphone ko sa kuwarto. Alam ko kasing pagkagising na pagkagising niya ay agad niya akong hahanapin. And as if hindi kami magkikita sa eskwelahan gayong iisa lang ang pinapasukan namin. Bagaman namumugto ang mga mata ko ay naitago ko naman 'yon gamit ang make up. Buong magdamag lang akong umiyak dahil sa ginawa ko. Ang akala ko okay lang. Na kakakayanin ko pero ilang oras pa lang ang lumilipas na hindi ko siya nakikita at naririnig ay para na akong mamamatay. However, I need to be firm and stand by my decision. Hindi ako p'wedeng maging mahina gayong ginusto ko naman ito.

"Di ba, Cass?"

"Hmm?" Nilingon ko si Zosia.

Nasa cafeteria kami at nagmemmeryenda. Hindi ko namalayan na kausap pala nila ako dahil lumulutang na naman ang isip ko.

"Ang sabi ko kung p'wede ba tayo sa bahay niyo bukas magreview para sa exams."

"Ah, yeah," mahinang sagot ko at tumungo.

Hinahalo halo ko ang juice na kanina pa walang lamig.

"Okay ka lang? Parang ang tamlay at lutang mo today?" Sinipat niya ako.

Umiling ako at bumuga ng hangin.

"Oo nga pala, ba't 'di ka raw makontak sabi ni Justine? Wala ka yatang cellphone ngayon? Anyare?"

Lalo akong tumungo dahil nagbabadya na naman ang luha ko pagkabanggit pa lang ng pangalan niya.

"Kanina ka pa hinahanap ng mokong na 'yon." Sumimsim siya sa kanyang juice.

"Break na kami."

Naibuga niya ang juice at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Ganoon din si Carmilla.

"A-Ano?!"

Bumuntong hininga ako.

"Nakipag break na ako sa kanya," garalgal na tinig ko habang nakatitig sa inumin.

"Ha? Bakit?!" halos sumigaw siya.

Bago pa man ako makasagot ay may isang mabigat na kamay na humaklit sa braso ko. Napatayo ako at napatingala sa madilim na mukhang sumalubong sa akin.

"J-Justine," mahinang utas ko.

"Let's talk," mariin at malamig na sabi niya sabay hila sa akin.

"Justine!" sabay na tawag ni Zosia at Carmilla nang makitang kinakaladkad na ako.

Halos magkanda tapilok ako sa mabibilis at malalaki niyang hakbang patungo sa parking lot ng eskwelahan.

"J-Justine, ano ba! Sandali nga!" atungal ko ngunit parang wala siyang naririnig.

Ni hindi niya nararamdamang nsasasaktan na ako dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Justine, please sandali lang, nasasaktan ako!" Panay ang hila ko sa braso pero wala akong magawa dahil tila bakal ang kamay niya.

"Justine! Ano'ng nangyayari?! Sa'n kayo pupunta?!" boses ni Zosia sa likod namin.

Nang sulyapan ko sila ay nakita kong pinipigilan siya ni Carmilla na sumunod sa amin.

Padarag na binuksan niya ang front seat ng kanyang sasakyan nang huminto kami.

"Get in," malamig na utos niya nang 'di tumitingin sa akin, hawak pa rin ako sa braso.

"Ano bang trip mo-"

"I said get in!" tila kulog na boses niya.

Sa gulat ko ay napanganga na lang ako. Nakakakot ang aura niya. Ngayon ko pa lang siyang nakitang ganito kagalit. Lumunok ako at hindi na nakipagtalo. Pumasok ako sa sasakyan at padabog niyang sinarado ang pintuan. Nang tumingin ako sa labas ay nakita ko ang bulungan ng mga estudyanteng nakatingin sa amin. Maging sina Zosia ay naestatwa sa kanilang kinatatayuan. Kumalabog ang pintuan ng driver's seat sa pagpasok niya. Hindi ko pa man naayos ang seatbbelt ko ay agad na niyang pinaharurot ang sasakyan.

Burnt SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon